Abala ako sa pagpindot para humanap ng gusto kong station. Tumigil lang ako ng may marinig akong pamilyar na kanta. It's an old song. I love old songs, OPM man or international. For me, there is so much feeling sa mga songs na ganuon. Knowing na some of it ay may true to life story pa talaga.

"Is this...uhm, okay?" tanong ko sa kanya.

Kagaya kanina ay isang tipid na tango lang ang sinagot niya sa akin. Napanguso na lamang ako at muling napaayos ng upo. Bahagya pang nagsway ang ulo ko habang nakikinig ng song. Gustuhin ko mang ifocus ang tingin ko sa labas ay hindi ko naiwasang punahin ang hawak ni Eroz sa manibela.

His Dad, Tito Axus is a professional car racer. I know na ganuon din si Eroz eventhough ginagawa niya lang iyong libangan. May mga sinalihan din siyang race pero hindi siya kagaya ni Tito na iyon talaga ang career. Siya din ang nagmana ng lahat ng sports car niyo at magagarang sasakyan na pang karera. And still, he's humble.

Marunong akong magdrive. At mahigpit ang hawak ko sa manibela pag ganuon. But si Eroz, walang kahirap hirap. Parang dumadaplis lang ang palad niya sa manibela, he did every move smoothly. Swabe, ang  ganda din ng takbo ng sasakyan. I don't know how to properly describe it.

Bayolente akong napalunok ng isipin kong baka I'm too bias dahil gusto ko siya o talagang ganuon na siya. Even when he drives, parang ang sexy. Damn Gertie, I thought he's too much for your liking huh?

"You can sleep, para hindi ka nakatitig sa akin buong byahe" Si Eroz. Muntikna akong ginawin dahil sa lamig ng kanyang boses, and it's so nakakahiya. He notice...he's observing din pala. Akala ko wala siyang pakialam sa akin.

"I'm not sleepy. And hindi naman ako nakatitig sayo...I notice your driving skill kasi. It's good and smooth, and sexy..." tuloy tuloy na sabi ko. Late ko na ng marealize kung ano ang lumabas sa aking bibig kaya naman kaagad akong napatikip ng kamay.

"You should sleep" he insist.

Mas lalong humaba ang aking nguso. "That's not right. Dapat if kayong dalawa lang ang magkasam sa byahe, hindi mo tutulugan ang kasama mo. Baka mainggit ka pag nagsleep ako at makatulog din" pangangatwiran ko na lang kahit I know naman na it's too impossible. Knowing him, again.

Tumikhim siya kaya naman napatikom na lamang ako ng aking bibig. Bumagsak ang tingin ko sa aking mga kamay. Kung ibang circumstances lang ito ay baka kinurot ko na ang sarili ko, but wala ako sa mood na gawin iyon ngayon. My chest hurts a bit, but hindi kasing heavy ng dati. This one is still bearable.

Sandali ulit na naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa hanggang sa marinig ko ang mahinang pagmura ni Eroz. Bahagyang kumunot ang noo ko, nang tingnan ko ang harap ay duon ko nakitang sobrang traffic papuntang Bocaue. Hindi naman na bago ito, lalo at tanghali na.

Palaging traffic dahil madami ding palabas ng Sta. maria, pag nakalagpas dito at Nlex na ang labas. Mula duon ay tuloy tuloy na ang byahe.

"Super traffic" mahinang sabi ko kahit obvious naman.

Bahagya ko siyang binalingan. Nanatili ang matalim niyang tingin sa may harapan. Hindi ko naiwasang panuorin kung paano niya itinukod ang kaliwa niyang siko sa may bintana, he massage the bridge of his nose. Napakagat ako sa aking pang ibabang labi dahil sa nakikita.

Bahagya akong napausog sa may bandang pintuan ng bigla na lamang siyang lumingon sa akin. Naabutan niyang pinapanuod ko siya.

"Dumaan na muna tayo ng convinient store" sabi niya sa akin na kaagad ko namang tinanguan.

Ipinark niya ang kanyang sasakyan sa tapat ng isang convinient store sa may tabi ng isang gasoline station. Hindi ko alam kung anong gagawin namin. Maybe he's hungry? Nauuhaw? Need to go yo the toilet?

Left in the Dark (Savage Beast #5)Where stories live. Discover now