Chapter 30

101K 3.5K 976
                                    

Unpleased




Nanatili ang titig ni Eroz sa akin. Kahit medyo naiilang ay nagawa ko pa din iyong suklian. Maubos sa paanong paraan? Sa pagkakaalam ko, kung may mauubos man sa kanya. Pasencya niya iyon.

"If that's the case. I can refill you know. Sa kape nga..." hindi ko na itinuloy ang dapat sanang paliwanag ko tungkol sa kape dahil kakailanganing banggitin nag pangalan ni Hobbes.

Nagiwas kaagad ako ng tingin ng makita ko ang paniningkit ng kanyang mga mata tanda na handa siyang pakinggan ang sasabihin ko.

"I mean. I can contribute, we have a lot of...uhm money and property" I don't want to brag naman. Hindi ko kailanman ipinagmalaki sa kahit na sino na mayaman ang pamilya namin. Although, kung iyon kasi ang iniisip ni Eroz, wala siya dapat problema dahil I'm willing to share everything I have sa kanya. Kung anong sa akin when the time comes, sa kanya na din.

Umigting ang kanyang panga. "It's not about that Gertrude" seryosong sabi niya sa akin kaya naman humaba ang nguso ko ng lingonin ko siya.

"Tell me then. Para alam ko, I can always adjust sa life na gusto mo para sa atin" giit ko sa kanya.

Nakita ko kung paano dahan dahang pumungay ang mga mata ni Eroz. Itinaaa niya ang kanyang kamay papunta sa aking mukha para marahang tanggalin ang ilang hibla ng buhok na nakaharang.

"Ayokong dumating ang araw na ikaw naman ang maubos dahil sa akin, Gertrude" marahang sabi niya sa akin.

Hindi ako nakaimik. Pero namanhid ang buong katawan ko dahil sa pagtama ng kanyang magaspang na kamay sa aking pisngi. Ganuon ang kamay niya dahil sa pagtratrabaho. Nahawakan ko na ang kamay ni Cairo, hindi naman iyon ganito. It's soft rin just like mine. Pero ang kay Eroz, halatang madami siyang pinagdadaanan sa buhay.

Bago pa man niya maibaba ng tuluyan ang kanyang kamay ay nahuli ko na iyon. Mas lalong lumiit tingnan ang kamay ko dahil sa laki ng sa kanya. Marahan kong hinaplos ang kanyang palad, it's rough and may marka pa ng ilang nagdaang sugat.

"Dapat you apply lotion. Para maging soft ang skin mo" payo ko sa kanya.

Mas lalo akong humanga kay Eroz at sa mga trabahador na kasama niya. Their kind of works ay hindi biro, and It is something to be proud of. Nung minsang, natarayan ko ang isa sa mga household helper namin nuon, pinagalitan ako ni Mama. I should not look down or look at other people depends on their work. Everyone is pantay, I need to respect everyone. Not because they are working for us ay magmamataas na ako.

Mahina siyang ngumisi kaya naman naputol ang pagiisip ko. Tiningala ko siya, nanatili ang tingin niya sa akin.

"Dahil magaspang ang kamay ko, ayaw mo na akong hawakan?" tanong niya sa akin na kaagad kong inilingan.

Para patunayan iyon ay ako pa mismo ang nagpasiklop ng mga kamay namin. Mahigpit kong hinawakan ang kanyang kamay para magholding hands kami kahit may ibang tao na paminsan minsan ay alam kong pinapanuod ang ginagawa namin. Bahala na.

"I don't mind Eroz. Hindi mababawasan ang pagkagusto ko sayo because of that" diretsahang sabi ko. Iyon naman talaga, pero masyado ata akong nabigla at ayan nanaman sa pagamin na gustong gusto ko siya.

Nanatiling nakaawang ang aking labi. Naghahanap ng pwedeng idugtong para sana makabawi pero wala na. Na blanko na ang utak ko lalo ng nagtaas ito ng kilay sa akin.

"Crush mo ako, dahil gusto mo akong makita everyday?" mapangasar na tanong niya sa akin.

Bahagya pang nanlaki ang aking mga mata. Ganuong ganuon kasi ang sinabi ko sa kanya nuon. Hindi ko inakala na hanggang ngayon ay naaalala pa niya ang mga eksaktong salita.

Left in the Dark (Savage Beast #5)Where stories live. Discover now