1

11.1K 295 6
                                    

Tahimik akong nakaupo at nag ta-type sa aking computer I am Leon Acropis pang mayaman ang pangalan pero hindi ang buhay...parehong magsasaka ang dalawa kong mga magulang pero simula ng makaramdam ng pananakit sa katawan si nanay tumigil na siya at sa bahay  na lamang siya naiiwan, kaya simula ng maka graduate agad ako ay dumiretso ako dito sa kompanya ng mga Humania dahil balitang balita sa bayan na ito ang malaking pagpapasahod nila at talagang marami silang natutulungan kaya ng mag apply ako dito ay hindi naman ako nabigo dahil with honors naman ako at maganda ang mga nakasulat sa resume ko, hindi ko inaasahang bigla na lamang akong gagawing secretary ng C.E.O ng Humania



Maraming nagsasabi sa akin na swerte daw ang pag apply ko....swerte talaga dahil mas nalapit ako sa taong hinahangaan ko simula ng nag aaral pa ako, Ariyo---i mean Boss Ariyo Humania ang mabait at palangiting lalaking usapan sa school namin, madami ding babaeng nahuhumaling sa kaniya pati din naman ata lalaki ay gusto siya



Napatingin ako sa wooden door ni Boss at hinihintay siyang lumabas, it's lunch time hindi ba siya kakain? Nagpapagutom ba siya? Bumuntong hininga ako at sumandal na lamang sa swivel chair ko



Minutes passed hindi pa din ito lumalabas kaya tumayo na ako at lakas loob na kumatok sa kaniyang pintuan, narinig ko ang boses niyang pinapapasok ako kaya dahan dahan kong pinihit ang seradura ng pintuan at naabutan ko siyang nakatingin sa mga papel na nagkalat sa kaniyang mga lamesa



"What is it Leon?" He asked



Shit bakot ba nakakahumaling ang mukha niya?! Ang berde nitong mga mata ay makikitaan mo ng kinang, ang brown nitong buhok ay bumagay sa kaniyang maputing balat wala kang makikitang pangit sa mukha niya ang pimples ata ay takot na tumambay kahit na isang minuto sa mukha niya dahil sa sobrang kinis mahihiya ang mga wrinkles sa lalaking ito



"Done checking me out Leon?" Lumaki ang mata ko at agad na napayuko



"S.....Sorry po Boss" hinging paumanhin ko napakagat ako sa ibabang labi at pumikit ng mariin "ano po ang gusto niyong kainin?"



"Ahhh i forgot to eat again thanks for reminding me Leon" napangiti naman ako ng mag angat ako ng tingin



Ang sarap pakinggan kapag binabanggit niya ang pangalan ko, para akong lumulutang sa mababangong bulaklak



"May tindahan sa harap order me some foods there" tumango ako



Lalabas na sana ng muli niyang tawagin ang aking pangalan



"Aalis kang walang pera?" He chuckled "here.....bumili ka na din ng pagkain mo"



Dahan dahan akong lumapit sa kaniya at nanginginig na kinuha ang perang inaabot niya sa akin, i really want to touch even the single bit of his skin dahil parang ang lambot nun.....ang bango niya hindi masiyadong matapang ang gamit niya, bago pa muli akong matulala ay agad na akong lumabas sa kaniyang opisina at pumasok sa loob ng elevator



Tinignan ko ang repleksyon ko i have a natural curly hair sabi ni nanay ay pinaglihi daw niya ako sa buhok ng Sto.Nino at ang mga mata kong dark brown ay kay tatay ko naman namana hindi ako masiyadong matangkad at hindi din ako manly kaya minsan ay nasasabihan akong bakla, i don't mind dahil totoo naman i mean nagkakagusto pa din naman ako sa babae ganun din sa lalaki but i never tried to have an intimate relationship dahil talagang focus ako noon sa pag aaral



napahawak na lamang ako sa aking dibdib ng maalala ang pagtitig ko sa kaniya kanina, nakakahiya ka talaga Leon!!



"Eto ang paborito ni Sir.Ariyo buti at pinagtira ko siya dahil muntik ng maubos" tumawa ang matandang walang ngipin sa akin habang binibigay sa akin ang sisig na nasa plastic




"Bayad po" i said



"Ayu naku wag na madami nang naitulong sa amin si Sir.Ariyo sa katunayan nga ay muntik ng ipatanggal itong karinderya ko buti at pinigilan niya at siya ang nagbayad sa mga utang namin dito, kaya libre na iyan" ang bait talaga ni Boss....



"Sige po babalik na po ako, salamat po pala" kumaway ako bago tumawid sa pedestrian lane



Mabilis ang paglalakad ko ng makalabas ako sa elevator, akmang bubuksan ko na ang pintuan ng opisina ni Boss ng bumukas na iyon at nakita ko siyang bumungad sa aking harapan, that smell again....



"B....Boss eto na po ang paborito niyo" kinuha niya ang plastic na may laman ng kaniyang pagkain



"Akala ko nawala ka na balak sana kitang sundan" namula ako at hindi na makatingin sa kaniya dahil baka mahalata niya ang mukha kong parang kamatis



"L....Libre nalang daw po iyan sabi ng matanda" sinunod kong kinuha sa aking bulsa ang perang binigay niya sa akin



"Natatakot ka ba sa akin at hindi ka makatingin sa mga mata ko? May dumi ba sa mukha ko?"



Agad akong umiling but im shocked when he ruffled my curly hair




"So cute.....sayo na iyang pera bonus mo na dahil cute ka, sige na kumain ka na" tumango ako at tumalikod na saka nanghihinang umupo sa aking swivel chair



Parang halos sakupin na niya ng palad niya ang ulo ko, ang laki niyang tao.......



(Hi as i promise eto na siya hahaha series 1 muna ang gagawin ko at sa susunod na ang iba pang series)

Ariyo Humania(COMPLETED)Where stories live. Discover now