Chapter 7

77.7K 3.1K 908
                                    

Nice





Hindi maalis ang tingin ko sa kanilang dalawa. Looks like, they're too close. Para bang kumportable silang dalawa sa isa't isa. The level of closeness I also want to reach, with Eroz.

Pansin ko ang pagkailang ni Tathi sa paligid. Nagliliwanag lang ang mukha niya pag kinakausap siya ni Eroz. Panay din ang hilig niya dito at pagbulong. Bayolente akong napalunok.

Bumagsak ang aking tingin sa lamesa. Kahit family friends kami ay hindi siya naging ganyan sa akin nuon. Masyado niyang ipinagdamot sa akin ang ngiti niya. Siguro kung palagi lang siyang nakangiti sa akin nuon at hindi nakasimangot ay mas naging magaan sa akin ang lahat.

But, I know na hindi ko iyon pwedeng idemand kay Eroz. Hindi niya naman ako responsibility ng mga time na iyon. Nakikisuyo na nga lang ako sa kanya para samahan niya.

Napatikhim si Abuela Pia na nakakuha ng atensyon naming lahat. Nakita ko ang matalim na tingin niya sa gawi ni Eroz. Para bang hindi niya nagugustuhan ang nakikita.

"Eroz, Apo..." tawag niya dito. Dahil duon ay walang nagawa si Eroz para lapitan ang kanyang Lola.

Sinubukan ko ulit na tingnan siya. Nagbabakasakali akong mapatingin man lang siya sa akin pero hindi talaga. Diretso ang tingin niya sa kanyang Abuela na para bang wala siyang pakialam sa mga tao sa paligid niya.

Titingnan niya lang kung sino ang gusyo niyang tingnan. Papansin ang gustong pansinin. He is too cold to everyone...or sa akin lang? Hindi ko din alam, hindi ko alam kung ano ang ayaw niya sa akin.

Panay ang pagtikhim ng katabi kong si Cairo. Bahagyang kumunot ang aking noo. Nang lingonin ko siya ay nakita kong matalim ang tingin niya kay Tathriana. Hindi nagtagal ay inirapan niya ito at nilingon ako.

"Wag kang magseselos. Akin si Tathriana" madiing sabi niya sa akin.

Alam niya kung ano ang nararamdaman ko para kay Eroz. Naikwento ko iyon sa kanya na bata pa lang ako ay gusto ko na ito at bata pa lang din ay basted na ako.

Marahan akong tumango sa kanya. Nagsalita ang lalaki sa harapan para iannounce ang pagsisimula ng meeting. Muli akong pahapyaw na sumulyap kay Eroz pero kagaya kanina, nasa kay Tathi ang kanyang buong atensyon.

Kaagad kong hinagilap ang likod ng aking palad para kurutin iyon. I know na bad ang mainggit, pero I that is what I really feel. Ganuon na siya nuon kay Tathi. Mabait na siya nuon kay Tathi. At ngayong mas marami na akong naiintindihan ay alam kong may iba sa mga tingin niya dito.

He likes her...alot. And I'm so inggit with that.

Tahimik na lamang akong nakinig sa sinasabi ng tao sa harapan. Sinama ako ni Cairo dito para may matutunan ako sa bussiness pero hindi ko naman magawang mag concentrate. He's happy...parang kumikislap ang mga mata niya sa tuwing nakatingin kay Tathi.

Malakas na tumikhim si Cairo ng siguro ay hindi na din niya kinaya. Napanguso na lamang ako. I know how much he loves Tathriana. Aawayin pa nga sana niya ako nung una nung inakala niyang irereto ako sa kanya, bumati siya ng slight nung nalaman niyang si Eroz ang gusto ko.

"Do you have, something to say...Mr. Herrer?" tanong sa kanya.

Ang lahat ng mata ay nasa kay Cairo. Muling umigting ang kanyang panga, bumaba ang tingin ko sa kanyang kamao. Nakita ko kung paano naglabasan ang ugat duon. Galit siya.

"Nothing" madiing sagot niya.

Naging maayos naman ang meeting hanggang sa nagkasundo na ang lahat and proceed to contract signing. Tumayo na sa gilid ang iba at naiwang nakaupo sa lamesa ang mga kailangang pumirma.

Left in the Dark (Savage Beast #5)Where stories live. Discover now