12. "MY KARMA IN LOVE"

44 4 0
                                    

Maganda pero masama ang ugali, sobrang lakas kung magsalita na tila ba ay parang nasa malayo ang kausap, maingay, palaging nagsasabi ng badwords, judgemental.

Lahat na siguro ng katangian ng isang demonyo ay na ilarawan na nila sakin.

Pero gago tao rin naman ako, nasasaktan rin.

Habang nag sco-scroll ako sa facebook may biglang nag friend request,

"Mark Angel"

Tang ina anong klaseng pangalan to? Bigla nlng akong natawa dahil sa nabasa ko.

Mark na nga, angel pa? HAHAHA gago

agad ko naman itong inistalk, syempre stalk muna bago accept noh.

Hmmm, Moreno sya .

Inaccept ko naman ito agad at maya maya lng ay hindi ko inaasahang mag papadala agad sya ng mensahe. Tang ina ang bilis naman yata niya?

"Hi" 9:30am

At dito nagsimula ang lahat. Sa una ay masaya ako, kung saan saan rin kami pumupunta kasama yong bestfriend nya at bestfriend ko. Hindi nga rin namin inaasahan na yong bestfriend nya at bestfriend ko ang mag katuluyan hahaha kaya naging parang double date kami minsan.

Hindi rin naman maiiwasan na mag away kami at sa tuwing mangyayari ron, wala na ako sa katinuan at kung sino sinong lalaki ang dinidate ko. Oo nag che-cheat ako kay Mark.

"Tang ina ano ba! Sinabi ng magkaibigan lng kami non!"

"Magkaibigan pero nagkahawak ang kamay?!" galit na tanong nya.

Napaiwas namn ako sa sinabi nya dahil alam nyang nagsisinungaling ako.

"Tang ina, lahat nlng ba pagseselosan mo? "

"Nagseseselos ako kasi mahal kita!" bigla naman akong napatigil sa sinabi niya.

"eh ikaw, kailan ka nga ba nagselos? Kailan mo nga ba ako pinagbawalan na makipag usap sa mga babae? Alam mo yon, yong nararamdaman mo na parang wala lng ang girlfriend ko sa tuwing may kasama akong ibang babae, parang hindi ko naramdaman na mahal mo ko"

Ngayon lng, ngayon ko lang nakita si Mark ng ganito ka seryoso. Unti unting tumulo ang mga luha nya kaya napaiwas ako. Kahit ako hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito ako sa kanya.

Inaamin kong sauna lng ako masaya sa kanya, sauna lng tumibok ang puso ko, ngunit ngayon, ni wala na akong pakialam kung makita nya akong may kasamang iba, ni wala akong pakialam kung masaktan ko sya dahil sa pangangaliwa ko.

"Pagod na ako Dessie, pagod na pagod na akong intindihin ang ugali mo. Pagod na akong mag effort sa kakagawa nga mga letters para sayo na kahit minsan hindi ko naramdaman na nagustuhan mo. Pagod na akong bumili ng mga pagkain na gusto na kahit minsan hindi ka natuwa na binilhan kita,natuwa ka kasi may pagkain ka. Pagod na akong bumili ng mga bagay na gusto mo ngunit kahit minsan ay hindi mo pinahahalagahan,hindi iniingatan at itinatapon lng kung saan saan kapag hindi mo na nagustuhan." Tumingin ako sa mga mata nya at nakikita ko kung gaano sya nasasaktan sa lahat ng ginagawa ko.

"Alam mo naman ayaw sayo ni mama ngunit pinaglaban kita! Pero hindi mo yata yon na appreciate. Nag away pa nga kami ni mama dahil sayo" Bumuntong hininga muna sya bago tiningnan ako sa mata ng diretso

"ah so sinisisi mo ako ngayon dahil nag away kayo dahil sakin?!"

"Hindi mo kasi maintindihan eh!"

"Intindihin ang alin?!"

"Siguro nga tama na, Siguro nga hindi tayo para sa isat isa "sabi nito

"M-mark"

"Alam ko, na ito ang hinihintay mo kaya ngayon, pinapalaya na kita"sabi niya ngumiti ito ng mapait sakin ngunit hindi ko kayang ngumiti. Hindi ko alam ngunit parang nasasaktan ako ngayon.

"I love you for the last time" sabi niya at maya maya ay bigla nyang idinampi ang labi niya sa labi ko.

Isang buwan ang lumipas ay inaamin kong may nagbago sakin. Maniniwala ba kayo kung sasabihin ko na nagsisisi ako. Nagsisisi na ako sa lahat ng ginawa ko kay Mark.

Ngayon umiiyak na naman ako dahil hindi parin ako makamove on. Tama nga ang sabi nila. Doon mo lng marerealize na mahal mo ang isang tao kung wala na sayo.

Ito na siguro yong karma ko sa love.

Hindi ko na yata mapigilan ang sarili ko at binuksan ko yong facebook account ko at nag message na ako sa kanya.

"Hi, Kumusta?" mabilis nya itong na seen at ngayon typing na.

"Uy ikaw pala, ayos lng ikaw?"

"Ito nag aantay parin"

"nag aantay saan?"

"Sa isang taong iniwan ako dahil nasaktan ko ng sobra"
Matagal nya bago nya na seen, ngunit nang maseen na niya ito ay hindi na sya nagreply pa

"Pwede bang ayusin natin to?"
Isang seen parin ang natanggap ko kaya nag chat ako ulit.

"Please? Im sorry, sorry sa lahat ng nagawa ko. Pinagsisisihan ko na yon. Nagbago na ako, Please, sana bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon dahil na realize kong hindi kita kayang mawala,na realize ko na mahal kita"

matagal pa bago ko ito na sent.

Bigla namang lumundag ang puso ko nang makita ko itong typing na.

"Hi😊, who are you? This is Kira, Angel's boyfriend and you are? Why are you so emotional? ex kaba ni Mark Angel? "
Bigla namang nanikip ang dibdib ko.M-may girlfriend na sya

"Im so sorry Dessie, ginamit kasi ni Kira yong account ko kaya nag reply sya. Im so happy and proud of you na pinagsisihan mo na yong pagkakamali mo, but I hope you will understand na may mga bagay talaga na hindi na maibabalik pa sa dati. Sana maging masaya kana lng para sa akin ngayon"

Isa pang napakasakit na mensahe ang natanggap ko.

Maya maya may isang notification ang umagaw ng pansin ko.

"Mark Angel added a new photo"
tiningnan ko ito dahil matagal narin nang huli ko syang inistalk dahil isa yon upang makamove on ako. Ngunit parang nagsisisi yata ako dahil sa ginawa kong tingnan kung ano ang inupload niya.

"Evereyday Ilove you" isang caption na tila sumampal sa mukha ko, at isang larawan ni Mark kasama ang isang magandang babae na tila sumasaksak sa puso ko.

Kira, kay gandang pangalan.
Ang bilis nya namang makahanap ng bago, pero siguro ganon talaga. Walang mabilis o matagal, kung mahal mo, mahal mo.

Napayuko nlng ako sa naisip ko , mapait akong ngumiti sa larawang inupload ni Mark. Ang ganda ni Kira at parang inosenteng inosente ang kanyang mukha, hindi gaya sakin. Puro gago at tang ina ang lumalabas sa bibig.

"Masaya na sya dessie, bakit mo guguluhin?"

Maya maya tiningnan ko ulit ang message ngunit bigla na naman akong nanghina sa nakita ko.

Blinock ako ni Mark. Inistalk ko sya at nalaman ko inunfriend nya rin pala ako. Ang saklap nito.

Kung kailan ka pa nag seryoso tsaka ka pa iiwan.

1 year later

Inaamin kong bumalik ako sa dati. Kung sino sino nlng yong naging jowa ko. Pero ang nakakatuwa rito is yong bestfriend ko at yong bestfriend ni Mark is hanggang ngayon sila pa, 1 year nanga sila, nakakaingit.

Balang araw makakahanap rin ako ng taong tatanggap kung sino talaga ako.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now