Kabanata 12

11.9K 390 87
                                    

Ngayon ay kasama ko si Kuya Andrei at papunta kami ngayon sa ospital kung saan naka confine si Kuya Argel. I want to ask him some question at sana ay malaman ko ang totoo kung bakit siya binugbog ni Ash at ng mga tauhan ni Tito Wilbert.

Pagkarating namin sa ospital ay pinuntahan kaagad namin ang confine room ni Kuya Argel at nang makapasok na kami sa loob ay nakita ko siyang nakahiga sa hospital bed na may benda sa kaniyang ulo at mga paa. Nakita ko rin ang iilang sugat at pasa niya sa katawan. Naawa naman ako sa kalagayan niya.

"You came here, Andrei and Bliss," Nakangiting sabi ni Kuya Argel nang makita niya kami.

Lumapit ako sa kanya. "Maayos na ba ang pakiramdam mo, Kuya Argel?" I asked.

He nodded. "Yeah. I was here for two days and I'm feeling a bit better now so don't worry." He said.

I bit my lower lip. "Si Ash ba ang may kagagawan nito sa'yo?" Tanong ko.

Napahinto si Kuya Argel sa tanong ko pero 'di kalaunan ay tumango siya.

"Yes. He did this to me." Sabi niya.

"Pero bakit? Dahil ba 'to sa akin?" Malungkot kong tanong.

Umiling naman siya. "I think he's only jealous nang makita niyang pupunta sana ako sa bahay ninyo. He said that you're already his girlfriend at hindi na pwedeng may ibang lalakeng pumunta sa bahay niyo kaya naiintindihan ko siya." Nginitian niya ulit ako at tinapik ng mahina ang balikat ko.

Umiling ako. "Hindi, Kuya Argel. Sa ginawa niya sa'yo ay muntik ka na niyang mapatay. Hindi pwede 'yong ganon."

Hindi talaga ako makapaniwala na kaya nang manakit ni Ash nang dahil sa akin. Para bang hindi magandang ideya na naging boyfriend ko siya dahil nakikita kong unti-unti na siyang nagbabago.

Noong una ay sinaktan niya si Kale tapos ngayon naman ay si Kuya Argel? Hindi na tama iyon.

Napayuko naman si Kuya Argel. "He threatened me na kapag gumanti ako sa ginawa niya sa akin ay idadamay niya ang pamilya ko sa galit niya sa'kin kaya hangga't maaari ay kailangan na kitang layuan, Bliss pero hindi ko 'yon kaya," Sabi niya.

Hindi ko na talaga kilala si Ash at sa ginawa niya ay hindi ko na alam kung papaniwalaan ko pa ba siyang hindi na niya uulitin ang mga ginawa niyang pananakit sa ibang tao.

"I can't believe that he can do this. I trust him tapos ganito pala siya? Shit!" Nakatiim-bagang namang sabi ni Kuya Andrei at napailing ito.

I sighed.

"Hey! Tita said that- oh hi!"

Lumingon naman ako sa pumasok sa confine room ni Kuya Argel at nagulat nalang ako nang si Lucas iyon na napangisi nang makita ako.

Magkakilala sila ni Kuya Argel?

"Lucas, ikaw pala. I would like you to meet my best friend, Andrei at 'yung kasama naman niya ay si Bliss, his sister." Pagpapakilala sa amin ni Kuya Argel kay Lucas.

Tumango at ngumiti si Kuya Andrei kay Lucas habang ako naman ay hindi pa rin nagsasalita.

"I'm Kuya Argel's cousin and I know Bliss already." Lucas said at nginitian niya ako.

"Really? Ah, schoolmates kayo, right?" Tanong ni Kuya Argel kay Lucas.

Tumango si Lucas at nginisian niya ako. "Yes,"

"E-excuse me. Lalabas lang ako saglit." Sabi ko bigla.

Magsasalita pa sana si Kuya Andrei nang lumabas na ako sa confine room niya at umupo sa isang bench.

I feel suffocated lalo na kapag kaharap ko si Lucas. Pakiramdam ko ay may hindi siya magandang gagawin sa akin kahit girlfriend na niya si Yesha.

Nasabi ko pa sa kanya noon na boyfriend ko si Kale para lang layuan niya ako pero nalaman rin niyang hindi totoo iyon dahil naging boyfriend ko na si Ash.

Obsessed KaleWhere stories live. Discover now