4

4.6K 234 21
                                    

"Your house is full of humble" sabi ni Ariyo ng makalabas na kami sa loob ng maliit naming bahay

"Sorry po pala hindi ganun kalaki bahay namin baka nasisikipan ka po" tumigil ito sa paglalakad kaya tumigil din ako at tinignan siya

"I said don't be too formal alisin mo ang po kapag kinakausap mo ako....para naman akong matanda niyan" humarap ito sa akin ang susi ng kaniyang sasakyan ay inihahagis niya sa ere at muli niyang sasaluhin "dalawang taon lang ang tanda ko sayo......"

"Pero--" nilapat niya ang kaniyang hintuturo sa aking labi kaya hindi ko naman maiwasang pamulahan ng pisngi

"Hush baby stop talking right now just do what i said and stop being cute or i will kiss you right here right now" tumawa ito muling ginulo ang buhok ko na lagi niyang ginagawa simula ng pumasok ako sa kanilang kompanya

Sinundan ko siya hanggang makarating kami sa tapat ng kaniyang pulang sasakyan, ano kaya ang feeling na makuha mo lahat ng gusto mo? Ang maging mayaman? Kinausap ko noon si nanay tungkol doon ang sinabi niya lang sa akin ay

"Tumigil ka ngang bata ka basta masaya tayo ngayon at kumpleto wala ng pera pera sa atin....ayos na mahirap tayo mayaman naman tayo sa pagmamahal"

Napangiwi ako sa naalala at iwinaksi na lamang iyon, i saw Ariyo chuckled nakasandal ito sa gilid ng kaniyang kotse at naka crossed arms.....para siyang model sa ginagawa niya ngayon nahiya naman ang luma kong damit at ang kinatitirikan ng mga paa niya ngayon

"You're spacing out.....how about i give you a kiss eh?" Sabi nito kaya napakagat ako sa ibaba kong labi

"Boss---"

"Ariyo.....i said just call me Ariyo and stop being formal, kung marinig ko muli ang ganiyang pagtawag mo sa akin ay bibigyan kita ng parusa" taas noo nitong sabi ".....now talk"

"A.....Ariyo baka hinahanap na po kayo sa inyo" ngumuso ito dahilan ng pagtitig ko sa kaniyang labing namumula mula

"Oo nga baka hinahanap na ako sa amin" tumayo na ito ng maayos saka pumasok na sa loob ng kotse ngunit hindi pa din sinasarado ang pintuan nun at nakababa pa ang isa niyang paa sa lupa "you can go with me of you want.....you know i want my baby by my side"

Sinarado na nito ang pinto ng sasakyan ng wala akong masabi sa kaniya masiyadong nakakabigla ang mga lumalabas sa bibig niya hindi ko alam na mahilig din pala siyang magbiro, iling iling akong bumalik sa loob ng bahay at tinulungan si nanay na maglinis ng sala.....sinasabi ba niya sa akin ang mga salitang iyon dahil nakikita niya akong lalambot lambot na parang piling babae? Siguro ganun nga kaya niya ako binibiro dahil baka gusto niya akong hulihin pero hindi naman talaga ako bakla.....hindi ako fuly bakla kung tutuusin pwede din akong manligaw mg babae kahit ngayon na, ayaw ba ni Ariyo ang mga bakla?


"Kino napabisita ka?" Pumasok si Kino at talagang feel at home pa siyang umupo sa upuan namin sa sala


"Yayayain ko sana tong gwapo niyong anak sa bayan balita ko po kasi ay may sayawan doon" sagot naman ni Kino


"Ngayon na yun?" Mabilis kong sabi "akala ko next week sige magbibihis muna ako diyan kalang at wag mong bigyan ng sakit ng ulo si nanay"

Sumaludo ito kaya agad akong pumunta sa kwarto at nagbihis ng damit, sumakay kami sa bike ni Kino as usual nasa likod niya ako at nakayakap, nakahawak sa magkabilang gilid ng damit niya, may mga tinderang tinatawag ang pangalan namin kaya ngiti at kaway na lamang ng naisasagot namin.....matapos ang ilang minutong pagbibisekleta ni Kino ay nakarating na din kami sa bayan madami nang tao na gusto ding panoodin ang sayawan, it's a contest ang mananalo ay maisasali sa inyernational dance competiton kaya lahat ng dancer dito sa lugar namin ay sumali...



"Dito tayo!!" Hinila ni Kino ang kamay ko at umupo kaming dalawa malapit sa lamesa ng mga judges



"Nandito na sila"
"Kino!!"
"Aww ang liit pa din ni Leon"
"Gwapo naman"
"Upo tayo sa likod nila?"



Sunod sunod kong narinig ang mga bulungan sa paligid, kilala kami ni Kino dito dahil lagi kaming tambay dito ng elementarya palang kami at nakikipag laro ng tumbang preso....



Natahimik na ang lahat ng magsimula na ang sayawan ng mga nakilahok, ibat ibang costumes ang mga suot nila makukulay may mga bakla ding sumasayaw habang may hawak hawak na bandilang rainbow ang kulay....



"Ang ganda diba?" Hinampas ko ang braso ni Kino ng batukan niya ako


"Bakit ka ba nananakit huh?!" Bulyaw ko sa kaniya


"Bakit kasi ang pangit mo?!" Balik bulyaw nito sa akin



"Nagsalita ang pangit na mabaho pa ang kili kili"


"Ahhh ganun?" Inis na tinutulak ko siyang ng ipalapit niya ang mukha ko sa kaniyang mabuhok na kili kili tawa lang ito ng tawa hanggang may humila sa damit ko papalayo kay Kino


"B....Boss----i mean Ariyo" yumuko ako upang magbigay galang sa kaniya


"Ang sakit naman sa mata ang asaran niyong dalawa" ngumiti ito ngunit kitang kita pa din sa mga berde niyang mata ang inis


"Bakit ka po pala nandito?" I asked



Pinaupo niya sa tabi niya....nasa pwesto kami ng mga judges, ibig sabihin isa sa siya sa mga judge? Hindi na nito sinagot pa ang tanong ko dahil mukhang alam na niya ang tumatakbo sa isip ko, i saw Kino....may katabi na siyang magandang babae hindi man lang ako tinignan kung ayos lang ba ako!!!



"Stop flirting baby...." mahina nitong sabi sa akin ang tingin ay sa harapan



Lumanding ang kamay niya sa gilid ng aking hita at pumisil pisil siya doon kaya hindi ko maiwasang makiliti at mapakagat sa ibabang labi


"Your only mine....got that? Mabait akong tao Leon pero iba ako mag selos" sumeryoso ang kaniyang mukha ngunit maya maya ay bumalik lang din sa dati, he's smiling now



(✌)






Ariyo Humania(COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant