16. MY FUCKING RESTAURANT

36 1 0
                                    

Ang pagmamahal ay hindi nagbabase sa kung ano man ang estado sa buhay.

Nag iisa lng ako sa buhay, matapos akong palayasin ng tatay ko dahil anak lng ako sa labas. Ang nanay ko ay patay na kaya walang magpoprotekta sakin.

Araw araw akong nagtitiis, kumkayod para sa sarili ko upang makapag aral ako. Trabaho doon, trabaho dito. Hanggang sa may nakilala ako.

Sya si Queen. Maganda sya at mayaman. Ni minsan hindi sumagi sa isip ko na ligawan sya dahil alam kong hindi nya tipo ang lalaking katulad ko. Mahirap lng ako at sya sobrang yaman.

Pero kahit ganon, hindi ko inaasahang magkakalapit kami.

Palagi akong nakatambay sa library upang mag aral at palagi ko syang nakikita. May isang beses na ang daming estudyante sa library kaya wala ng bakanteng upuan at lamesa maliban nlng sakin.

Mag isa lng ako dahil wala akong kaibigan. Walang gustong makipag kaibigan sakin dahil mahirap lng ako. Nag aaral kasi ako sa isang private school at scholar ako.

Nakita ko si Queen na kakapasok palang at kita ko sa mga mata nya na parang nagdadalawang isip syang lumabas na, dahil alam ko mahilig talaga syang magbasa kaya naninibago sya ngayon.

Tumingin naman ito sa direksyon ko kaya agad kong itinaas ang librong hawak ko upang matakpan ang mukha ko. Maya maya ay may biglang nagsalita.

"Excuse me, pwede ba akong makishare? Puno na kasi lahat ng upuan eh" dahan dahan ko namang ibinaba ang librong hawak ko at nagulat akong si Queen ang kumausap sakin.

At dahil sa kaba ay hindi ako nakapagsalita agad.

"amm hello?"

"ah oo, p-pwede naman" utal kong sabi.

Simula noon naging malapit na kami sa isat isa. Hanggang sa palagi na kaming inaasar. Hindi asar na kikiligin ka kundi parang dinidirian ka. Dahil sakin iniiwasan na si Queen ng mga kaibigan nya.

Ayokong magtiis rin si Queen gaya ng sakin pero ang sabi nya wala naman kaming ginagawang masama at inamin nya narin sakin na gusto nya ako kaya nagulat ako. Hindi ako makapaniwala na ang dating hinahangaan ko ay gusto ako.

Simula non ay nililigawan ko na sya hanggang sa sagutin nya ako.

Masaya ako kasi masaya si Queen sakin. Masaya ako dahil hindi nya ako hinuhusgahan.

May isang beses na habang nagdidisscus yong teacher namin ay ginawa nya akong halimbawa.

"Oh tingnan nyo si Jacob, kapag kayo walang mararating sa buhay, magiging kagaya nyo sya! Maghihirap lng kayo! Kaya kung magboboyfriend/girlfriend kayo, siguraduhin nyong mayaman dahil alam nyo na. Kinakailangan nating maging practical. Hindi lng pwede puro love kailangan rin natin ng pera upang mabuhay. Kaya kung ako sa inyo dapat maging magaling kayo sa pagpili"

At dahil sa narinig ko, hindi ko maiwasang masaktan, madown, mahiya sa sarili ko. Bakit ba kasi ang unfair ng buhay? Bakit ba kasi ako naging mahirap kung pwede naman maging mayaman?

Mas lalo akong nahiya nang marinig ko ang bulungan ng mga kaklase ko.

"Hay nko, alam ko namang pera lng ang habol ng lalaking yan kay Queen eh. Nakakaawang Queen, nagpapaloko."

Mas nahiya pa ako lalo dahil kaklase ko si Queen.

Lumingon ako sa kanya at nakatingin na ito sakin na parang naaawa.

Pagkatapos ng klase ay agad akong lumabas.

"Jacob wait!" sigaw ni Queen pero hindi ko ito pinansin hanggang sa makalabas kami ng gate.

"Jacob sandali lng ano ba!" sigaw nya at hinawakan ako sa braso

"ano?!" lingon ko sa kanya

"Pwede ba tigilan na natin to" sabi ko

5months na kami ngayon at dahil sa narinig ko kanina feeling ko naaawa lng sakin si Queen.

"Ano? Dahil lng sa sinabi nila kanina aayaw ka na? Ang duwag mo naman pala!" galit na sabi nito kaya naguilty ako

"Hindi mo kasi naiintindihan! Hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko kaya wala kang alam sa nararamdaman ko!"

"Wala nga akong alam pero may pakialam ako Jacob. At kahit ano pang sabihin nila mahal kita kaya sana huwag mo naman sukuan ng mabilis tong relasyon natin dahil hindi lng naman ikaw ang nahihirapan eh" deretsong nakatingin si Queen sakin at umiiyak na.

Nasaktan ako nang makita syang umiiyak kaya yinakap ko ito.

"Im sorry"

unang beses na away palang namin ito at dahil dito mas naging matatag ang relasyon namin at hanggang sa napagdesisyonan ng pamilya ni Queen na sa State na sya mag aaral.

Legal narin kaming dalawa sa pamilya ni Queen at masaya ako dahil tanggap nila ako.

Nasa State nanga si Queen at mag iisan taon na ang relasyon namin.

At dahil wala si Queen ay mas naging madalas ang pang bubully nila sakin kaya hindi ko maiwasang makipagsuntukan kaya umabot kami sa principals office.

Simula nong umalis si Queen ay parang naging gago ako dahil sa ginagawa ng mga kaklase sakin at dahil narin sa kawalan ng karapatan bilang estudyante dahil pati ang teacher ay sinusubukan ang kakayahan ko. Alam nilang mahina ako sa math kaya pinasali nila ako sa math quiz at ayon talo nga ako kaya wala silang ibang bukambibig kundi tawagin akong bobo.

Hindi ko din naman masabi sabi kay Queen kung ano ang kalagayan ko dahil gusto kong makapag focus sya doon sa States.

Pero kahit ganon ang nangyari sakin sa school. Nakapagtapos parin ako.

Nag apply agad ako at nakahanap ng stable Job at hanggang sa ma promote at ngayon, nakapag tayo na ako ng sarili kong restaurant.

This is my Fucking restaurant. Sobrang daming effort ang ibinuhos ko dito para lng maipatayo ko ito at para narin ipakita sa lahat ng taong hindi naniwala sa kakayahan ko.

Ngayon ang opening namin at hindi ko rin inaasahang uuwi si Queen at sinupresa ako.

One Shot StoriesМесто, где живут истории. Откройте их для себя