9. "NAGING PALABOY SYA NG DAHIL SA AKIN"

120 5 0
                                    


"napakasayang mo kung mapupunta kalang sa lalaking iyon" sabi ng isa sa mga kaibigan ko

"Oo nga, Maganda ka at matalino kaya deserve mo rin yong taong kagaya mo hindi yong mahirap na nga babaero pa, oo gwapo si Carl ngunit aanhin mo ang kagwapuhan kung hindi naman mapakikinabangan" Sabi rin ng isa pang kaibigan ko.

Kaibigan ko sila pero walng supporta ang nakita ko nong maging kami ni Carl. Oo totoong mahirap lng sila Carl at gwapo sya pero hindi naman ibig sabihin na mukha lng ang habol ko sa kanya.

Alam kong nagbago na si Carl, hindi na sya yong dating Carl na babaero.

Mahal ko sya kahit napakaraming tumutol sa relasyon namin.

Nasa boarding house kami ngayon ng mga kaibigan ko at balak ko ng umuwi dahil baka hindi ako makapagtimpi dahil sa mga sinasabi nila sa boyfriend ko.

"Uuwi na ako" sabi ko at tumayo na, hindi ko na sila hinintay pang sumagot dahil alam kong alam nila na naiinis ako. Ilang beses na nila akong pinagsabisan na hiwalayan ko na si Carl ngunit hindi ko sila pinakikinggan. Pati rin ang mga magulang ko ay tutol sa aming dalawa kaya naisipan namin na ilihim nalang ang relasyon namin at ang mga kaibgan ko lng ang nakakaalam.

Papunta na ako ngayon sa bahay ng biglang tumunog ang cellphone ko.
Tumatawag si Carl kaya sinagot ko ito.

"Hi beh!" masayang sabi ko ngunit tahimik lng sya
"May nangyari ba? Bat ang tahimik mo?" sabi ko at narinig ko naman ang pagbuntong hininga nya sa kabilang linya.

"Kahit anong mangyari, lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita Jessa" kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya

"Ha? ano bang sinasabi mo?" hindi ko na narinig ang sagot nya dahil pinatay na niya ito.

Umuwi ako habang iniisip kung anong nagyari kay Carl. Hindi ko sya maintindihan

Dumaan muna ako sa may coffee shop at bumili.

Nang makarating ako sa bahay ay agad akong sinalubong ni Mommy ng sampal.

Napahawak nalang ako sa aking pisngi dahil sa sakit na natamo.

"M-mom, "
"It's all your fault!" sigaw nito sakin kaya napaatras ako.

Bigla ding dumating si daddy at galit rin itong nakatingin sakin.

"Hindi ba noon pa sinabi ko na sayo na hiwalayan mo na yang Carl na yan! Bakit hanggang ngayon kayo parin? At tinago nyo pa talaga ha!" galit na sigaw din ni dad sakin

"Alam mo ba ang ginawa ng boyfriend mong yan?" tanong ni mommy.

Umiling naman ako at halos maiyak narin ako dahil pinagagalitan nila ako.

"Ginasa nya lang naman ang kapatid mo!" sigaw ni Dad

Dahil sa narinig ko ay bigla kong nabitawan ang kapeng dala ko dahil hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

"A-asan po si ate?" tanong ko na naiiyak na

"wala ka nang karapatan na makita ang ate mo dahil ikaw mismo ang nagdala sa kanya sa panganib!" sigaw ni dad at sasampalin na sana ako nito mabuti nalang ay inawat ito ni mom.

"Kung gusto ka naming mapatawad ay hiwalayan mo na ang lalaking yon" sabi ni mom at sabay sila ni dad na pumasok sa loob at naiwan akong tulala, hindi alam kung ano ang gagawin.

Dahil hindi ako makauwi sa bahay, wala akong ibang mapupuntahan kundi si Carl dahil kapag sa mga kaibigan ko ako lalapit ay nakakasiguro akong pagsasalitaan lng din nila ako. Kailangan rin naman namin mag usap ni Carl.

One Shot StoriesWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu