Prologue

225K 4.4K 1K
                                    

Arrange





Mula sa liwanag ay mariin akong pumikit. Maybe I belong here. I want peace so maybe in darkness I found my peace. Bayolente akong napalunok ng sumakit ang aking lalamunan dahil sa nagbabadyang pagiyak at bumigat ang aking dibdib.

Dumilat ako at sa malayo ay tinanaw ang mga taong nakikisaya sa kasal ng aking pinsan. Hindi ko man gustong magtagal duon ay ginawa ko pa din, pinilit ko ang aking sarili na panuorin ang wedding video nila. Pagod akong ngumiti sa kawalan at binuhay ang sasakyan.

Pinindot ko ang stereo at pinatugtog ito. I need a good music as I walk away from all this pain. But the song on the stereo is a big slap to me. Samson by Regina Spektor.

"Damn..." nakangising sambit ko.

You are my sweetest downfall
I loved you first, I loved you first
Beneath the sheets of paper lies my truth
I have to go, I have to go
Your hair was long when we first met

Pinagpatuloy ko ang pagmamaneho paalis duon palayo sa lahat. Everyone has their happy ending, I think I don't deserve one. Baka hindi talaga para sa amin ito, hindi siya para sa akin.

Muli kong inalala ang mga nakita ko sa wedding video nila.

And the history books forgot about us
And the Bible didn't mention us
And the Bible didn't mention us, not even once

I was forgotten. Wala ako sa kwento nila, nakalimutan? O talagang kinalimutan. I was left in an empty chapter. Sa wakas sa kwentong iyon may isa akong chapter. But it was all empty. Saan ako lulugar?

I belong to that story, I know I belong to that story! But I was forgotten, I wasn't mentioned. They Left me. Para bang iniwan nila ako sa simula at hindi na inalala hanggang sa wakas. Or maybe I was just part of the process? Na hanggang sa mga kabanata lang ako at hindi hanggang dulo?

Tumulo ang masasaganng luha sa aking mga mata. Maybe I don't belong to anyone. I belong to the dark, I belong where they left me.

I was left in the dark


Nasilaw ako dahil sa liwanag ng muli kong idinilat ang aking mga mata. Ang malungkot na ngiti ni Mommy ang sumalubong sa akin.

"You should try anak...you are at age" pangungumbinsi niya sa akin.

Napahilamos ako sa aking mukha. Gusto niyang pakasalan ko ang anak ng kanyang kaibigan. Ilang taon na iyon? 20? 21? At ako...30.

Sinong bata ang gugustuhin na makasal sa akin? Siguradong gusto pa nuon na magexplore. Ang matali sa akin at siguradong hindi niya gugustuhin.

"Pumayag si Gertrude" pagsisiwalat ni Mommy ng kanina ko pang iniisip.

Napangisi ako. Ang batang yon...

Napadila ako sa aking pangibabang labi ng muli kong maalala kung paano ako nabigo sa huli kong pagibig. Ayoko na sana sa mas bata sa akin. Masyadong immature ang feelings nila. Mahirap silang hawakan. Nakaka trauma.

Akala mo palagi, iiwan ka. Mabilis silang mainlove kaya naman kaunting pagkakamali ko lang ay siguradong aayawan na ako nuon at maghahanap ng iba.

"Hindi niya ako magugustuhan"

Lumapit si Mommy at niyakap ako. "She likes you. Trust me, para sayo na ito"








(Maria_CarCat)

Left in the Dark (Savage Beast #5)Where stories live. Discover now