Nalungkot naman ako sa sinabi ni Kuya Argel. Kuya Andrei said before that Kuya Argel doesn't have a good family at palagi ngang nag-aaway ang parents niya nang dahil sa pera at negosyo. They are broken family at ang mga kapatid naman nito ay nasa mother's side niya.

"I don't want you to be in jail. Kahit papaano ay naging kaibigan ka rin ni Kuya Andrei at hindi kakayanin ng konsensya ko na makulong ka. Sana lang ay hindi mo na ulit sa akin gawin ang bagay na 'yon."

Nagulat naman siya sa sinabi ko at nakita kong nangilid ang mga luha niya sa kaniyang mata na kaagad rin naman niyang pinunasan.

"Pagkatapos ng ginawa ko sa'yo ay inaalala mo pa rin ako. I'm such a jerk and moron para gawin sa'yo ang bagay na 'yon. Tsk!" Kuya Argel shook his head at parang pinipigilan niya lang na huwag umiyak.

"Pero sana magbago ka na, Kuya Argel dahil kung gagawin mo pa ulit sa akin 'yon ay hindi ko na alam ang gagawin ko." Yumuko ako at pinipigilan ko na rin na huwag umiyak.

Gumaan kahit papaano ang loob ko at kahit may ginawang masama si Kuya Argel sa akin ay hindi pa rin maaatim ng konsensya ko na makulong siya at hindi magawa ang mga pangarap niya sa buhay. Lahat naman siguro ng tao ay kayang magbago at umaasa akong magbabago na siya at hindi na niya uulitin pa ang ginawa niya sa akin.

"You're really a kind-hearted girl, Bliss. That's why I'd fell in love with you at ang tanga ko lang talaga para sirain ang tiwala mo sa akin. I'm sorry for everything that I've done to you."

Hinawakan niya ang isang kamay ko habang nakatingin siya sa akin nang may pagsusumamo pero kaagad rin siyang napabitaw nang biglang may humablot ng kamay ko mula sa kanya.

Nagulat nalang ako nang nasa harapan na pala namin si Kale na nakatitig ng masama kay Kuya Argel.

What is he doing here? Papaano niya nalaman na nandito ako?

"Don't touch her." Pagbabanta ni Kale kay Kuya Argel at kaagad niya akong itinayo mula sa pagkakaupo ko.

He has a dark aura right now at parang papatayin na niya sa mga titig niya si Kuya Argel na nakatingin rin ng masama sa kanya.

"Oh Kale, why are you here?" Nakangising tanong ni Kuya Argel kay Kale.

He knows Kale?

"I went here to take away Bliss from a rapist guy like you." Madiing sabi naman ni Kale.

Tumawa naman si Kuya Argel sa sinabi ni Kale. "Pero sino ba talaga sa atin ang masama? You killed your own father, right? Kaya-"

Hindi na natapos pa si Kuya Argel sa sasabihin niya nang inambahan na siya ni Kale ng suntok. Napahiyaw naman ako sa gulat sa ginawa nito.

"Don't talk as if you know everything!" Kale shouted at Kuya Argel.

Nginisian lang siya ni Kuya Argel saka nito pinunasan ang labi niya na nagdudugo na gawa ng pagkakasuntok sa kanya ni Kale.

Walang sabi-sabi ay hinila na ako ni Kale papaalis hanggang sa makalabas na kami sa loob ng presinto. Lumapit naman kami kay Kuya Andrei na nakasandal sa kotse namin at naghihintay lang sa labas.

"He asked me kung nasaan tayo. He went here to see if you're safe." Nakangiting sabi ni Kuya Andrei saka nito tinap ang balikat ni Kale na bakas pa rin ang galit sa mukha.

Tumango naman ako at muling hinarap si Kale.

"Are you okay?" I asked him.

He just nodded.

"And he said that he's courting you. I already grant his permission." Kuya Andrei said na ikinalaki naman ng mga mata ko.

So, tanggap na niyang nililigawan ako ni Kale? Pero papaanong napapayag ni Kale ang kapatid ko nang ganon-ganon nalang?

Obsessed KaleDonde viven las historias. Descúbrelo ahora