chapter 20

122 26 13
                                    

Anton's POV

Pag katapos kong iuwe si kath sa tinutuluyan nya ay umuwe na din ako agad. Masaya ang pakiramdam ko totoo masaya ako ngayon hindi ko alam kung bakit. Pero iba talaga ang saya na namumutawi sa puso ko. Hindi dahil sa ako nanaman ang pinaka mataas ang nakuhang score sa test namen

Aaminin kong baka si kath ang dahilan kung bakit ganito ako kasaya ngayon.habang nakahiga sa higaan ko hindi ko mapigilan ang ngumiti mag isa... Kanina habang kasama ko sya gusto kong pabagalin ang oras. Gusto kong sabahin sa kanya na napapasaya nya ako pero wala akong lakas ng loob na gawin yun.
Kanina ramdan kong nag seselos sya. Pero bakit?  Dahil ba gusto nya ako?  Eh ako gusto kona ba sya?  Ang alam ko kase pag ganto na yung nararamdaman mo sa isang tao ang ibig sabihin nag kakagusto ka na eh. P

May gusto na ba ako?
Ano ba yan bat sa sarili ko tinatanong dapat alam kona ang sagot dito eh dahil ako ang nakakaramdam nito

11pm na pero buhay padin  ang diwa ko. Tulog na si lola at lolo kaya ako na lang ang gising. Dahil hindi ako dalawin ng antok ay kinuha ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko at nag bukas ng facebook.  Pag bukas ko ng facebook ay madami nanaman akong friends request na tanggap pero hindi kona pinag- abalahan na buksan at tignan yun. Pinindot ko ang notifications at madami ang nag react sa profile ko hindi ko na din pinansin yun .dahil hindi naman notification at friend request ang dahilan kung bakit gusto ko mag facebook ngayon. Gusto ko sana hanapin ang name ni kath sa social media 

Nai try kong i search ang Kath Gomez at hindi ako nabigo dahil lumabas agad iyon. At nakita ko ang napakaganda nyang profile picture . Nai stalk ko sya dahil ang gaganda ng kuha nya..  Ang gaganda din ng View nya sa picture nya pero mas maganda pa din sya madami syang follower and reactors . Siguro ang dami nitong manliligaw dahil halata naman sa  mga comment ng profile nya eh ..
Binasa ko ang mga comment

Hello kath reply ka naman

Hello kath reply ka din sakin plss

Hi good eve kath nag pm ako sayo sana mabasa mo hehehe

Hello gorgeous

Hi please notice me

Notice idol

Ganda mo naman 

Pwede manligaw. Kaso dimoko pinapansin eh

Hello nag pm po ako sayo

Hi

Hi

Ayan ang mga nabasa ko pero hindi lang yan madami pa. Ni isa wala syang nireplyan bukod sa mga kaibigan lang nya..  Hindi siguro sya talaga namamansin dahil medyo halata din sa kanya na minsan masungit sya...
Maya maya lang ay nai add ko sya sana i accept nya ako. Dahil gusto ko na syang maging friend sa FB... Habang tumitingin ako sa iba nya pang picture ay biglang tumunog ang notification ko. Tinigna ko agad ito dahil baka nai confirm na ako ni kath... Laking gulat ko ng nakita kona nai accept nya ang request ko kaya napahataw pa ako sahig sa sobrang tuwa....

Dahil nai confirm na nya ako nag lakas na akk ng loob na i pm sya

Hello good evening po. Bat gising kapa?
Delivered

The Day You Said GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon