CHAPTER 4

98 5 1
                                    

JENNIE'S POV

Hindi ko alam kung bakit ako naiinis kay lisa sa tuwing nirereject nya yung offer ko. Siguro hindi lang ako sanay na may humihindi sakin.

Nasa school na ako at wala akong gana pumasok sa lahat ng klase ko kaya naman nagstay lang ako sa VIP Area.

Nanonood lamang ako at hindi namalayang nakatulog

"Jennie Kim" rinig kong boses ni Jisoo "Jennie gumising ka dyan" at patuloy nya akong ginigising habang tinatapik ako sa balikat

"Why?" Sabi ko at minulat ang aking mata

"Ngayon yung tryout para sa dance crew. Hindi kaba manonood? Baka magtampo yung mga yun sa cheerleading team kapag hindi ka nagpunta para suportahan yung program nila" pageexplain ni Jisoo sakin "And also, Lisa will participate" dagdag pa nito

"I don't care. She didn't ask me to watch her" sabi ko at niligpit ang mga gamit na nasa table ko

"Si Kai sasayaw din" dagdag pa ni jisoo. Napatingin ako sakanya

"Dito pa pala nagaaral yun?" Tanong ko at um-oo naman sya "Mas ayoko palang manood. Baka isipin ng mga tao sinusuportahan ko yung ex ko" pagpapaliwanag ko

"Jennie alam naman ng lahat na ikaw yung nangiwan" nakangiting sabi ni Jisoo

"Kaya nga. Baka mas lalong isipin ng tao na gusto ko ulit balikan si kai. Matapos kong iwan, hahabulin ko" sabi ko at inilagay ang bag ko sa ibabaw ng lamesa

"Jennie para sa image ng team please? Para wala ding gulo sa iba pang team. Alam naman natin ang totoo na tapos kana sakanya" pagpipilit pa nito

"Fine" pagtataray ko, lumabas na kami at nagtungo na sa gym

"Sakto pala Jennie hahaha ex mo yung nasayaw" napatingin ako sa stage dahil sa sinabi ni Jisoo

"Where's Rosie?" Tanong ko kay Jisoo "bakit hindi na sya nasama satin?" Dagdag ko pa

"Uhm I think she's with Lisa" sabi nito at nagpintig ang tenga ko matapos kong marinig ang pangalan nya

"That girl is so annoying" sabi ko at napatingin sakin si Jisoo

"Why tho?" Nagtatakang tanong niya "She's pretty cool. You just need to hang out with her" dagdag pa nya

"I did" sabi ko

"What? When?" Nanlaki ang mata ni Jisoo sa narinig nya

"Last night in her condo unit. She taught me some dance moves" pagkkwento ko

"Hindi ako naniniwalang sumayaw lang kayo" hinampas ko sya sa braso dahil sa sinabi nya

"Of course sumayaw lang kami. Para kang tanga Jichu ang dumi ng utak mo" sabi ko at ngumiti sya na para bang nangaasar

"I heard her studio is soundproof" dagdag nito at kumindat pa "fine, I'll stop na" sabi nya matapos ko syang kurutin sa tagiliran

"The next performer will be miss Lalisa Manoban" pagannounce ng host sa mic at nakita kong umakyat na si lisa sa stage

Tumingin ito sakin at nginitian ako ngunit hindi ako ngumiti pabalik

"What the hell is she wearing?" Tanong ko kay Jisoo

"What's the problem? She look so cool" sabi nito at nagpatuloy kaming manood na dalawa

"It's too daring" mahinang sabi ko at nakakunot noong nanood kay lisa na sumasayaw sa stage

Nang matapos  ang routine ni Lisa ay nagpaalam na ako kay jisoo

"Hindi mo ba iccongrats si lisa mamaya? Sure akong makakapasok sya" pagpipigil ni jisoo saakin

Runaway (JENLISA)Where stories live. Discover now