Kabanata 2: Lumang Mansyon

125 9 0
                                    

   Padilim na ng padilim ang paligid, alas-singko na kasi ng hapon pero heto pa rin ako. Naglalakad kasabay si Dyna sa maputlang kalye ng Mendiola Street. Bakas sa kanyang mukha ang kasiyahan dahil napa-payag niya ako, kakaiba sa timpla ng mukha ko ngayon.

  We've been walking for hours since umalis kami sa school at sa totoo lang. Kanina pa rin akong nakakadama ng kaba at takot dahil pa-liblib ng pa-liblib ang lugar na aming dinadaanan. She said that I can trust her na hindi kami mapapahamak but still, I can sense danger upon this street. Yung pakiramdam na parang may nakamasid sa iyo sa malayo at pakiramdam na kahit anumang oras, may biglang halimaw na lilitaw sa inyong harapan.

  Nagsisimula na ring mag-tirikan ang aking mga balahibo sa katawan. The cold breeze of air touch my skin and then on my surprise, I hear a whisper. A whisper of air that I could'nt understand. Ipinilig ko ang ulo ko dahil kung ano-ano nang scary thoughts ang pumapasok sa aking isipan. My heart began to beat fast as I heard a loud croak of an owl. Pero ang kaba ko sa aking dibdib ay nawala ng mapagmasdan ang kulay ng kwago. It's golden brown with a little touch of white! I've never seen such an owl like that! Gusto kong mamangha ngunit hindi ko na nagawa ng matalim akong tingnan ng kwago. I immediately look away as I shiver because my fear.

"Ang aga naman ng kwago na yun, sigurado ka bang walang kahit anong monster sa pupuntahan natin Dyna?" Tanong ko habang pilit na inaalis sa aking isip ang takot at kaba. She look at me worriedly as I push my self to hide my fear on a blank expression.

"Walang monster sa pupuntahan natin Karie, at kung meron man, hinding hindi niya tayo maaaring saktan. Kung nagtataka ka kung bakit maaga ang kwago na yun dito, iyon ay dahil ang lugar sa Mendiola Street na ating pupuntahan ay isang safe na lugar para sa mga kwagong inuunahan ang dilim ng gabi."

Paliwanag nito sa akin na tila kampanteng kampante. Agh! Ano pa nga bang aasahan ko dito? Siyempre kampante siya dahil kaluluwa na siya at hindi na siya magagawang saktan ng kahit anong may buhay dito na kagaya ko. But it's not the thing that caught my attention.

"Mga kwagong inuunahan ang gabi? What do you mean?"
Nagtataka kong tanong sa kanya. Ngayon ko lang narinig ang ganong bagay sa tanang buhay ko. Nakaka-curious.

"May subject kayong history diba? Hindi ba iyon itinuro sa inyo? You know, history about Philippine Myths." She ask at tila nagtataka rin dahil sa wala akong alam. Eh sa wala naman talaga eh. Hindi pati itinuturo ang ganoon sa class namin.

Umiling ako bilang sagot. She sigh and muttered.

"Ang kwago na narinig mo kanina ay isa sa mga kwagong inuunahan ang dilim. They are called as Orwel. They had a golden brown feather with a touch of white. Sila ang klase nang mga kwago na nakakakita ng mga dyamante at ginto. Gawain nila ang kuhanin ang mga ito tuwing lulubog ang araw sa hapon, bago tuluyang lamunin ng dilim ang paligid. Sa hapon sila kumukuha ng mga ito dahil madali nila itong nakikita tuwing hapon. Napakakintab ng mga diyamante at ginto sa mga mata nila sa ganitong oras. Kailangan nilang maunahan ang dilim ngunit hindi rin sila pwedeng abutan nito. Iba ang atake ng dilim sa mga Orwel dahil once na naabutan sila nito, dito man o habang lumilipad paalis. They will turn as Morel, ang mga kwagong parte ng mga masasamang elemento."

Paliwanag niya, napatango-tango naman ako. Feeling ko e-enjoyin ko ng makita at makasama ang babaeng ito. I want to know more about mythical creatures here in the Philippines.

"Bakit parang madami kang alam patungkol sa mga bagay na ganyan? Mababasa ko ba ang mga iyon sa history books ng Philippine Mythical creatures sa library?" I ask, I'm getting more curious. Pinitik naman niya bigla ang noo ko.

"Because I'm a student who likes history too like you. Pero hindi mo siya mababasa sa kahit na anong libro na isinulat ng tao. There is no record about what I've said earlier at kahit na mag-search ka sa internet. Magsasayang ka lamang ng oras dahil wala kang mapapala."

Lantria Supremo De LunaWhere stories live. Discover now