Chapter 38

65.4K 1.5K 923
                                    

Fast update! Yey! Kahit may sipon ako at kanina pa ko luha ng luha na parang ewan, ay nakapagtype ako! Katuwa lang haha. Told yah, bibilis ang update now that 3 stories na lang ang ongoing ko hehe.  

Enjoy reading MoYam lovers! ♥

Xoxo, the forever dyosa,

Nerdyirel.

---------------------------------------------------

Chapter 38

Billy’s POV

  

“Hey moy, stop. Ssshhh” Niyakap ko agad siya. “Wag ka na umiyak please”

Humagulgol siya ng iyak na ikinagulat ko.

Di ko ineexpect na ganito ire-react niya pag sinabi kong magtaping kami sa South Korea.

“T-two weeks kayo dun….w-what if maakit ka niya? P-paano pag may nangyaring d-di ko gusto?” *sniff*

Gusto kong ngumiti at tumawa sa kacute-an ni Jane pero di ko ginawa.

I don’t wanna hurt her feelings and of course, naiintindihan ko naman siya.

“Look at me” Hinawakan ko yung mukha niya para tumitig siya sa akin. “Sa isang relasyon, dapat nagtitiwala tayo sa partner natin. Pupunta ako dun para magtrabaho, okay? Hindi ako pupunta sa Korea para makipagdate o makipagflirt kay Akiko. Tsaka hindi lang naman siya yung kasama ko. Madami kami dun. Yung staff, sila Direk, si Mel isasama ko din malamang. Kaya wag ka na umiyak”

Pinunasan ko yung mga luha sa mukha niya gamit ng mga kamay ko. “Ayokong nakikita kang umiiyak Jane, ako yung nasasaktan pag hindi ka masaya”

She bit her lip and looked down.

“Mukha ba kong tanga kasi umiyak ako at kung ano-ano na agad ang inisip ko?”

Ghad, stop being so cute.

Kahit naiyak ka, sobrang ganda mo pa din.

Napakaswerte ko talagang akin ka.

 “Jane, bata pa tayo and we both have so many things to learn when it comes to a relationship. Natural lang na magselos ka. Magagalit pa nga ako sayo kung di ka magseselos eh”

Napatingin siya at parang nagtaka. “Di’ba dapat magalit ka kasi nagseselos ako? Bakit yung ibang nakikita, ganun yung boyfriend nila?”

Medyo tumawa ako ng kaunti. “Iba ako sa kanila, Jane. Feeling ko kasi kapag di ka nagselos, ibig sabihin di mo ko ganun ka mahal. Or maybe nasanay lang ako dahil seloso talaga ako”

StarstruckWhere stories live. Discover now