Capitulo Tres

759 52 4
                                    



Capitulo Tres




TUMAKBO ako pabalik sa kuwarto at tiningnan sa salamin kung suot ko pa iyon. Wala na! "Nalagot na." Hinarap ko siya. "May nakita ka bang kuwintas na suot ko kanina?" Kaagad siyang umiling. "Lagot na." Tiningnan ko kaagad ang sahig. Baka nahulog sa sahig ang necklace. Wala. "Lagot na talaga."

"Ano ba—"

"Kuya! Huwag mong akong ipakulong!"

"Ano?"

"Nawala ko ang necklace. H-Hindi ko sinasadya. Ang ganda kasi ng kuwintas na nakita ko d'yan." Tinuro ko ang vanity mirror table. "Kaya sinuot ko. Hindi ko alam na mawawala ko siya."

"Kuwintas?" Nagmadali siyang pumunta sa vanity mirror at may kinuha sa drawer. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang isang jewelry box. Bumalik kaagad siya sa harapan ko. May halong galit na ang mukha niya.

"W-Wala kaninang jewelry box doon ah. Paanong nagka—"

"May kinuha kang kuwintas dito?"

"Wala."

Marahas niyang hinablot ang braso ko. "Magsabi ka ng totoo!"

"Wala talaga. Wala rin 'yan doon kanina kaya wala akong kinuha d'yan. Nakita ko lang sa drawer ay mga ipit sa buhok ang 'yong kuwintas na sinasabi ko sa iyo. May pendant na star 'yon. Kumikintab kapag natatamaan ng liwanag kaya para siyang bituin galing langit."

"Ang ibig mo bang sabihin ay kuwintas na may colgante na bituin?"

Kaagad akong tumango dahil tingin ko pendant ang ibig sabihin niya ng colgante. "Oo." Inabot ko ang kamay niya. "Kuya, huwag mo ang isumbong kina President Navarroza at Ma'am Victoria. Promise, wala akong planong nakawin 'yon." Matamnan niya lang akong tinitigan. Naku! Ipapakulong talaga ako nito. "Kuya, magsalita ka naman."

"Hindi ko kilala ang mga sinasabi mong tao." Tinalikuran niya ako at lumabas na ng kuwarto.

Sumunod naman ako sa kaniya. "Sandali lang, Kuya!" Humarang ako sa dinadaanan niya. Tumama ang liwanag ng buwan sa mukha niya. Ngayon ko lang natitigan ng mabuti ang mukha niya. Nanlaki ang mga mata ko. "What the fudge!" Muntik na akong matumba sa sahig. Nakikita ko sa harapan ko mismo ang real life version ni Manuel Saenz. Para akong hihimatayin. Sure akong hindi siya multo dahil kapag multo siya dapat hindi ko na siya nahawakan kasi ganoon ang napapanood ko sa mga horror movie. "P-Paano mo siya naging kamukha?"

Muling kumunot ang noo niya. "Sino?"

"S-Si Manuel Saenz. Ang dating nagmamay-ari ng bahay na ito."

"Ako ba'y pinagloloko mo? Ako si Manuel Saenz at ako ang nagmamay-ari ng bahay na ito."

Ano raw? Siya raw si Manuel Saenz? Tumawa ako ng malakas. "Laughtrip ka, pare. Ikaw? Si Manuel Saenz?"

"Anong nakakatawa sa katotohanang ako si Manuel Saenz?"

"Ikaw talaga, Kuya." Nahampas ko siya sa balikat. "Joker ka ano? Manuel Saenz daw. Sa dami kong narinig na siya raw si ganito ganyan, ikaw lang ang nagpatawa sa akin ng ganito." Tawa pa rin ako ng tawa hanggang sa tumigil na ako. Seryoso pa rin ang mukha niya na parang sinasabi niya sa akin na siya talaga si Manuel Saenz at hindi uso sa kaniya ang word na joke. "Ikaw talaga 'yon?"

"Kakasabi ko lang kanina, hindi ba?"

"P-Pero matagal ka nang patay."

"At saan mo naman nalaman ang balitang iyon?"

Una Vez en DiciembreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon