Chapter 42

59K 1.5K 566
                                    

Inviting everyone to spend the Valentine's Day with me on a booksigning event "LOVE AT FIRST WRITE". Feb. 14 - Function Room A & B, Megatrade Conference Center, 5th level, SM Megamall, Building B. 1-3 pm po ako sure na nandun :) Hope to see you there! ♥

Time Check: 4:00 am. Bampirang tunay. hayayay haha

-----------------------------------------------------

Chapter 42

Jane’s POV

Isang linggo na ang nakalipas nung nabalita si Akiko at Billy.

Sobrang pinagusapan ang ‘kiss’ nila sa Subic.

Hanggang ngayon ay maraming hindi makamove on pero ako, kinakalimutan ko na iyon.

“Pupunta nga pala kami sa beach mamaya. May bonfire party pero uuwi din agad ako ng maaga. Gusto mo sumama?” Tanong ni Angelo pag upo niya sa tabi ko.

Lumabas kasi ako ng canteen para maglakad lakad dito sa garden ng school.

Sakto napadaan sila ng varsity team kaya tumakbo siya at pinuntahan ako.

“Bonfire party?” I asked. Never pa kong nakakapunta sa isang bonfire party.

“Yup. Alam mo yung sa mga movies na nagroroast sila ng marshmallow? Gagawin namin yun”

“Whoah! Masaya yan ah!”

“Oo naman! Sama ka na. Paalam kita kay Tito”

Tinignan ko lang siya bago ako umiling.

Naalala ko kasi si Billy.

Malamang hindi siya komportable na sumama ako sa isang lalake na pinagseselosan niya.

“May…may project kasi ako”

Natawa siya at sumandal ng maayos sa kinauupuan niya. “Si Luke na naman ano?”

I stared at him.

Nagkaroon na kasi ng oras si Billy at bumalik siya sa school as the quiet-nerd looking Luke.

He held my hand and told everyone na kaming dalawa na.

Kaya naman yung totoong luke ay nainis at nagenroll sa ibang school.

Ayaw niya daw kasing magpretend kami tuwing wala si Billy.

“Sorry” Bulong ko na lang.

StarstruckWhere stories live. Discover now