Chapter 43

56.3K 1.8K 240
                                    

FAST UPDATE! Yey! 

Madami ang umiyak sa last update kaya ito pambawi. Sana umiyak ulit kayo. HAHAHA joke

Xoxo, the forever dyosa,

Nerdyirel.

--------------------------------------------------------------

Chapter 43 

Billy’s POV

Isang linggo na ang nakakalipas nung huli kong nakita si Jane.

Tinupad ni Akiko ang pangako niya.

Binigay niya sa akin ang video na hawak niya.

Pina-sign ko din siya ng contract na kahit kailan ay hindi niya na babanggitin at guguluhin si Jane.

Nakalagay din doon na ididelete niya na lahat ng copy niya ng video na iyon.

Nagkalinawan na rin kami na kapag may lumabas na kahit anong picture o video nun ay idedemanda ko siya.

After a month ay sasabihin niya rin sa lahat na wala na kami.

Na hindi nagwork out ang relationship namin kaya nagdecide kaming magstay as friends na lang.

Isa yan sa mga pangakong hiniling ko sa kanya na dapat niyang tuparin pag nakipaghiwalay ako kay Jane.

Nilinaw niya rin ang mga binitawan niyang mga pahayag.

Malinis na ulit ang pangalan ko sa mga fans ko.

Nanahimik ang mga haters.

Ang mga endorsements ko na muntikang mawala ay natuloy na ulit.

Back to normal sa work.

Busy sa taping at guestings.

Pero hindi na ko masaya katulad ng dati.

Miss na miss ko na si Jane.

Gusto ko na siya makausap at makita.

Gusto ko siyang yakapin at kamustahin.

Pero alam kong nagmomove-on na siya.

Pinapasundan ko siya at tinatawagan ko ang mga kaibigan niya.

I know she’s trying her best to forget me.

Sabi sakin nung hinire kong investigator, pumapasok naman daw si Jane araw-araw.

Nagpaparticipate sa mga school activities.

StarstruckWhere stories live. Discover now