CHAPTER 2

123 10 1
                                    


LISA'S POV

Nakatayo ako sa harap ng aking salamin at naghahanda para sa aking pagpasok.

"Ang cute cute mo, Lisa" Puri ko sa aking sarili at tinaas baba ang aking kilay.

Bago ako umalis ay kinuha ko ang aking telepono at tinawagan ang mga gagawa ng aking studio sa condo. Iniwan ko ang isang key card sa guard sa lobby at sinabing papasukin at ibigay yun sa mga gagawa ng aking studio.

"Bambam where the hell are you? I don't wanna be late for my first day" sigaw ko sa telepono nang sagutin ni bambam ang aking tawag.

"Lisa pasensya na na-late ako ng gising. Wag ka nalang muna pumasok hahaha puro absent ka din naman sa school mo dati" Sabi nito at pinatayan ako ng tawag.

"Napakagago mo bambam" sabi ko at binalik sa bulsa ang aking cellphone.

Maglalakad na sana ako papalabas ng gate ng condo nang may humintong sasakyan sa tapat ko. "Hop on" walang emosyon na pagkakasabi ni jennie nang maibaba nya ang isa sa mga bintana ng kanyang sasakyan.

"A-ah Hi Jennie. No it's okay. Maglalakad nalang ako. Hindi naman kalayuan yun dito" Pagtanggi ko at nagbabye sakanya. Sinara naman nya ang bintana

"Wala man lang pagpilit" pagbibiro ko sa sarili ko at nagulat ako nang bumaba sya sa kanyang kotse. At binuksan ang pinto tungo sa shotgun seat at pumasok sya doon at binato saakin ang susi na hindi ko nasalo

"No one ever tried to reject my offer" sabi nya at isinara ang pinto

Pinulot ko ang susi at pumasok na rin sa loob ng kotse. Sinuot ko ang aking seatbelt at nakatingin lang sya sakin

"Such a baby" sabi nito at ngumiti ako

"Maingat lang" tinanggal ko ulit ang aking seatbelt at umurong ng bahagya patungo sa upuan ni Jennie. Pilit kong iniaabot ang seatbelt para sana isuot sakanya.

Pinagpawisan ako ng malala nang marealize na ang lapit sakanya ng mukha ko. Napaiwas ito ng tingin at ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa.

Pilit ko pa ring inaabot yung seatbelt. Nahihirapan ako dahil pilit kong iniiwas na ang katawan ko sakanya. Ayaw ko syang madikitan dahil baka awayin pa ako nito.

"Ako na nga" pagsusungit nito at mahina akong itinulak sa aking upuan. Sinuot nya ang seatbelt nya pati ako ay ganun din ang ginawa.

Tahimik lang akong nagmamaneho. Sobrang awkward lang nito para sa akin "Want some music?" Tanong ko sakanya

"Just drive" sagot nya.

"Sabi ko nga po boss" nakangiti kong sabi

"Boss huh" nakangiti nyang sabi at napailing pa.

First time ko syang makita na nakangiti. Nagwawala ang puso ko dahil sa ipinakita nya. Napakaganda nya talaga.

Nang makarating kami sa school parking lot ay nauna akong bumaba at pinagbuksan sya ng pinto. "Thank you" sabi ko at iniabot sakanya ang susi.

"You're welcome" sabi nya at nagpatuloy sa paglalakad papasok ng university. Hindi nya kinuha ang susi

"Jennie yung susi ng kotse mo" paghabol ko sakanya

"You need to drive me home! Sabay na tayong umuwi" Sagot nito at napahinto ako sa pagtakbo.

Gulong gulo ako sa nangyari. Napakapafall mo Jennie Kim! Sabi ko sa isip ko at nagsimula nang pumunta sa klase.

Bago ako makapasok sa classroom ay hinarang ako ni Jinyoung.

"I saw you with Jennie earlier" sabi nito

Runaway (JENLISA)Where stories live. Discover now