Chapter 39

55.8K 1.5K 281
                                    

Chapter 39

Jane’s POV

  

Dalawang linggo na ang nakalipas simula ng magusap kami ni Billy.

I did my best to ignore him.

Hindi naman sa ayoko na sa kanya kundi ayoko lang muna siyang makausap.

Alam ko namang may dahilan siya kung bakit niya ginawa iyon pero ayoko lang muna marinig ang boses niya.

Sobrang galit pa rin ako sa kanya.

He should have told me first!

Mababaw ba tingin niya sakin kaya hindi niya sinabi?

Tingin niya ba hindi ko siya iintindihin?

Ganun ba ko kahina para sa kanya?

Girlfriend niya ko.

Kung talagang mahal niya ko, dapat nirespeto niya ko.

He tried to reach out to me.

Tumatawag siya sa akin palagi at nagchachat.

Kahit sa parents ko nga, nakikitawag siya.

Pero alam nila Mama na ayoko muna siya makausap kaya hindi na nila binibigay ang telepono sa akin.

Si Mel, tumatawag din palagi.

For all I know, si Billy din naman yun.

Baka hinihiram niya lang ang telepono ni Mel.

Sa mga kaibigan ko, tumatawag din siya.

Kahit nga sa kapatid niyang si Luke, ginamit niya na rin.

Luke talked to me yesterday, telling me I should hear his brother’s side.

Ang sabi ko naman, papakinggan ko na lang si Billy pag uwi niya dito.

Gusto ko sa personal kami magusap.

Sa personal namin ayusin ang problema namin.

Nagwork din naman ang ginawa ni Billy.

Tinigilan ako ng media at napuno ang showbiz news ng 'relasyon' daw nila ni Akiko.

Siguro isa na rin yun sa mga dahilan kung bakit ayoko siyang kausapin.

Nasasaktan pa rin ako tuwing naririnig ko sa balita ang mga offcam moments nila.

StarstruckWhere stories live. Discover now