9

3.9K 194 13
                                    

"Ang gwapo mo naman dude" malakas akong pinalo ni Kino sa likod ko kaya sinamaan ko siya ng tingin


"Kung hampasin din kaya kita?" Inis kong sabi dito



"Edi maghampasan tayong dalawa" tumawa ito kaya inismiran ko siya at muling tinignan ang repleksyon ko sa salamin "ang gara mo naman Leon secretary ka lang niya pero iba ang treatment na bininigay sayo, isasama ka pa talaga sa party ng kaibigan niya....mga sikat kaya sila dahil alam mo na magaganda itsura"


"Mabait lang talaga si Boss Ariyo kaya minsan nagbinigyan siya ng false accuse ng mga tao"


"Sabagay lahat naman kasi ng mga naging secretary niyang babae noon ay akala nila gusto sila ng Boss mo" ngumiti ito at pinaglaruan ang kumot ko "baka may gusto ka na din sa kaniya?"


Mabilis pa sa alas kwatrong napaharap ako sa kaniya, nanlalaki ang mga mata ko at talagang kinabahan ako sa sinabi niya but i hide it kapag nalaman niyang may paghanga ako sa Boss ko baka pandirian niya ako at layuan....si Kino lang ang kaibigan ko, tumawa ako saka binato siya ng lotion na agad naman nitong sinalo


"Ako? Hindi kaya....hindi naman ako babae ehh, minsan ang pangit ng mga lumalabas sa bibig mo!!" Tinaasan niya ako ng kilay


"You look like your lying Leon at alam ko kapag nagsisinungaling ka....matagal na tayong magkasama alam ko lahat pati ang utot mo!!" Nginiwian ko siya



"W..wala nga nakakainis ka na!!"


Hindi na ito nagsalita pa kaya pinasadahan ko muli ang suot ko, im wearing a grey polo and a black slacks ngayon na ako susunduin ni Boss dito para pumunta kami sa party ng kaibigan niya.....Kino is here to help me pick what im going to wear on that party, dahil hindi naman ako masiyadong nakakadalo sa mga ganong party lalo na ngayon at mayaman pa ang makakasalamuha ko kailangan ko maging presentable ayoko din naman na mapahiya si Boss dahil sa akin


Lihim kong tinignan si Kino nakatulala siya sa kisame nakahiga na din siya sa kama ko ngunit nakababa ang dalawang paa sa sahig, mukhang malalim ang iniisip....nagtataka na ba siya sa kinikilos ko?


"A....Anong iniisip mo?" Im curious....


"Hindi mo naman kailangang magsinungaling sa akin Leon, we promised to each other, right? Tatanggapin ko kung ano ka dahil kaibigan kita at ikaw lang ang kaibigan ko" bumalik ito sa pagkakaupo saka nagtama ang mata naming dalawa "i know you like your Boss you don't need to hide it, it's obvious...."


"I....Im sorry Kino natatakot lang ako na baka layuan mo ako" tumayo ito at nilapitan ako


"Bakit kita lalayuan? Like what i said your my bestfriend" ginulo nito ang kulot kong buhok


"Pero paghanga lang ang nararamdaman ko para kay Boss Ariyo" natawa ito kaya napasimangot ako


"Paghanga na mauuwi sa pagmamahal? Pero advice lang huwag kang masiyadong magpalalim ng nararamdaman mo para sa kaniya dahil baka hindi ka niya hilahin pataas at hayaan kalang malunod" tinapik nito ang balikat ko saka sabay kaming lumabas


"Sakto at nandiyan na ang Boss mo anak" sabi ni nanay kaya siniko ako ni Kino


"Dalaga na siya...." pang aasar nito sa akin


"Anong dalaga ka diyan?!" Inis ko siyang sinipa sa paa at dahil nakasuot ako ng black shoes na may maliit na takong ay nasaktan siya at napalayo sa akin "hindi ako babae no!!"


Lumabas na ako ng bahay at bumungad sa akin si Boss Ariyo na nakasandal sa hood ng kaniyang kotse at pinaiikot ang susi sa hintuturo niya, pinasadahan ko ito ng tingin at talagang mapapanganga ka nalang, he's wearing a black polo and black slacks, nakasuot din ito ng red necktie at white na coat para siyang actor sa Kdrama, ang kaniyang brown na buhok ay sumasabay sa pagkumpas ng hangin ang berde niyang mga mata ay nakangiti habang nakatitig sa akin, para siyang droga.....he is so addicting


Umayos na ito ng tayo at pinagbuksan ako ng pintuan bago pa ako makapasok narinig ko ang pagtawag sa amin ni Kino


"Palagi ba siyang nandiyan sa inyo?" Inis na tanong sa akin ni Boss Ariyo


"M.....Minsan lang" pero sa totoo halos diyan na matulog si Kino sa bahay, feel at home ang loko ehh


Hinihingal na tumigil si Kino sa harapan namin


"Iuwi mo ng maaga tong kaibigan ko kapag nalaman ko na may nangyaring masama sa kaniya ay ilalayo ko siya sayo---aray naman" hinimas nito ang ulo na binigyan ko ng batok


Nahuli ng aking tingin ang kamay ni Boss Ariyo na kumuyom, kaya tinulak ko na si Kino papalayo sa amin dahil baka mag away pa sila dito sa hindi ko alam na dahilan


"You can't do that....dahil uunahan kita" mariing sabi ni Boss


"Huwag kang mag salita ng hindi tapos Mr.Humania" ngumisi si Kino at tinignan ako "mag ingat ka doon Leon, tawagan mo nalang ako kapag hindi ka doon komportable"


"He's with me kaya wala ka ng dapat pang ipag-alala sa kaibigan mo" he emphasize the word kaibigan


Pumasok na ako sa loob ng kotse at nakita ko si Kino na kinindatan ako, iniinis niya ba si Boss Ariyo? Napatalon ako sa gulat ng padabog itong pumasok sa loob at sinara ang pinto na akala mo ay gusto na niyang tanggalin ang pinto ng kotse niya, huminga ito ng malalim bago magsimulang magmaneho....


"Masiyadong madikit ang lalaking iyon sayo, bakit hindi mo pagsabihan, baka masanay siya" mahinahon na ang tono niya ngunit ramdam ko pa din ang inis doon


"Sorry sa ugali niya ganon po talaga si Kino nang aasar" nakangiwi kong sabi


"Sana alalahanin niyang kaibigan mo lang siya, he's acting like he's your husband!!"


"S.....sasabihin ko po" pero hindi ko gagawin dahil hindi ko naman alam kay Boss kung bakit ganiyan ang mga sinasabi niya ngayon


"Alalahanin mo din na akin ka lang Leon like i said iba ako magselos" napayuko ako at pinaglaruan ang aking mga daliri kahit na malalakas ang pagpintig ng puso oo "hindi ako mapagbigay kapag ikaw na ang usapan they can take all of my money but they can't take you away from me"


"Nagkakaintindihan ba tayo Leon Acrolis?" Hindi ako sumagot im so shocked....may gusto ba sa akin si Boss? Inaangkin na niya ako ehhh "im waiting for your answer, please don't make me wait"


"Ahhhh.....ehhhh....." napakamot ako sa aking batok at tumingin sa labas ng bintana


"Just answer, yes or yes?" Nakita ko sa peripheral vision ko ang paglingon nito sa akin "damn baby....."


Hindi ko na siya pinansin pa dahil baka mautal pa ako sa harapan niya.



(Nang aangkin na si Ariyo....magpapaangkin ka ba Leon?✌😅)

Ariyo Humania(COMPLETED)Where stories live. Discover now