Chapter 43

75.3K 3.4K 1.9K
                                    

Hi Dears! For more update regarding LITD and Eroz & Gertie, you can follow me on Twitter: "Maria_Carcat" and IG also. If may tanong kayo, I can answer din as long as may free time ako while reviewing. Keep safe always! Love lots, Maria.
___________


Pregnant




Hindi ako nakagalaw sa aking narinig. Halos mabitawan ko na din ang hawak kong lunch box dahil sa panghihina. My body feels numb, kaagad ko ding naramdaman ang pagbigat ng aking dibdib.

"Hindi yan totoo! Hindi ako naniniwala!" galit na sigaw ni Tito Axus sa Doctor.

Walang nagawa ang Doctor kundi marahang umiling at yumuko. Hindi na nacontrol ni Tito ang emotions niya and I see naman na the Doctor understands.

"Dad" marahang tawag ni Eroz dito. Pilit niyang pinapakalam si Tito Axus, but I see how at pain Eroz is, also.

Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya, It was etched in his face. Kahit pilit niyang maging strong ay kita ko pa din iyon. I know, Cause I am very observant with him. Kahit hindi niya sabihin sa akin, eventhough he doesn't show too much emotions. I know, because if you love somone so dearly, you'll definetly know.

Nanlabo ang aking mga mata lalo ng muling galit na sumigaw si Tito Axus. He can't control his emotions. Natakot ako, hindi ako sanay na ganito siya. He was always that sweet loving, calm and jolly Tito Axus.

"Kahit maubos ang pera ko! Kahit maubos sa akin ang lahat. Makakalakad ulit si Elaine" madiing sabi niya sa Doctor before he breaks down.

Before he lose his strength ay nakayakap na kaagad siya kay Eroz. Kita ko ang panginginig ng katawan nito dahil sa pagiyak. Mahigpit din ang pagkakakuyom ng kanyang kamao.

Tumulo ang masasagang luha sa aking mga mata ng makita ko kung paano mariing napapikit si Eroz.

"Diyos ko! Si Ma'm Elaine" pagsinghap ni Yaya Esme.

Nang lingonin ko siya ay kita ko ang mahigpit niyang hawak sa kanyang rosary. Nakapikit pa ito habang nakahalik doon.

"Sa chapel lang ako, Senyorita. Wag kang lalayo sa tabi ni Senyorito Eroz, delikado pa din" madiing paalala niya sa akin bago niya ako iniwan.

Hinatid ko ng tingin si Yaya hanggang sa tuluyan na siyang makalayo. Nang muli kong tingnan si Eroz ay nagulat pa ako ng makita kong nakatingin din siya sa akin.

Kagaya kahapon ay walang kaemoemosyon ang mga tingin niya sa akin. Mas tanggap ko pa nga siguro iyon kung nakikitaan ko siya ng galit. But he's just that, emotionless. Mas bigat iyon for me. Because I'm clueless.

Dahan dahan akong naglakad papalapit sa kanila. My body is so numb because of the guilt and hiya na nararamdaman ko. Parang gusto ko na lang magpakain sa lupa at wag ng bumalik kahit kailan. Wala na akong mukhang ihaharap sa kanila.

Ramdam ko ang tingin ni Eroz sa akin habang naglalakad ako palapit. Mas lalong nagsituluan ang aking masasaganang luha.  Napasinghap pa ako ng ilang hakbang na lang ang layo ko sa kanila.

"Tito Axus, Eroz. I'm so sorry about that. I will help Tita Elaine also, hindi din ako naniniwala sa Doctor. For sure Tita will walk again" mahinang sabi. Nanatili ang mata ko sa sahig, para akong lalamunin ng presensya nilang dalawa.

Mas lalo akong nalungkot. I've known them since then. Pero ngayon, pakiramdam ko ibang tao na sila, pakiramdam ko hindi ko sila kilala. How can someone you've known for so long feels so distant?

Nakurot ko ang likod ng aking palad ng walang nagsalita sa kanilang dalawa. Halos dumugo din ang labi ko dahil sa pagkakakagat ko dito. Hindi ko na kinakaya ang guilt ko. Wala akong maisip na paraan para mawala ito, to even calm myself.

Left in the Dark (Savage Beast #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon