10. "A LETTER FOR YOU"

71 2 0
                                    

This is the last message that I wanna send you, hoping that were still be the same. Im sorry for my being sensitive girlfriend alam mo naman na mahal na mahal kita kaya ayokong mapunta ka sa iba. Kaya ngayon gusto kong balikan ang mga araw na kung saan masaya tayong dalawa....

Naalala mo pa ba nong una tayong nagkita, hiyang hiya pa tayo sa isat isa na parang may something na, nakakatawa lng kasi yong barkada mo at barkada ko ay magkakilala pala kaya don tayo nagsimula.

Pinakilala tayo sa isat isa, tumingin ako sayo habang inaabot mo ang kamay mo sakin at paghawak ko sa kamay mo tiningnan mo ako sa mga mata ko na feeling ko bigla nlng bumilis ang tibok ng puso ko.Hindi ko maintindihan, hindi ko maipaliwanag, kaya bigla akong napabitaw sa pagkakahawak ng kamay natin dahil baka marinig mo pa tong puso ko. Umiwas ako ng tingin at ganon karin.

Habang nag-eenjoy ang mga barkada natin, hindi ko mapigilang mapatingin sayo at sa hindi ko inaasahang nahuli kitang nakatingin sa kin.
"Angeline, tara na uwi na tayo hapon na kasi" sabi ng kaibigan ko kaya napatayo ako. Pero bago kami umalis ng mga kaibigan ko, tinawag mo ang pangalan ko
"Angeline, pwede ko ba makuha ang number mo?" sabi mo na may halong hiya kaya natawa ako.
Hindi naman din ako nagpakipot pa at binigay ko ang number ko sayo.

Lumipas ang ilang araw naging mas close tayo sa isat isa. Palagi tayong nag-uusap sa text, tawag at minsan sa personal. Ilang beses narin tayong gumala na tayo lng dalawa at hindi ko maitatanggi na gusto kita at kinikilig ako sa tuwing magkasama tayo. Kaya nga isang araw, hindi ko inaasahan ang mga binitawan mong salita. "Mahal kita" sa dami ng sinabi mo, ito lng ang tumatak sa puso't isipan ko. Di narin ako nagpaligoy pa at sinabi ko ring mahal din kita.
"Will you be my Girlfriend?" Tanong mo pa at napatango nlng ako bigla na para bang yong ulo ko na mismo ang nagsasabe na tumango ako nang malaman mo na mahal din kita.

Naging masaya tayo at sa bawat araw na magkasama tayo ay mas lumalalim pa ang ating pag-iibigan. Umabot tayo ng isang taon ng pagmamahalan.
Lumipas ang araw, linggo at buwan bigla ka nlng naging abala. Oo naiintindihan ko na busy kana kasi natanggap kana sa trabaho mo bilang isang Guro sa isang pribadong paaralan. Naiintindihan ko na marami kanang aasikasuhin pero iba ang kutob ko eh, parang may mali.
Hindi na ako nagdalawang isip na bisitahin ka sa paaralan na pinagtatrabahuan mo at hindi ko inaasahan ang nakita ko.
Nakita kita na may kayakap na babae habang umiiyak ito. Nakita mo ako kaya bigla kang napabitaw sa yakap nyo. "Angeli-" hindi na kita pinatapos "mag-usap tayo" sabi ko at lumakad na papalayo.

Tumigil tayo sa isang lugar na kung saan tayo lng dalawa ang taong nandoon.
inexplain mo sakin kung bakit mo kayakap ang babaeng yon pero hindi ako naniwala kaya nag-away tayo. Masakit para sakin kasi ito ang una nating pag-aaway.
Lumipas ang ilang araw ganon parin tayo. Palagi paring nag-aaway dahil sa babaeng yon. Simula kasi ng makilala mo ang babaeng yon ay parang naging cold ka na sakin. Na ang dati ay halos araw araw mo ako pinauunlanan ng message sa umaga at gabi, ngayon ay minsan nalang. Palagi nalng nating pinagtatalunan ang babaeng yon pero ang palagi mong sinasabi ay magkaibigan lng kayo. Kaya umabot na talaga sa puntong ikaw na ang galit. Sorry ha?
Im sorry kasi selosa ako, natatakot lng kasi ako na baka mawala ka sakin, na baka agawin ka sakin.

(A month later)
Wala na, wala na talaga... Parang wala na talaga tayong pag-asa dahil walang araw na hindi tayo nag-aaway. Oo pinipigilan ko naman na hindi masaktan at magselos pero hindi mo naman ako masisisi na masaktan at magselos dahil sa nakita ko. Dahil sa nakita ko kayong dalawa na magkahalikan. Tapos ang irarason mo sakin ay lasing kalang? Kahit anong rason ang sasabihin mo, hindi mo parin maiaalis ang mga nakita ko.
Mahal kita kaya nagtiis ako, mahal kita kaya lumaban ako, mahal kita kaya pinatawad kita....Pero sa puntong ito, parang hindi ko na kaya. Anong laban ng pagmamahal ko kung ikaw mismo hindi mo ko kayang ipaglaban.

Ilang araw ko ring pinag-isipan ang desisyon ko. Desisyon ko na hiwalayan na kita.
"Its over" nong sinabi ko to ay bigla nlng tumulo ang luha ko at ikaw ay parang wala lng.. "Yan ba talaga ang gusto mo? Sige, hindi na kita pipigilan pa"
Hindi ko alam kung minahal mo ba talaga ako dahil sa naging reaction mo at sagot mo

Kaya hanggang ngayon, may mga tanong parin sa mga utak ko kung bakit yon lng ang reaction mo.
Minahal mo ba talaga ako?
Bakit bigla nlng ganon ang trato mo?
Wala na akong magagawa dahil hindi mo rin naman ako pinigilan kaya papanagutan ko nlng itong desisyon ko.....
Pero gusto ko sanang marinig at maramdaman muli na mahal mo rin ako.
.
.
.
(1 year later after our break up)
until now, parang wala sa vocabulary ko ang kalimutan ka... sinasabi ko nalang sa isip ko na "Ako nga ang nang-iwan, pero ako naman ang nasaktan"

Nagmamahal parin sayo,
Angeline

The End!

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now