CHAPTER 24

2.4K 110 82
                                    

My own Little First on the media. ⬆️🥰

💝💝💝

"THADEI.. Bestfriend.."

Nanigas si Thadei sa kanyang kinatatayuan at hindi siya makagalaw habang umaagos ang masaganang luha sa kanyang mga mata.

Naramdaman niya ang pagyakap ng mahigpit ni Lander sa kanya habang humahagulgol ito sa iyak. Hindi alintana kung nakikita man ng fiancee niya ang lakas ng pag-iyak niya.

Unti-unti ay nadarama ni Thadei ang panghihina ng kanyang katawan. Iniyakap na rin niya ang mga braso sa bewang ng matalik niyang kaibigan.

"M-monay..."

Mas lalo pang humagulgol si Lander dahil sa pagtawag niya dito sa pangalang iyon.

"I-i'm s-sorry.. Patawarin m-mo a-ako Dei.. p-patawad.." Patuloy ito sa paghingi sa kanya ng tawad. "Patawad.. Patawad.." Habang umiiyak ito ay inaapuhap niya naman ang likod nito.

Napatingin si Thadei sa fiancee ni Lander. "Señorita Zai.." Ginawaran niya ito ng ngiti kahit umiiyak pa siya.

Maging ito man ay ngumiti din ng matamis sa kanya. Bakas sa mukha nito ang kagalakan sa pagkikita nilang muli. At dahil na rin siguro sa kaalamang buhay pa siya.

Maya-maya pa ay humiwalay na din sa kanya si Lander. He took his fiancee's hand and hold it tight.

"Ahm.. Sorry to interrupt you both pero, anak?" Tumingin si madam Liza kay Lander. "Magkakilala kayo ni Miss Ade?" Naguguluhang tanong ni madam Liza kay Lander.

"Yes ma. Siya iyong sinasabi ko sayong matalik kong kaibigan sa isla... Asawa siya ni Marco." Sumisinghot-singhot pa ito habang binibigkas ang mga katagang iyon.

"What?! Is she.. the wife of the king? Iyong namatay sa sunog?" Napatakip ng bibig si Madam Liza habang nakatingin sa akin. "Dios mio.."

Napahawak si madam Liza sa braso ni Lander. Inalalayan din ito ni Zai.

"U-uhm tita, siguro.. sa labas po muna tayo. Hayaan na po muna nating mag usap si Lander at Thadei. Mukhang madami silang dapat pag-usapan.." Masuyong pagyaya ni Zai sa ginang habang masuyong nakatingin at nakangiti ito kay Lander.

Napairap ang ginang sa sinabing iyon ni Zaira. "Zaira, di ba sinabi ko sayo na mula ngayon mama na ang itawag mo sa akin o di kaya mommy? Naku ikaw, kapag hindi mo sanayin na tawagin akong mama, hindi matutuloy ang kasal niyo ng anak ko.

"Ma!!" Hindi ni Lander napigilang magreklamo sa ina.

Habang si Zai naman ay napakamot sa pisngi. Maya maya ay tiningnan niya si Lander. "Sweetheart, kumalma ka nga." Kapagkuwan ay tumingin ito sa ginang. "Halika na po.. Mama.." Nahihiya pang sabi nito.

Ang laki ng ngiti ng ginang sa fiancee ni Monay. "O siya, tara, maraming magagandang bulaklak sa flower shop na ito hija!" Excited na hinila nito si Zaira pero bago ito lumabas ng office ko ay tumingin pa muna ito kay Thadei ngumiti at yumuko. Saka nagtuloy-tuloy na ang ginang at si Zaira sa paglabas ng pintuan.

Tinungo ni Thadei ang sofa sa loob ng opisina at umupo doon. Sumunod naman sa kanya si Lander.

"I still can't believe it.." Marahas itong huminga. "Ang daming katanungan sa isipan ko Dei.. Papano ka nakaligtas sa sunog? At sino ang bangkay na nakuha namin doon, kung lumabas sa autopsy nung bangkay ay ikaw?"

It was Thadei's turn to frown, "Bangkay? Anong bangkay?" Naguguluhan siya. "Panong may bangkay doon eh ako lang naman ang tao sa bahay na yon Monay?"

"There was a corpse Dei.. Pero ngayon, alam ko ng hindi ikaw iyon. Pero.. How did you survive from that tragic incident? I mean, kalat na kalat na ang apoy sa buong kabahayan at kahit dumating na ang mga bombero ay matagal nilang naapula ang apoy."

𝐼𝑛𝑜𝑥𝑒𝑛𝑡𝑒𝑠 1: 𝒮ℯ𝒾 𝒯𝓊𝓉𝓉ℴ 𝒫ℯ𝓇 ℳℯ♡Where stories live. Discover now