Kabanata 2: Lumang Mansyon

Start from the beginning
                                    

Hinimas ko ang noo kong kanyang pinitik at napasimangot. Gusto ko talagang malaman. At isa pa, paano niya nalaman ang mga bagay na iyon kung hindi niya ito nabasa sa mga libro or hinanap sa internet. Tsk this girl, she's hiding something. Pero saka ko na iyon aalamin.

"If you really want to know more, just ask me and I'm ready to tell you more about them."

Sambit niya habang nagpapatangay sa malamig na hangin.

"No, thanks. Malalaman ko rin naman ang mga patungkol sa mythical creatures na wala sa libro or sa internet if  destiny wants me to know it." Seryosong napatingin sa akin si Dyna na ikinagulat ko.

Bumaba siya sa pagkaka-lutang at seryosong nagsalita sa aking harapan.

"Be careful on what you say Karie. Destiny could be violent sometimes."

   She said at naunang naglakad sa akin. I just look at her back at pina-process ko sa aking isip ang kanyang tinuran sa akin. Destiny could be violent sometimes? Then, is destiny was the one who put her in this kind of situation?

***

    Luma, malaki at creepy na mansyon ang tumambad sa aking harapan ng tumigil kami ni Dyna sa harapan nito. Unti-unti ng nilalamon ng dilim ang paligid at nakita ko kung paano agad na umalis ang mga orwel ng mapansing unti-unti ng dumidilim. It's pass 5:40, malapit ng magala-sais ng hapon. I already text my family na baka gabihin ako ng uwi sa dahilan na may assignment akong tinatapos sa open library malapit sa labas ng university namin. Naniwala naman sila sa ginawa kong palusot at sinabing mag-ingat ako sa pag-uwi.

   Napakalaki ng mansyon, pero halata ang kalumaan nito dahil nagkulay gray na maitim na ang mga matataas nitong pader. Nadidikitan na rin ng ilang malalaking ugat ng katabing mga puno ang mga pader at sira-sira na rin ang mga bintana. May ilang uwak ang nakahapon sa bubungan nito maging sa mga sanga ng mga puno sa paligid. Hindi ko akalaing may ganitong mansyong itinatago ang liblib na lugar ng Mendiola Street.

"Sigurado ka bang ito ang ating pupuntahan? Anong gagawin natin dito?" I ask to her ng mapansing tumagos na siya sa naka-sarado nitong itim at sirang gate. Lumingon naman ito sa akin at tumango.

  Matapang na hinawakan ko ang maitim na bakal ng gate at saka ito binuksan. Nakarinig kami ng isang impit na tunog mula sa pagbukas nito, naaalala ko tuloy yung mga tunog ng mag-isang bumubukas na pintuan sa mga horror movies. Creepy.

  Tuluyan na akong pumasok dito at sumabay kay Dyna.

"We need to find something here."
  Saad nito habang papalapit kami ng papalapit sa malaking pintuan ng mansyon.

"Ano naman iyon?"
Tanong ko ng nasa harapan na kami ng pintuan. Tumagos lamang siya dito kaya kinailangan ko pa itong buksan para makapasok ako. Agad na nagsitirikan ang mga balahibo ko sa katawan ng maramdaman ang lamig ng pintuan. Dahan dahan ko itong binuksan at agad na isinarado saka pinunasan ng panyo ang aking kamay.

I was about to say something ng mapatigil ako ng aking makita ang kabuuan ng loob ng mansyon. Meron itong sahig na napakakintab na dahilan upang maaninaw dito ang puting chandelier na nasa itaas. Meron din itong mataas na hagdanan paakyat naman sa second floor ng mansyon. May ilang antique vase na nakapatong sa mga kahoy na patungan sa gilid. May ilan ding mga sulo ang nasa paligid na nagbibigay ng liwanag sa loob ng mansyon. Kitang kita ang spanish style interior design sa loob nito. Kung mukhang haunted house ito sa labas, mukha naman itong kastilyo sa loob. I wonder sino kaya ang mga dating nakatira dito. How could they abandoned such nice place like this?

  Nginitian ako ni Dyna ng mapansin ang pagka-mangha ko sa lugar. Hindi ako makapaniwala na ganito ang itsura nito sa loob kumpara sa labas.

"Don't judge the book by it's cover, ika nga nila." She said at napatango naman ako doon. I scan the surroundings. Nasa kanang bahagi ng malaking stairs pataas ang living room, sa kaliwa naman nito ang kitchen.

  Naglakad si Dyna paakyat kaya naman sinundan ko siya.

"Ang ganda ng lugar na ito, this should be a tourist spot. Kung makikita ito ng mga tao." I muttered. Seryoso naman niya ulit akong tinapunan ng tingin. What? May mali ba sa sinabi ko?

"Ang mansyon na ito ay lumilitaw lamang sa gabi Karie, kaya hindi ito maaaring maging tourist spot. At isa pa, once na may dayo sa bansa natin na aksidenteng naligaw dito sa gabi, malaki ang posibilidad na hindi na siya makalabas."

Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig. As in hindi na makakalabas?! Oh fudgebar na malagkit! Bakit pa kami pumasok dito kung ganoon pala ka-delikado ang lugar na ito!
  Napatigil si Dyna ng makita ang aking reaksyon pero nagulat na lamang ako ng bigla nito akong tinawanan. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Alam ko ang nasa isip mo, wag kang mabalisa diyan. Oo, totoong may posibility na hindi na makalabas ang taong naligaw dito sa gabi....NA HINDI KAGAYA MO."

Kunot noo ko siyang binigyan ng nagtatanong na ekspresyon.

"Na hindi kagaya ko?"

"Uh-huh. Na hindi kagaya mo. Ikaw kasi, nakakakita ka ng mga nilalang na kagaya ko. Pero ang mga pumasok dito na ordinaryo at walang pahintulot na makapasok ay hindi na papalabasin. They will be here forever, magiging maze ito sa kanilang isipan at paningin. They will find the door, but they cannot open it to go out."

Napatango-tango ako. May advantage din pala ang mga kagaya ko sa mga ganitong bagay.

"So, change topic. Ano ba talaga ang ginagawa natin dito? Alam kong kakaiba ako dahil nakakakita ako ng mga multo pero mas kakaiba na ata ang mga nalaman ko ngayong araw na ito. Tell me, paano ba talaga kita matutulungan?"

Deretsyo kong tanong. Seryoso niya ulit akong tiningnan.

"We have to find the book of Lluñira. The book of Warriors."

Ah.... what?

Lluñira (Liyu-nyi-ra)

Lantria Supremo De LunaWhere stories live. Discover now