3

17.4K 366 70
                                    

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.




CHAPTER THREE


NILAPAG ni Clea sa harapan ni Seidon ang papelis habang kumakain ito ng agahan, tumigil ito sa pagkain at sumandal sa upuan habang nakatingin sa kanya.

"Payag na ako." pursigido niyang sabi.

Wala na din naman siyang magagawa dahil nangyari na ang nangyari.

"Pero sa isang kondisyon."

Tumaas ang isang kilay ng binata, "Ano yun."

"Hindi ko siya ibibigay sayo, you can be the father pero sakin din ang anak ko." wika niya.

"Okay." tumayo ito at kinuha ang gamit na nasa kabilang upuan. "Eat your breakfast. I'll wait outside." walang lingon na umalis ito.

Ang akala niya pag aawayan pa nila ang gusto niya pero she didn't expect na papayag ito ng mabilis sa gusto niya.

Napaupo ang dalaga sa upuan at napatingin sa hindi pa malaking tiyan, "Ito na talaga ang kapalaran mo, Clea." buntong-hininga niyang sabi at kinain ang lahat ng nasa plato.

Pagkababa niya sa condo ay agad niyang natanaw ang kotse ng binata, sumakay siya sa passengers seat at hinintay na umandar ang kotse pero lumipas ang ilang segundo na hindi parin umaandar ang kotse kaya napalingon siya sa driver's seat at kamuntik na mapasigaw.

"S-sorry, akala ko-"

Bumukas ang pinto at nakita niya ang seryusong mukha ni Seidon, tinaggal nito ang seatbelt at pinalabas siya sa kotse.

"Pasensya na." hinging paumanhin niya sa lalaki na nasa driver seat, gumanti lang ito ng ngiti.

Ibang sasakyan ang nasakyan niya.

Walang kibo ang binata habang nagmamaneho, buti nalang at hindi ito tumawa sa kahihiyang nagawa niya kanina. Napasulyap siya kay Seidon, ni minsan ay hindi niya nakitang ngumiti ito.

Minsan ay naiisip niya kung pinaglihi ba ito sa sama ng loob ng ina nito o di kaya ay isa itong robot.

Wala sa isip na pinindot niya ang pisngi nito na kina tingin ng binata sa kanya.

"What are you doing." binalik nito ang tingin sa kalsada.

Napahiyang nilayo niya ang kamay sa mukha ng binata, "Sinigurado ko lang, baka kasi robot ka." nahihiyang tumawa siya ng mahina.

"I'm human, I got you pregnant." he mumbled.

Hininto nito ang kotse sa harap ng gate, "Susunduin kita sa hapon para sa check up."

Tumango siya at bumaba ng kotse, tinakip niya ang bag sa mukha at parang magnanakaw na mabilis naglakad papunta sa department niya.

Boung araw na masama ang pakiramdam ni Clea, apat na beses na siya nagsuka sa banyo at hindi rin siya makakain ng maayos dahil wala siyang gana. Gusto na niyang umiyak dahil sa sitwasyon niya ngayon, konti nalang ay susuko na siya.

MEN IN SUIT 1: Posiedon Gullen (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora