24

3.1K 129 11
                                    

Kinakabahan ako at hindi ako mapakali dito sa loob ng kwarto ko, nasa harapan ako ng salamin at pilit na pinagiginhawa ang sarili ko ngunit hindi ko magawa...hindi ko kaya, paulit ulit na pumapasok sa aking isipan ang nakita ko sa larawan na ibinigay sa akin ni Britzel, im insecure....dahil hindi ako babae, dahil simpleng Leon lang ako, secretary lang ni Ariyo wala akong ipagmamalaking malaking dibdib, magandang puwetan at hubog ng katawan madali silang matatanggap ng mga tao, mabilis din ang proseso kapag ikakasal sila at magkakaroon sila ng mga anak, habang ako....ano ang maibibigay ko kay Ariyo? Problema?


Ayokong dumating ang araw na kapag naging kami na ni Ariyo ay magsisisi siyang ako pa ang minahal niya na sasabihin niya sa akin na sana hindi nalang niya ako nakilala, siguro kapag narinig ko iyong sinabi niya sa akin durog na durog na ako


Inayos ko ang suot kong damit at napatingin sa pintuan kong bumukas pumasok doon sila nanay at tatay malaki ang mga ngiti sa labi at niyakap nila ako ng mahigpit napapikit ako at dinama ang pagmamahal na binibigay nila sa akin ngayon


"Birthday mo ngayon anak pero bakit ang lungkot ng mga mata mo?" Sabi ni nanay


"W...wala lang po kinakabahan lang mamaya" sabi ko


"Magsaya kalang doon at titirhan nalang kita ng pagkain mamaya, pupunta dito ang mga kapitbahay lalo na sila Ecoy mag iinuman sila ng tatay mo" tinuro ni nanay si tatay


"Malaki ka na anak parang noon lang ay karga karga kita at sinasama pa kita sa pagsasaka" naluha naman ako


"Ang bilis na talaga ng panahon" sabi naman ni nanay "pero lagi mo itong tatandaan Leon, alagaan mo ang sarili mo at nandito lang kami ng tatay mo kapag may problema ka"


"Salamat tatay, nanay" muli kaming nagyakapang tatlo


Lumabas na kami ng kwarto ko at nakita ko na si Kino na nakasupt ng hoodie na green at jeans naka sunglass pa ang siya kaya hindi ko maiwasang kuhanan siya ng litrato, nag pose agad ito kaya napahalakhak na ako.....



"Sige tita, tito...itatakas ko muna anak niyo" sabi ni Kino


"Umuwi kayo ng ligtas" sabi naman ni nanay



"Happy birthday Leon"
"Binata na talaga"
"Maligayang kaarawan"
"Salamat sa pakain"
"Saan kayo pupunta?"
"Pormado ka Kino ahh?"
"Ang gwapo talaga nila"


Nahihiyang nginitian ko ang mga ilang bisita na nakaupo na sa lamesa na pinahiram ng kapitan, sumakay kaming dalawa ni Kino sa motor nito at mabilis na pinaandar kaya napakapit ako sa bewang niya ng mahigpit mukhang may plano ata itong madisgrasya kaming dalawa, nagmamadali? Pumikit ako at binaon ang mukha sa likod ni Kino upang hindi mapasukan ang aking mga mata ng alikabok


Maya maya ay bumaba na kaming dalawa at nasa tapat na kami----bagong tayo na bar, napaatras ako bakit dito ako dinala ni Kino? Tumingin ito sa akin at tinaasan ako ng kilay babalik na sana ako sa motor nito ng hilahin na niya ang kamay ko at may ipinakita si Kino na ID sa guard tumango ang guard at pinapasok na kami may tatlong bouncer ang nasa gilid ng di kahabaang hallway ng bar, dim na ang lights at naririnig ko na ang mga ingay ng mga taong nagtitilian at nagsisigawan sa musikang sinisira ang eardrums ko


Pangalawang beses ko ng makapunta sa lugar na ganito una ay yung sinama ako ni Kino dahil may party daw ang isa niyang kaibigan, ilang oras ang lumipas ay umuwi nalang ako mag isa dahil hindi ko na kaya pang sikmurain ang mga babaeng kahalikan nila, gusto ko kaya silang patayin ng oras na iyon



Humigpit ang hawak nito ng mapadaan kami sa alon ng mga tao



"Let's do royal mix!!" Sigaw ng DJ


Tumalon talon na ang mga tao kaya mabilis akong hinila ni Kino at binuhat na parang pangkasal, mukhang naiinis na ito dahil nababangga na kami ng mga tao na nagtatalunan at nagsasayawan, napakapit ako sa leeg niya at namumulang yumuko...ang bilis niyang kumilos tinalo si the flash binaba na ako nito ng makalayo na kami sa mga tao


Nilabas niya muli ang ID card niya at saka iyon iniswipe sa scanner ng pintuan


"Kung kaibigan mo nanaman ang mga kasama mo dito Kino mas maganda pang umuwi nalang ako" sabi ko


"Para maliwagan ka Leon....." kumunot ang noo ko ng ngumisi ito at dahan dahang binuksan ang pintuan


Napahawak ako sa bibig ko at nanlalaking mga matang tinignan ang dalawang tao na nasa sofa, parehong nakatali ang paa at kamay nilang dalawa at galit ang tinging pinupukol kay Kino at sa isang lalaking nakatalikod sa amin


Pumasok ako sa loob saka nilapitan sila Britzel at Quil



"What happened?" Tanong ko sa kanilang dalawa



"Help me Leon si Ariyo he tied us here, hindi namin alam kung bakit, delikado siya para sayo!!" Sabi ni Britzel sa akin


"Shit my hands" reklamo naman ni Quil



Aalisin ko sana ang nakatali sa paa at kamay nila ng may humila sa akin papalayo sa dalawa and i saw Ariyo looking at me intently


"Bakit mo sila tinali?" Kinakabahan ako sa uri ng tinging pinupukaw nito sa akin


"May plano sila..." si Kino "Britzel wants to be with you kaya inutusan niya si Quil na pumunta dito sa bar dahil nandito si Ariyo dahil sabi ni Brotzel surprise party sayo ito.....pero ang talagang gagawin nila ay paiinumin si Ariyo ng alak na may pampatulog at you know gagawan ng masama ni Quil si Ariyo at kapag dumating kana mahuhuli mo silang dalawa na magkatabing walang saplot, magagalit ka, aalis ka, lalayuan mo si Ariyo, susulpot si Britzel para kunwari damayan ka pero unti unti na niyang kukunin ang loob mo....tsk what a lame plan, and im detective Kino basta pera ang usapan gagawin ko ang lahat" proud na tinaas ni Kino ang isa niyang kamay


"Pakawalan niyo na kami dito!" Sigaw ni Quil


"Walang hiya ka Kino uhaw ka talaga sa pera parang hindi ka mayaman!!" Sigaw ni Britzel kay Kino


"Atleast ako pera lang ikaw uhaw sa atensyon at pagmamahal kay Leon, ano ang napala mo ngayon? Wala.....kakawa ka naman ikaw ang naunang dumamoves pero hindi ikaw ang binigyang pansin....iiyak na siya ohhh" sinamaan ko ng tingin si Kino dahil inaasar niya si Britzel na inis na inis na ngayon


"I Love BL Romance so bahala na kayong dalawa na magmahalan just untie me so i can go home" sabi ji Quil


"Ikaw?!" Ani ni Britzel kay Quil


"You force me to do this" maarteng tumayo si Quil ng makalas na ang tali niya saka nagpaalam na din


"Ahhhhhhh!!" Malakas na sigaw ni Britzel

Ariyo Humania(COMPLETED)Where stories live. Discover now