CHAPTER 7

147 5 4
                                    

JENNIE'S POV

Maaga akong nagising para makapagluto ng ibibigay ko kay Lisa at ipapakain ko sa alaga kong si Rosé

Naghilamos at nagayos ako bago pumunta sa aking kusina. Binuksan ko ang aking speaker at kinuha ang telepono ko. Naisipan kong magpatugtog habang nagluluto para mas maenjoy ko ang aking gagawin. Pinatugtog ko ang "On the Ground" at nagtungo sa ref upang kunin ang mga sangkap na aking gagamitin

Nakangiti at paminsan minsan sumasabay ako sa kanta habang naghihiwa ng mga sangkap.

"Everything I need is on the ground" Pagbirit ko habang sumasabay sa kanta ay napapikit pa ako

"Ouch" napatigil ako pagkanta, nasugatan ko yung isang daliri ko

"Haaay Jennie Kim" sabi ko sa sarili ko at hinugasan ang sugat at nilagyan ito ng bandaid

Nagpatuloy ako sa pagluluto at nang patapos na ako, nagising na si Rosé.

"Hey wifey! Goodmorning" bati nito sakin "ang bango naman ng niluluto mo, nagutom ako sa amoy" dagdag nito

"Good morning wifey kong laging gutom" pangaasar ko sakanya

"Lika na kumain na tayo" pagyaya ko dito at pinaghain sya. Tapos ko na rin ayusin ang ibibigay ko kay lisa.

"So you're really going?" Malungkot na pagtatanong ni Rosie

"I don't have a choice" sagot ko

"Just stay here with us. Paano na kami kung wala yung captain namin" dagdag ni chaeng

"Rosie, I know you can lead the group, nandito pa naman si Jisoo. Tutulungan ka naman nun" sabi ko at nagpatulot lang sa pagkain

"I'm going to miss you wifey" sabi nito at nagpatuloy na rin sa pagkain

"Me too wifey" sagot ko.

"Ano ba kasing problema ng daddy mo, bakit need mo pang lumipat sa states? Isang taon nalang ggraduate na tayo" malungkot pa rin na pagkakatanong nito

"You know my dad, I don't have a choice with him. It's either I'm gonna finish my school in his way or I will just stop studying. My happiness is not in his option" sagot ko at tumayo upang ligpitin ang kinainan namin

"Hey what happened to your finger?" Tanong ni chaeng ng makita nya ang kamay ko

"I cut my finger when I'm cutting the vegetables. But don't worry it's not that deep" nakangiting pagkakasabi ko sakanya

"Be careful okay?" Sabi nito at tumango lamang ako "iba ang nagagawa ng love mo para kay Lisa hahahaha okay kanang masugatan ngayon" dagdag nito na naging dahilan para mapatingin ako sakanya

"Love? I'm not even sure if I like her" sagot ko

"Sige na ako na maghuhugas dyan. Dalhin mo na yan kay bebe mo Lisa" pangaasar pa nito

"Chaeng naman" nakasimangot akong nakatingin sakanya

"Joke lang hehehe" sabi nito sabay nagpeace sign.

Kinuha ko ang pagkain na inihanda ko kay lisa at kumuha ng papel at ballpen para masulat ang note na ilalagay ko dito.

"Sige na Rosie punta na ako sa kabila" pagpapaalam ko at lumabas na ng unit ko

Dumiretso na ako sa loob ng unit ni Lisa since may access naman ako dito. Nakaalis na sila seulgi at wala ng tao.

Nilagay ko ang mga pagkain sa kitchen counter at sinulat ang note. Gigisingin ko sana si Lisa kaso nahihiya ako and ayoko naman pumasok sa kwarto nya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 24, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Runaway (JENLISA)Where stories live. Discover now