Kabanata 3

14.8K 525 95
                                    

Maaga akong nagising kaya maaga rin akong papasok sa school. Nagpaganda na naman ulit ako ng bongga para sa pinakamamahal kong si Kale at syempre ay hindi mawawala ang ginawa kong sandwich at milk shake para sa kanya.

Nag-effort na talaga ako para naman matuwa na siya sa akin at hindi iyong palagi nalang siyang naiinis o nagagalit sa tuwing nakikita niya ako. Sana nga lang ay tanggapin niya itong ibibigay ko sa kanya kahit super kulit ko na at palagi ko siyang ginugulo.

Ang goal ko lang talaga ay ang mapalapit sa kanya at maging kaibigan siya.

Pumasok ako sa school namin ng 6am. Isang oras pa bago ang unang klase namin pero excited na akong makita si Kale kaya aabangan ko siya.

Nagpunta muna ako sa Cafeteria at expected ko na ngang kakaunti lang ang estudyante ngayon dahil maaga pa. Umorder muna ako ng makakain dahil hindi pa ako nakakapag breakfast sa bahay.

Habang kumakain ako ay biglang lumapit sa akin ang isa sa sikat na Varsity Player sa Southern Academy na si Lucas Infante at alam kong crush na crush ito ng pinsan kong si Yesha.

"Hi!" Nakangiting bati ni Lucas bago ito umupo sa upuang katapat ko lang.

Tumango naman ako sa kanya at nginitian rin siya.

Hindi ko alam kung bakit niya ako nilapitan. In fact, ito ang unang beses na nagkausap kami dahil hindi naman kami magkakilala talaga. Kilala ko lang siya dahil may gusto si Yesha sa kanya at sikat rin siya sa mga estimate babae dito sa Southern Academy.

"You're Bliss, right?" Tanong niya sa akin.

I nodded again. "Yes, ako nga."

Naglahad naman siya ng kamay niya sa akin.

"I'm Lucas Infante. I think you already know me dahil sikat at gwapo naman ako dito sa school natin." Nakangiting sabi niya.

What?

Medyo nayabangan ako sa sinabi niya pero hindi ko nalang iyon ipinahalata. Hindi ako sumagot sa sinabi niya at tinanggap nalang ang kamay niya.

Akmang aalisin ko na sana ang kamay ko sa pagkakahawak niya nang mas lalo niyang hinigpitan ang hawak niya sa akin.

"Best friend mo si Ashton, 'di ba? I've always see you kasi na kasama mo siya. If you want, you can be my girlfriend. You're pretty enough for me at kung tayo ang magiging couple dito sa Southern Academy ay mas madadagdagan ang popularity ko at popularity mo na rin." Mayabang niyang sabi.

Pilit kong binawi ang isang kamay ko sa kanya at salamat naman at binitawan niya na ako.

Kilala sa pagiging hambog at babaero itong si Lucas kaya hindi talaga ako makapaniwala na nagkagusto si Yesha rito. Gwapo nga siya pero pagdating sa ugali ay hindi talaga ako approve na magustuhan niya ang lalakeng ito.

"I'm sorry pero hindi kita type kaya maghanap ka nalang ng ibang babaeng aalayan mong maging girlfriend mo." Nakangiti ko pang sabi at akmang aalis na sana nang magsalita ulit siya.

"So you're turning me down dahil maganda ka lang? Nagpapakipot ka ba? Walang tumatanggi sa akin, Miss at baka pagsisihan mo lang na hindi mo tinanggap ang offer ko sa'yo." Nakangisi niyang sabi at sumandal pa siya sa inuupuan niya.

I chuckled. "Bakit naman ako magsisisi na hindi ko tinanggap ang offer mo? You think that you owned every girls in our school dahil sa gwapo ka lang? My Kale is 101% better than you!" Sabi ko.

Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko.

"Sinong Kale ang sinasabi mo? I'm sure na mas gwapo naman ako sa lalakeng iyon-"

Nakita ko na papasok si Kale sa loob ng Cafeteria at nang makita niya ako ay nilapitan ko siya at pilit na hinila papunta sa pwesto namin ni Lucas.

"You're bothering me again!" Bulong niya sa akin habang nakatitig ito ng masama. Hindi ko pinansin ang sinabi niya at hinarap ulit si Lucas.

Obsessed KaleWhere stories live. Discover now