Chapter 39 Teamwork

Start from the beginning
                                    

“Sira ka pala eh! Bakit ka ng engineering?”

“Kasi maganda siyang pakinggan! Kapag tinatanong ako ng mga pinsan at ng mga kapitbahay namin kung anong kinukuha ko, kapag sinabi kong engineering, feeling ko, ang tali-talino ko!”

“You mean, ginagamit mo lang ang engineering para may maipagmayabang ka? How could you?!”

Kumuha siya ng plato at inilagay ang pagkain na binili niya. Nilapag niya ito sa study table, kumuha ng konti at umupo sa sala.

“I hate math!”

“Ouch! If you hate math, parang you’re also saying you hate me! Please don’t say that! That’s really hurtful!”

“Ang hirap kasi niyang intindihin eh!”

“If you hate math, bakit tinutuloy mo pa rin ang course mo. Magshift ka na sa lalong madaling panahon kasi once you said you hate math, math will also hate you!”

“Sayang naman yung tuition ko. I have no choice but to finish this semester at kailangang maipasa ko lahat para hindi masayang.”

“Kung magshi-shift ka, anong kukunin mo?”

“Culinary arts! Gusto kong maging chef!”

“Bakit hindi yun ang kinuha mo?”

“Ngayon ko lang naisip na yun ang gusto ko eh.”

“Pero alam mo, kung hindi ka nag-engineering, hindi sana kita girlfriend ngayon! I knew it! It was really meant to be!”

“Naipapasok mo talaga yung kakornihan mo eh noh?”

Ngumiti lang ako sa kanya.

“Tutal wala naman akong ginagawa, bakit hindi na lang kita i-tutor. Tutulungan kita para maipasa mo yung subjects mong pabagsak.”

“Okay! But don’t be hard on me!”

Sa ilang araw kong pinagtya-tiyagaang tulungan si Portia sa mga pinoproblema niyang mga subjects, wala akong ibang narinig na reklamo kundi, “Mahirap!” “Hindi ko kaya!” “Ayoko na!”

Minsan kung minamalas ka, tutulugan ka pa.

“Portia! Help yourself! Kung hindi mo matutulungan ang sarili mo at paulit ulit mong sinasabing hindi mo kaya, hindi mo talaga makakaya yan!”

“I STILL HATE MATH!”

“Don’t! Don’t you dare say that! Wag na wag mong isusumpa ang Math! Ako ang makakalaban mo!”

Bigla na lang tumulo ang luha mula sa mga mata ni Portia at umiyak na parang bata na binubully sa playground. Isang trigonometric problem lang naman ang pinapasolve ko sa kanya. Iniyakan na ako bigla.

“Wag mo akong itrato na parang hindi ko kaya!”

“Paano kita itatrato ng parang hindi mo kaya, eh hindi mo nga kaya!”

“Hindi kasi ako kasing talino mo!”

Napabuntong hininga ako at niyakap ang humihikbing babae na nakaupo sa tabi ko.

“Parang 1-2-3 lang yan!”

“Paano mo masasabing 1-2-3, may negative, may positive, may cosine, may sine!”

“Hindi mo talaga kaya?”

“Hindi!”

“Bakit hindi ka na lang maging katulong? Tutal mahilig kang maglinis?”

Tumayo siya at lumipad sa may kama at lumakas ng lumakas ang iyak.

Ang hirap magka-anak.

“Bakit kasi hindi na lang 1+1, kailangan pa talaga ang cosine at sine? Kapag bumili ba ako sa grocery kailangan ko pa bang gumamit ng trigonometric functions para masigurado ko ang sukli ko?”

How to be your Boyfriend vol. 1&2 (On Hold)Where stories live. Discover now