15. You changed me

32 1 0
                                    


Ako si Ken.. Isa akong pulubi na pakalat kalat lng sa daan.

Marumi at mabaho sabi nila. Halos di na nga maitsura yong mukha ko dahil sa dumi.

Isang araw umuulan, agad akong humanap ng masisilungan at swerteng may nakita akong puno. Habang tumatakbo ako sa punong yon may napansin akong babae. Maganda at simple lng manamit.

Nang makasilong ako lumingon ito sakin at ngumiti. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil first time may ngumiti sakin.

Maya maya tumila narin ang ulan at napansin kong naghanda narin ang dalagang katabi ko ngayon upang pumara na ng sasakyan.

Ilang minuto rin nang may huminto sa kanya.
Sasakay na sana sya nang bigla itong napatigil.

Lumingon ito sakin at sinabing

"gusto mo?" sabay abot nong plastic na dala nya na may lamang pagkain.

At dahil minsan lng may nag alok sakin ng pagkain, agad ko itong kinuha. Kinuha ko ito ng hindi man lng nagpapasalamat at dahil narin siguroy sabik na akong makakain.

Hindi ko rin inaasahan na may tao pa palang kagaya niya.

Lumipas ang ilang araw nagkita ulit kami at hindi inaasahang don parin sa puno ulit kami magkikita pero wala ng ulan. Naka upo ako sa gilid at malayo ang distansya namin sa isat isa.

Pumara na ito at muling lumingon sakin at sinabing kunin koraw yong plastic na nasa inupuan niya kanina. Tumingin ako kung saan nya tinuro yong daliri nya at magpapasalamat na sana ako kaso nakaalis na ito.

Ilang araw nang ganun ang nangyayari at hindi ko alam kung sinasadya ba ito ng tadhana.

At dahil sa paulit ulit na pagkikita nmin at sa paulit ulit na pagtulong nya sa akin, hindi ko inaasahang mahuhulog yong loob ko sakanya dahil sya palang ang unang taong tumulong at hindi nandiri sakin.

Ngayong araw wala akong nakita ni anino nya kaya nalungkot ako. Wala akong ibang ginawa kundi hanapin sya at paulit ulit bumabalik sa may puno pero wala parin ito. Napag isipan ko narin na kailangan ko ring mag ayos ni minsan para naman maging formal ako sa paningin nya.

Namalimos ako upang makabili ng damit sa ukay ukay.

(Nika's Pov)

"ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala kaming relasyon ni Hannah?" sigaw nito

Napayuko nalang ako at humagulgol sa iyak dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Kitang kita ng mga mata ko kung paano nila ako trinaydor! mga manloloko!

"magkaibigan? tapos naghahalikan?, kaibigan bang tawag don ha?!" pagkatapos kong sabihin yon hindi na ito nakapagsalita pa.

"Sana inisip nyo naman yong nararamdaman ko, at sana iba nlng! sana di nalang yong bestfriend ko ang pinalit mo!" matapos kong sabihin yon agad akong tumakbo.

Isang kotse ang nakita kong papalapit sakin pero may biglang humila ng braso ko at nakita ko ang isang familiar na lalake bago ako nawalan ng malay.

Nagising nlng ako sa may isang bakanteng upuan , gabi na pala bat ako nandito?
May nakita akong isang lalaki kaya tinanong ko ito.

"Anong nangyari? Bat ako nandito?"
Lumingon ito sakin.

"Muntik ka nang masagasaan ng sasakyan kanina at nahimatay ka nlng bigla"

"I-ikaw yong tumulong sakin"

Ngumiti lng ito sakin.
Umupo ako ng maayos at lumingon sa kanya. Familiar yong mukha nya, parang nakita ko na sya eh diko lng matandaan.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?"

"oo salamat"
"Ken" sabi nito at inabot ang kamay nya. Aabutin ko narin sana para magpapakilala rin kaso may biglaw sumigaw.

"Nika!" lumingon ako nang may biglang tumawag ng pangalan ko.

"Adrian"
"Anong nangyari sayo? At sino tong lalaking to? Sinaktan ka ba nito ha?" galit na sabi niya at tiningnan ang lalaking katabi ko ng masama

Huli na para makapag react ako dahil sinuntok na nya ito.

"Andrian!" sigaw ko at inawat sya
pero di nagpapigil si Adrian at sinuntok nya parin ito at hindi man lng nilabanan ni Ken si Adrian.

Hanggang sa napunta na sila sa may kalsada kaya natakot na baka masagasaan sila kaya tumakbo ako papunta sa kanila para awatin pero nakita ko si Ken na tumatakbo na papunta sakin.

"Nikaaaaaa!"

Isang malakas na sigaw nya ang narinig ko at maya maya lng ay itinulak nya ako ng malakas.

"Ayos kalang?" Lapit sakin ni Adrian. Kumunot naman ang noo ko kung bakit si Adrian ang nasa tabi ko

"A-asan si K-ken?" tanong ko at inikot yong paningin ko sa paligid.

Hindi nagsalita si Adrian kaya nagtaka ako.

May napansin rin akong mga tao na na nagkakagulo sa kalsada.
Isang ambulansya rin ang narining ko papaunta sa direksyon namin.

"A-asan si Ken?"

"Andrian magsalita ka ano ba!" iyak na sabi ko dahil ayoko ang nasa isip ko! Hindi pwede! Hindi man lng ako nakapag pasalamat sa kanya!

Pinilit kong tumayo para puntahan kung sino ang na aksidente pero pinipigilan ako ni Adrian kaya sinampal ko sya.

"Bitawan mo nga ako!Puntahan mo na ang bestfriend ko at wag ako!" sabi ko at pilit pumipiglas sa hawak nya.

Nang makawala ako ay agad akong tumakbo at lumapit sa naaksidente at nalagay ko nlng ang dalawang kamay ko sa bibig ko dahil sa gulat.

"H-hindi" Habang dinadala na sya ng ambulansya ay may bigla akong naalala. S-sya yong lalaking pulubing nakilala ko.

Ng makaalis ang bulansya sakay si Ken ay nagsialisan narin ang mga tao kung saan nakabulagta si Ken kanina. Pero may napansin akong isang papel sa kalsada kaya nilapitan ko.

"Hi Nika, naalala mo pa ba ako? Ako to yong taong grasyang tinulungan mo noon. Yong taong palagi mong binibigyan ng pagkain noon. Salamat ah, dahil sayo nabuhayan ulit ako ng loob para bumangon, para mabuhay.
Binago mo ang buhay ko Nika. Natuto akong ayusan ang sarili ko dahil sayo, dahil gusto kitang makilala. Pero may nakalaan na pala sa puso mo. Kaya sa oras namabasa mo ito, ang tanging gusto ko lang sabihin ay sana maging masaya ka at salamat dahil binago mo ako.

Nagmamahal Ken,

Bigla nlng akong napaluha nang matapos kung basahin ang sulat.
Agad akong umayos at tumakbo papuntang hospital para tingnan ang kalagayan nya ngunit ng makarating ako ay para akong binuhusan ng malamig na tubig at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko ng sinabi ng doctor na dead on arrival na.

"H-hindi, hindi" napatumba nlng ako dahil sa sakit na naramdaman ko kaya agad akong inalalay ng mga nurse.

"Bakit kung kailan ko sya naalala tsaka pa sya nawala na?

One year later

Nasa puntod ako ni Ken ngayon

"Bakit kasi ang late mong dumating? edi sana ikaw yong minahal ko at hindi yong gagong yon. Late kana nangang dumating sinaktan mo pa ako"

Siguro nga pinagtagpo lng tayo pero hindi itinadhana ;[

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now