Season 2 - Chapter 7 *My over-protective Batman! <3*

11.8K 144 11
                                    

*A/N: Sorry sa ngayon lang na update. Napaka busy kong nilalang these past few days! XD Anyways, malapit na naman Christmas break eh. So "Baka" mag update ako ng madalas. >:D<

--------------------

Kath's POV

Andito na ulit kami sa Manila. Sobra sobrang busy ni DJ at minsan nalang siya pumasok sa school. Buti naman at iniintindi siya ng mga teachers. Kaya madalas kinokopya ko nalang siya ng notes bilang isa akong sobrang bait na girlfriend. Haaays. Namimiss ko na rin siya. Sobrang hectic na kasi ng schedule nya eh. =___=

"Huy teh, kanina kapa naka busangot dyan." sita naman sakin ni EJ bakla. Andito kami sa Canteen kasama si Sharmane at nag lulunch.

"Wala lang. Miss ko na kasi talaga si DJ. Sobrang busy nya eh. Nag lunch na kaya yun, naka tulog na kaya yun. Haayys!"

"Teh, nakaka stress yang sobrang pag aalala. Samantalang etong babaitang to, kilig na kilig na halos mag collapse na!" sabay turo naman ni Bakla kay Sharmane.

"Wuy Sharmane! Okay ka lang? Tawa ka ata ng tawa dyan? Baliw lang teh?"

humarap naman si Sharmane samin at ngumiti ng sobrang laki, "Eh keshi nemen eh! Nikikilig ako!"  (^◡^)

"Bwahaha! Umayos ka ng pag sasalita dyan Sharmane. Papasabugin ko nguso mo, isa pang baby talk!"

"Eto naman, parang hindi mabiro. Hindi nyo ba manlang tatanungin kung bakit ako kinikilig?"

"Bakit?"

"Ehhh.. Secret! Pilitin nyo muna akech!" Aba. Gusto pa ata magpapilit. >__<

"Di, kahit wag mo na i-share!" natatawang sabi ni Bakla.

"Eto naman! Hindi nyo ba alam yung sa mga palabas na pag may nag sabi ng secret, pipilitin siya. Hahaha! echos ko lang yun. Eh kasi wala lang. Si Katsumi, ssh lang kayo ha. Katext ko siya. As in!!!" (◠◡◠)

"HUWAAAATTTTTT?!!!!!" napalingon naman kaming tatlo ng biglang may sumigaw sa likod namin. Pag harap namin, nakita namin yung leader ng talong gang na kung tignan kami, eh akala mo piniprito kami sa utak nya.

"Eh sino ka naman, Aber? At anong role mo sa kwentong to?!" pag tataray ni Bakla dun sa leader ng talong gang.

"OMG! YOU FREAK! You don't know me?!"

"Tatanungin ba kita kung kilala na kita? Anla! Naka drugs ata 'to eh!"

"Well, I'm Krishia. Ako kontrabida dito, may angal ka?!"

I'm in love with a heartthrob. ♥ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon