Season 2 - Chapter 25 *The truth*

11.9K 158 48
                                    

 

*A/N: Super thank you sa mga good feedbacks and sa mga nag memessage. Nakaka tats! <3 inaantok na ko at wala na ko sa sarili while taping this. So sana ma-feel nyo parin yung emotions. XD

Vote | Comment | Be a fan

 

----------------------

 

 

Kath's POV

Nagising ako ng may sobrang sakit parin na ulo. Anong nangyari sakin? Nag black out ba ko? -__- Dahan dahan akong bumangon at nakita ko sa gilid ko si Annie. Nakatayo naman sa may pinto si CJ na nakikita kong naka corporate attire at kausap niya si Arron. Mukhang seryoso yung pinag uusapan nila.

"Teh, okay ka lang? Okay ka na ba? Jusmiyo! Anong nangyari sayo? Nag breakfast kaba kanina? Bakit ka nag collapse?" sunod sunod na tanong ni Annie at inalalayan akong umupo ng maayos.

 

"Teka, Nasan ako?"

Napahampas naman ni Annie yung kamay niya sa gilid ng kama.  "Jusko! Gantong ganto yung nasa mga palabas. Nagka amnesia yung babae!"

Sumingit naman si Arron at hinila si Annie. "Wag ka ngang OA Annie. Hindi naman siya nabagok or na aksidente eh. Halika na nga muna sa labas. Hayaan natin sila mag usap.”

"Ay, oo nga noh. Sige teh. Pagaling ka ha. Back to work na muna kami. Dinner tayo together if you like! :)"

 

Pag alis nila, Tumingin sakin si CJ na nakikita ko sa mga mata niya na punong puno siya ng pag aalala. Ngayon ko lang nakitang ganito kaseryoso yung mukha niya. Parang.. hindi ako sanay. Parang... nakakatakot.  -__-

“Kath..” tapos umupo siya sa tabi ng kama at tinignan ako. “Kath, okay ka lang ba?”

“Oo naman. Medyo nahilo lang talaga ko. Pero okay na ko. Sorry ah, na storbo ka pa at napapunta kapa dito ng di oras.”

“Hindi mo alam kung gano ko nag alala. Halos paliparin ko na yung kotse makarating  lang dito. Knwento na sakin ni Arron yung nangyari. Kath.. makinig ka sakin. I am serious with this. Ako na mag bibigay ng resignation letter, at aalis kana sa kompanyang to. Please Kath. Just for once, listen to me. Please..?” nakita ko na yumuko siya at sobrang lungkot talaga ng mukha niya. Hinawakan ko naman yung kamay niya kaya tinignan niya  ko ulit.

“CJ.." then I slowly breathe. With a soft voice, I continued talking. "Don’t you think it’s already time to face him? Don’t you think it’s already time na maayos na namin to?”

“Kath, ano pa bang kailangang ayusin? Nakalimutan mo na ba kung gano ka sinaktan nun? paulit ulit na. Ayoko ng masaktan ka pa ulit. Alam kong wala akong karapatan na sabihin sayo to, pero Kath. Kahit bilang kaibigan manlang.”

I'm in love with a heartthrob. ♥ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon