CHAPTER 5

77 3 0
                                    


LISA'S POV

"Sorry Lisa but I'm not into girls" di ko alam kung lasing lang ba ako o talagang sinabi ni jennie sa akin yun

Naglakad na papalabas ng unit ko si jennie at ako ay naiwang tulala.

Bro if she's not into girls why did she act like that

Tanong ko sa sarili ko. Napansin naman ni Jisoo na tulala ako kaya lumapit ito sakin

"Hey are you okay?" Tanong nya

"Yeah, I'm fine" sabi ko habang nakangiti sakanya

"Wala kana palang iniinom eh. Lika na kuha pa kita ng isang beer" sabi nito at tatayo na sana ngunit pinigilan ko

"No more drinks for me. Ayaw ni jennie" sabi ko na ikinagulat ng sarili ko "I mean get me some beer" pagbawi ko

Napangiti naman si Jisoo at umupo muli sa tabi ko "you're in love with captain huh" pangaasar nito

"No, I'm not" pagtanggi ko

"Yes, you are" pagpupumilit nito "but don't expect to much. She's sweet to her friends. Wag mong bigyan ng meaning yung mga bagay na ginagawa nya sayo" she smiled at me

"Oh that's why" mahinang pagkasabi ko

"Sige na lisa mauuna na ako baka gabihin ako sa pag uwi" pagpapaalam nito "chaeyoungie, hindi ka paba sasabay sakin pauwi?" Tanong nito kay Rosie

"Mauna kana muna jichu. Baka sa place nalang ni jennie ako matulog" sagot ni Rosie

"Lika na hatid nalang kita sa baba, Jisoo" sabi ko at lumabas na ng unit

Habang hinihintay ang elevator na bumukas, may babaeng papunta samin ni jisoo. Nang mapansin sya ni jisoo agad nya itong binati

"Uy jisoo! Galing ka kay jennie?" Tanong nito

"Ay hindi pero kanina kasama namin sya. May inuman lang sa unit ni lisa" sabi ni jisoo "this is lisa" dagdag niya at tinuro ako

"Hi lisa, I'm Sana" pagpapakilala nito

"Hello sana" nakangiti kong sabi at nakipagkamay

Sakto naman na habang nakikipagkamay ako ay bumukas ang elevator. At nagulat ako dahil nandun sa loob si jennie na nakatingin sa kamay namin ni sana

"Ang bilis ah" mahinang sabi ni jennie at dumiretso na papunta sakanyang unit

Mabilis saan? Tanong ko sa sarili ko. At sumakay na kami sa elevator at inihatid sa baba si jisoo

"Sure ka jisoo kaya mong umuwi magisa?" Tanong ko

"Syempre naman. Jisoo pa ba?" Sabi nya at sumakay na sa kotse nya. Nagbabye lang kami ni sana at binaling sakanya ang attention ko

"Ikaw Sana? San punta mo?" Tanong ko sakanya

"May bibilhin lang ako" nakangiti nitong sabi

"Ingat ka" sabi ko at tumalikod. Maglalakad na sana ako nang tawagin nya ako

"Lisa wait" pagtawag nya at lumingon ako. Tumakbo sya papalapit sakin

"Why?" Tanong ko

"Labas tayo minsan" nahihiyang pagkasabi nya

"Sure" sabi ko "just give me your phone number so I can contact you" dagdag ko at iniabot ang cellphone ko

Agad nya naman itong kinuha at tinype ang number nya

"Here" pagbalik nya sa cellphone ko

"Thank you" nakangiti kong sabi

"You're welcome" sabi nya at hinalikan ako sa pisngi na ikinagulat ko. "Sige na lisa una na ako" dagdag nya at naglakad papalayo

Runaway (JENLISA)Where stories live. Discover now