11

12.4K 280 38
                                    

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.





CHAPTER ELEVEN





BINALIK ni Seidon ang chart sa lagayan bago siya nagpunta sa pinakamalapit na coffee shop para bumili ng kape. Simula ng gabing yun ay mas pinili niyang iwasan ang si Clea, sinasadya niyang umuwi ng gabing gabi na para hindi sila magkita ni Clea.

Parang biglang bumalik sa pagiging madilim ang mundo niya, pa minsan minsan ay nakatayo lang siya sa harap ng pintuan ng dalaga at nagtatalo ang isipan niya kung papasok ba siya o hindi.

Halos isang oras na mag aatubili ay mas nanaig sa kanya na iwasan ng tuluyan ang si Clea, alam niya na pagkatapos manganak nito ay mas pipiliin nitong sumama kay Silver kaysa sa kanya.

Habang iniinum ang kape ay bumalik siya sa loob ng hospital. Emergency medicine physician siya kaya palagi silang busy, but he like it that way. Nawawala sa isip niya si Clea.

Pagpasok niya sa loob ay kumunot ang noo niya ng makita si Susie at Tanya na hindi mapakali.

"Seidon!" agad na lumapit sa kanya ang dalawa.

Kinabahan siya sa hindi malamang kadahilanan.

"Si Clea sinugod namin dito." naluluhang wika ni Tanya.

"Nasan siya." nilagpasan niya ang dalawa at agad pumasok sa ward na tinuro ni Susie.

Marahas na binuksan niya ang tabing at nakitang nakahiga doon si Clea habang may nurse na kumukuha sa bp dito.

"Doc!" ngumiti sa kanya ang nurse pero hindi niya yun pinansin at mabilis ang hakbang na dinaluhan si Clea.

"Anong nangyari? May masakit ba sayo? Masama ba ang pakiramdam mo?" sunod-sunod niyang tanong.

"Okay lang ako." she smiled faintly.

Nakita niya ang sugat sa may braso nito at kumulo ang dugo niya. Inagaw niya ang chart sa nurse at tiningnan, nakahinga siya ng maluwag ng makitang okay lang ito.

"Doc, lilinisan ko lang sugat ng girlfriend mo, it's not that deep."

Tumango siya at bahagya nang kumalma ay lumabas siya para harapin sina Susie ng maabutan niyang nagkakagulo na naman sa labas.

May mga grupo ng mga lalaki ang nag-aaway at sa tingin niya mga kabataan yun, may mga pulis na umaawat sa mga ito. Napansin niya mga sugatan ang mga ito at nagkalat ang dugo sa sahig.

"Sila yung nag-away sa may gate kanina, nahagip ng kutsilyo yung braso ni Clea." wika ni Susie.

"Mabuti nalang at kahit natulak siya nong isa sa lalaki ng malakas ay walang nangyari masama sa baby." dagdag ni Tanya.

He's jaw clenched after what he heard. Sabay silang tatlo na lumingon kay Clea ng lumabas ito sa ward at nagulat sa mga nag-aaway sa harapan.

Hindi magkumahog sa pag awat ang ilang doctor at nurse sa mga binatilyong kahit na duguan ay hindi parin natigil sa pag-aaway.

"Doc!" tawag ng isang nurse sa kanya bago napatili ng may tumamang bagay malapit dito.

Napasigaw ang tatlong babae ng may lumipad na metal tray sa kanila, mabilis na sinangga niya ang tray at agad tiningnan si Clea na napahawak sa tiyan nito.

MEN IN SUIT 1: Posiedon Gullen (Completed)Where stories live. Discover now