57. Confrontation

Start from the beginning
                                    

“Huwag mo ng isipin ang kapatid mo. Let her enjoy her trip with her boyfriend. Huwag ka na ring mag-alala sa nanay mo dahil nagpadala na ako ng nurse na magbabantay sa kanya. The best yung nurse na iyon kaya wag ka ng mag-alala.” Pagpapatuloy niya. Hindi ko alam kung napansin niya ang pagniningning ng mga mata ko sa narinig kong sinabi niya. Isa na naming surpresa ang ibinigay niya sa akin for today.

“What? You don’t need to do that.” My honest respond.

Marahan niyang binawi ang daliri sa aking mga labi but I can still feel his finger on my lips. Another weird thing na naramdaman ko just for this day. Part ba ito ng muling kong paglabas ng bahay at magpatuloy sa buhay? Napakarami yatang ka-weird-uhan ngayon.

“Wala kang magagawa dahil gagawin ko yan para sayo at para sa kakambal ko.” He gave me that full smile na siya lang ang nakakagawa. Si Brix kasi sobrang tipid ngumiti eh.

“Thank you.” Naging tugon ko saka ko ginantihan ang ngiting inalok niya sa akin. Maaasahan talaga itong si Brian. Salamat na rin kay Brix dahil iniwanan niya ako ng kapatid niya na magbabantay sa akin. Bukod pa sa pag-iwan niya sa akin ng bata sa aking sinapupunan na magiging simbolo ng aming pagmamahalan.

Of course, I need to move on from all the weird things of the day. Lumabas ako sa offce para mangumusta at makipagkwentuhan sa mga kasama ko sa labas. I took a break with Cindy. Isa pa ang babaeng ito sa bagong myembro ng list of friends ko. I’m glad na may mga kaibigan na akong maituturing ngayon outside of my immediate family. Wala na si nerd girl na walang kaibigan at outcast. The best part pa ng friendship namin ni Cindy ay dati niya akong inaaway dahil kay Brix. Ngayon ay may sarili na siyang lovelife dahil sila na talaga ni Jonard.

Sa dami ng napag-usapan namin ay hindi ko akalaing mapupunta kami sa isang topic na mapapaisip talaga ako.

“Ha? Bakit mo naman naitanong kung may gusto sa akin si Brian? Tumutulong lang yung tao para makapag-move on ako.” Pasubaling tanong ko kay Cindy. Napapansin daw kasi niyang may kakaiba na sa amin ni Brian o may kakaiba na kay Brian. Hindi ko nga siya maintindihan eh.

“Naku naman Millete! Babae ka at babae rin ako! May motibo yang si Brian kaya ganyan. Hindi lang basta-basta pagtulong yan. Sooner or later may tapatan ng magaganap dyan. Obvious naman yun no.” Literal na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Anlakas pa naman din ng boses niya.

Bahagya kong nilapit ang mukha ko sa kanya. “Huwag mo naming lakasan ang boses mo.”

“Okay sorry.” Luminga-linga siya sa paligid ng cafeteria.

Bumalik ako sa normal kong posisyon ng pagkakaupo. Napabuntong-hininga pa ako. Nag-isip. “Ayoko nalang isipin ang mga ganyang bagay. Hindi naman siguro magkakaganon. Hindi rin magandang tingnan.”

“Ha? Ano’ng hindi magandang tingnan? Dahil magkapatid at kambal pa sila? Sorry Millete pero wala na si Brix. Kung dumating ang panahon na mahulog si Brian sayo ay bakit hindi naman hindi ba? Hindi rin naman imposibleng mahulog ka sa kanya. Hindi lang dahil magkamukha sila ni Brix. Aminin mo naman may something dyan sa mga Pineda. Yung karisma nila sa mga babae ay wagas!” tugon niya.

TWO FOR THE PRICE OF ONE (DOUBLE THE PLEASURE)Where stories live. Discover now