Chapter 37

64.9K 1.5K 326
                                    

Dedicated to all my loving and very supportive readers. 

MERRY CHRISTMAS MoYam lovers! Love you all! :*

----------------------------------------------------

Chapter 37

 

Jane’s POV

Sobrang naging successful ang movie ni Billy at ni Akiko.

Nakakatuwa dahil alam kong sobrang saya ni Billy sa isa na namang achievement niya sa career niya.

Ngayon, may upcoming teleserye na sila at kahit ayokong si Aki ang kaloveteam niya ay natutuwa na lang ako para sa boyfriend ko.

  

“Uy ano na? Di ba daw tayo pwede magset visit?” Tanong ni Katerina sa akin.

  

Sabado ngayon at pumunta silang tatlo nila Yannie at Sabrina dito sa bahay para kulitin ako.

Gustong-gusto nila magset visit para may mai-update kami sa fanpage namin.

And of course, gusto rin nilang magpapicture kay Billy.

  

“Wag nga kayo. Baka mamaya tulog si Billy, maistorbo ko pa dahil lang sa kakulitan niyo”

  

Biglang humiga sa kama sila Yannie.

Katkat: “Jane, 10 am na. I’m quite sure gising na siya”

Sabrina: “Tsaka di’ba? Sabi mo sa Rizal pa yung taping?”

Yannie: “Magbabyahe pa tayong apat. Hapon na tayo makakarating dun”

 

I groaned and pouted. “Yun na nga di’ba? Malayo yun. Malamang hindi rin ako papayagan ni Papa”

 

Katkat: “Kami bahala sayo”

Sabrina: “You don’t have to tell Tito the truth naman”

Yannie: “Hahaha oo nga, tsaka minsan lang naman”

 

“Pwede ba guys, next time na lang tayo magset visit pag niyaya na ako ni Billy”

Katkat: “Ganito na lang, kung ayaw mo i-text si Billy, si Mel na lang tanungin mo”

Sabrina: “Oo nga, akala ko ba mabait yung manager niya? Ask mo saan taping nila”

Yannie: “Besides, don’t you miss Billy at all?”

  

StarstruckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon