Chapter 47

76.8K 2.9K 746
                                    

Hi loves! You can also find me on Twitter and IG "Maria_CarCat" #GerozDay
Love lots, Maria.
____________


Blood






"Tsaka lang ako aalis, pag tulog ka na" marahang sabi niya habang patuloy na hinahaplos ang aking ulo. Kanina pa gustong bumagsak ng aking mga mata, halos pumungay na ang aking mga mata dahil sa ginagawa niya. I stop myself from sleeping, gusto ko pa siyang makasama.

"You can sleep here naman"

Nakita ko kung paano bahagyang tumaas ang isang sulok ng kanyang labi, but he still manage to look like he's cool. Sus!

Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya kaya naman humaba ang nguso ko. "If you want lang naman. Hindi naman ako namimilit" sabi ko pa sabay iwas ng tingin.

"Gustong gusto ko, pero kailangan nating magpakabait. Baka pag gising mo bukas nasa labas na ako ng bahay niyo" pangaasar niya sa akin.

Though it was a pangaasar, I took it seriously.

"Papa will never do that to you, Eroz. He knows na love kita, Kaya I know for sure na love ka din niya" sabi ko. Eventhough, I'm not really sure about it. But, I still believe na Papa is not that bad. My Papa is mabait naman.

Tipid na ngiti na lamang ang isinagot niya sa akin. Ang marahang paghaplos niya sa aking buhok ay lumipat sa aking pisngi. Ginantihan ko ang titig ni Eroz sa akin, itinaas ko pa ang kamay ko para hawak ang kamay niya.

"I miss you, everyday. And our kubo" pagamin ko.

Bayolenteng nagtaas baba ang kanyang adams apple. "I miss you more, Gertie" pagkatapos niyang sabihin iyon ay sandali siyang gumalaw para halikan ako sa noo.

"You should sleep, gabi na. Bawal sa bata ang nagpupuyat" sabi pa niya kaya naman mas lalong humaba ang aking nguso.

"Bawal din sa mga older people ang nagpupuyat" laban ko sa kanya na ikinatawa niya.

Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Nauna lang akong ipinanganak, pero para pa din ako sayo, kaya matulog ka na diyan" sita niya sa akin kaya naman matamis akong ngumiti. I can't stop myself na para pigilan ang kilig na nararamdaman.

Hindi nawala ang ngiti sa aking labi hanggang sa mapaawang ang bibig ko ng irapan niya ako.

"Pikit na, dalawang mata ha" banta pa niya sa akin. Pero imbes na makatulog ay tinawanan pa namin iyong dalawa.

Maaga akong nagising kinaumagahan. Kahit maayos ang aking tulog ay hindi pa din nawala ang bigat sa aking dibdib dahil sa nangyari kagabi. Halos talunin ko ang kama pababa. Pagkalabas ng aking kwarto ay dumiretso ako sa may kitchen. Boses kaagad ni Yaya Esme ang aking narinig.

"Good morning, Yaya Esme" bati ko.

Nagulat siya, napatingin kaagad sa suot ba wrist watch. "Oh Senyorita, ang aga mong nagising"

Inalok ako ni Yaya Esme ng kape. I want to say yes, but mas gusto kong uminom ng hot chocolate nowadays. Favorite ko ang coffee, pero I'm not in the mood.

"Madaling araw na umalis si Senyorito Eroz. Didiretso pa daw siya sa hospital at magbabantay" kwento nito sa akin habang nakaupo ako sa may kitchen counter at hinihintay ang hot chocolate ko.

Tahimik pa din ako habang nanunuod sa ginagawa niya. Hanggang sa mapabuntong hininga si Yaya Esme kaya tumingin ako sa kanya.

"Kamusta na ang sugat mo?" tanong niya sa akin. Dahil sa tanong niyang iyon ay tsaka ko lang naalalang may sugat ako sa aking palad.

Left in the Dark (Savage Beast #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon