Capitulo Ocho

677 48 17
                                    



Capitulo Ocho




NAKAUPO lang ako rito sa sala habang hinihintay kong lumabas si Manuel. Hindi ko kasi siya na-inform na wala akong masusuot na damit para sa party ng friend niya. Sinuot ko na lang ang tingin ko pinakaangkop na suotin para sa isang party. Okay naman ang buhok ko. Pang-Ariana Grande hairstyle na ginawa ko. Ribbon ang pinang-ipit ko sa buhok ko. Bongga! Parang bumalik ako sa teenager days ko dahil sa ribbon sa buhok ko. Napatingin ako sa suot kong damit. Maganda naman ang suot ko at sa tingin ko damit din ito ng ate ni Manuel. Infairness magkasingkatawan kaming dalawa.

"Bakit hindi ka pa nakagayak?"

Umangat ako ng tingin. "Wow! Ang gwapo mo naman!" Bumagay kay Manuel ang suot niyang white long sleeves polo, nakaibabaw rito ang black vest, at black slacks. P-in-artner niya sa black shoes ang damit niya. Para siyang si Crisostomo Ibarra ng Noli Me Tangere.

Lumapit siya sa akin habang inaayos niya ang sleeves ng polo niya. "Talaga?"

"Oo. Pwede ka na ihanay sa mga oppa ng Korea."

"Iyan na naman tayo sa lengwahe mong kakaiba." Tiningnan niya ang suot kong damit. "Bakit ganyan ang iyong ayos? Akala ko ba'y nais mong sumama sa akin?"

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Ako na mismo ang nagbutones sa dulo ng sleeves niya dahil mukhang nahihirapan siyang ibutones iyon. Inalis ko rin ang kaunting lukot sa suot niya. "Sa lahat ng damit na pinahiram mo sa akin, ito lang ang sa tingin ko pwede pang-party." Tinuro ko ang suot kong damit. "Mukha naman siyang pang-alis kahit for daily wear na hindi naman mukhang pang-araw-araw na suotan dahil pangyayamanin ang damit. Gets mo? Pwede naman na siguro ito?"

Napasapo sa noo si Manuel at iniwan ako. Base sa reaksyon niya, mukhang nakalimutan niya na bigyan ako ng damit na maisusuot para sa party. Kumibit balikat ako bago umupo. Mukhang hindi na ako isasama ni Tandang Manuel sa party dahil parang nainis ko na naman siya. Kasalanan ko ba na wala akong maayos na damit? As if naman dito talaga ako nakatira para magkaroon ng ready to wear outfit para sa mga party. Mayamaya ay bumalik si Manuel at bigla na lang ako hinila papunta sa kwarto ng kanyang Ate Victoria.

"T-Teka lang, Manuel. Akala ko ba hindi ako pwedeng pumasok d'yan?"

Parang walang narinig si Manuel. Hinila na lang ako papasok sa loob ng kwarto. Binitawan niya ako bago buksan ang aparador. Bumungad sa amin ang maraming damit na halatang hindi masyadong nagagalaw. Isa-isa niyang tiningnan ang mga nakasampay na damit sa loob ng aparador hanggang sa may napili siya. Itinapat niya sa akin ang isang color lavender na baro bago ibigay sa akin. Next na inabot niya sa akin ay panuelo na mukhang partner ng baro at isang saya na mas lighten pa ang pagka-color lavender. Last ay ang tapis, 'yong knee-length over-skirt ng saya.

Ewan ko ba kung bakit may ganito pang ganap sa mga damit ng babae noon. Basta na lang in-explain sa akin ni Tandang Manuel kahapon ang parts ng Philippine National Costume. Biglaan akong nasabak kahapon sa subject na Araling Panlipunan. Nalaman ko rin na traje de mestiza ang totoong tawag sa Maria Clara dress. Gosh, kapag nalaman ng A.P teacher ko na hindi ko ito alam, baka ibalik niya ako sa Elementary! Ang bait ko kasing bata, tinutulugan ko ang oras ng A.P he-he.

"Babagay sa iyo ang damit na iyan. Ayusin mo rin ang iyong buhok. Nakita mo ang ayos ng aking ate roon sa kanyang retrato?" Tumango kaagad ako. "Ganoon ang gawin mo sa iyong buhok ngunit kung ayaw mo naman ay maglugay ka na lamang. Mas maganda ka kapag i-ikaw ay nakalugay." Umiwas siya ng tingin bago inabot sa akin ang isang napakagandang hair comb. "Ilagay mo ang peineta na ito sa iyong buhok. Natitiyak akong babagay iyan sa iyo. M-Maiwan na kita rito." Naglakad siya palabas ng kwarto. "At huwag mo akong paghintayin ng matagal." Pahabol na sabi ni Manuel bago niya isara ang pintuan.

Una Vez en DiciembreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon