8

3.9K 182 9
                                    

Nakaramdam ako ng pagkailang---sobrang pagkailang ng mahuli ko si Psyche na nakatitig sa akin gamit ang kaniyang naantok na mga mata nakaupo siya sa waiting area sa labas ng opisina ni Boss Ariyo which is sa harapan ng table ko, may kasama itong isa pang lalaki na nakasuot ng pang teacher na damit, seryoso ang mukha non at matangkad nakakatakot ang aura hindi ko na nga magawang batiin dahil dumiretso agad ng pasok sa loob ng opisina ni Boss Ariyo

Yumuko ako at tiniklop na ang brown envelop bago tumayo at pumunta ng pantry naglagay ako sa plato ng cookies at nagtimpla ng isang strawberry juice baka sakaling mabigyan ng kunting lakas si Psyche nakakangalay na panoodin siya dahil mabagal talaga ang kilos niya tatayo lang ay aabutin pa ng ilang segundo malapit nang mag isang minuto, natawa ako at napailing saka lumabas na nang pantry ng matapos ko na ang aking ginagawa, lumapit ako dito at nilagay ang tray sa gilid ng kaniyang kinauupuan tinignan niya muna iyon bago ako tinignan muli, tinanggal nito ang suot suot ba headset kaya nginitian ko siya at kinawayan

"Sir, Baka gutom ka na kaya ginawan kita ng makakain mo" ani ko

"Ariyo.......and......you.......in.......relationship?" Dahan dahan niyang tanong

Kahit na ganiyan ang kilos niya ay nakakapanindig balahibo ang boses niya, may halong pagka dominante at lamig sa tono niya kaya itinago ko sa aking likod ang nanginginig kong mga palad

Ngunit ano sabi niya? Kami ni Boss Ariyo magkarelasyon? Namula ako sa part na iyon kung pwede lang ay why not handa naman akong sumubok na magmahal ng seryoso kapag si Boss Ariyo ang usapan kaso nga lang baka hindi ganun ang pananaw ni Boss Ariyo kahit sabihin man niya na seryoso siya kapag nagsasabi siya sa akin ng mga nakakabigla na words ay hindi ko talaga magawang maniwala ng sobra because he ended up laughing and say just kidding kaya hindi ko nalang din sineseryoso pa ang mga biro niya pero hindi ko maiwasang kiligin at kabahan


Sino ba naman ang hindi, right?


"Wala kaming relasyon ni Boss Ariyo, paano mo naman nasabi sir?"


"Im......Psyche.....not Sir" napangiti ako ng bumahing ito, namula ng bahagya ang kaniyang ilong kaya kumuha agad ako ng tissue at nilahad iyon sa kaniya na agad niyang kinuha "i......thought.......boyfriend......ka......niya......cause he......is......so---" tumigil ito sa pagsasalita "im.....tired.....of.....talking"


Binalik na nito ang headset sa tenga kaya napakamot na lamang ako sa aking batok at bumalik na sa aking table ng bumukas ang elevator at pumasok si Dennise isang magandang babae na may gusto kay Boss Ariyo ngunut hindi siya malandi at mataray she is kind at palabiro, nilapag nito sa harapan ko ang hawak na USB kaya nagpasalamat ako sa kaniya


"Ikaw na magbigay niyan kay Boss Ariyo at baka mahimatay ako sa kilig" hinampas nito ang braso ko kaya napangiwi ako


"A.....Ayaw mo nun?" Ngumiwi ito sa akin


"Ikaw talaga Leon gusto mo talagang magkatuluyan kaming dalawa ano? Kasi pansin ko lagi mo nalang akong pinagtutulukan sa Boss mo" nilagay nito ang dalawang kamay sa magkabilang bewang habang mariin akong tinitignan

"Syempre mabait ka sa akin kaya tutulungan kita" nginitian ko siya...ngiting natatae

"Sabihin ko nga sa akin may gusto ka din ba sa akin? Tapos nagseselos ka na pala dahil gusto ko si Boss Ariyo?" Mas lalo lang lumala ang iniisip ng babaeng ito

"Denisse wala akong gusto sayo" mahinahon kong sabi

"Bakit wala?" Nanlulumo niyang sabi

"M......May iba akong gusto" nahihiya akong nag iwas ng tingin, biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni Boss Ariyo na nakangiti kaya hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha

"Sino naman ang babaeng nagpabihag diyan sa puso mo, Leon?"

Hindi siya babae!!!

"Bumalik ka na kaya sa cubicle mo sa baba baka kailangan ka na don mamaya ay mahuli tayong nag uusap" ngumuso ito bago ako kinawayan at pumasok na sa loob ng elevator

Mukhang hindi niya napansin si Psyche sabagay tahimik lang sa gilid si Psyche at hindi naman talaga kita dahil may malaking halaman ang tumatakip sa kaniya, napatayo ako ng bumukas na ang pintuan ng opisina ni Boss Ariyo at lumabas doon ang teacher niyang kaibigan, i met his two friends already pero madami sila hindi lang sila tatlo o apat kailan ko kaya makikita ang iba pa niyang mga kaibigan?

"Night Usyles birthday so im going" kibit balikat na sabi ni Boss Ariyo

"That's good i thought your going to ditch again just like before asshole" sabi naman ng kaibigan nito

"May problema lang dito sa opisina kaya hindi ako nakadalo noon" tumawa ito habang taas taas ang dalawang kamay "isasama ko din yung Leon ko"


Nagulat ako ng bigla niya akong ituro kaya napatingin sa akin ang kaibigan niyang nakakatakot ang aura

"So he's the one you're talking too.....hello im Spartan" nahihiya lang akong ngumiti

Akala ko ay makikipag kamay siya sa akin ihahanda ko na sana ang palad ko pero nagpakilala lang siya at wala ng ibang ginawa pa

"Psyche don't be late to your class, your friend are wiating there for you" tumayo si Psyche at dahan dahan nilapitan sila Spartan

"Sige na umalis na kayo ang dami ko pang gagawin dito wag kayong istorbo" napailing nalang ako sa narinig kay Boss Ariyo halatang nagbibiro lang naman siya pero mukhang sineryoso ng dalawa dahil pumasok agad sila sa elevator


Papasok na din sana si Boss Ariyo sa loob ng kaniyang opisina ng tawagin ko siya, ngisi itong humarap, sumandal sa hamba ng pintuan at nilagay ang dalawang kamay sa magkabilaang bulsa ng kaniyang itim na slacks

"Anong maipaglilingkod ko sayo?" Sabi nito

"P......Pinabibigay po ni Denisse tapos na daw po yung pinuutos niyo" dumaloy ang kuryente sa buo kong katawan ng hawakan nito ang kamay kong nakalahad bago kunin don ang USB


"Prepare for tomortow night my Leon, may pupuntahan tayo" tumango ako "want me to give you a kiss?"


Mabilis akong bumalik sa table ko kaya narinig ko ang mahinahon nitong pagtawa na nagpalambit muli sa puso ko


"Your such a cutie" last kong narinig bago ito pumasok sa loob ng kaniyang opisina.

Ariyo Humania(COMPLETED)Where stories live. Discover now