Hey, love?

What are you doing? I miss you already :(

Let's call! free na ako ngayonnn

Hindi ko maiwasang makonsensya while reading my boyfriend messages. Agad akong nag tipa.

To : Jacob Andrei
Sorry love.

Kakatapos lang ng klase ko. Pauwi na ako. I love you.

Call tayo pag nakauwi na ako.

Napabuntong hininga ako pagkatapos kong maisend.

Nang makalabas ako ng gate ng university ay marami pa rin ang mga estudyante. Hapon ang labasan ng mga senior. Naglakad na ako para pumunta sa hintayan ng bus.

May dumadaang bus dito sa harap ng SPU. Tumayo ako doon at may iilan akong kasama na mga estudyante. Habang naghihintay ay narinig akong iilang bulungan sa tabi ko.

“Fiance ni Prof?”

“Model daw 'yan,”

“She's so pretty!”

“True!”

Nangunot ang noo ko at napatingin sa tinitingnan nila, and there I saw Professor Montanier with a girl. Matangkad ito na morena. Professor is holding her waist habang inaalalayan itong pumasok sa loob ng sasakyan na nakapark. Nang makapasok ang babae ay agad siyang lumiko papunta sa driver seat.

Napahawak ako sa dibdib ko at tumalikod nang dumaan ang sasakyan sa harapan ko. Bakit parang makirot? What is this?

Habang nasa byahe papauwi ay hindi ko maiwasang maisip ang nakita ko. May fiance pala si Prof.

Pagkatapos kong mag palit ng damit ay agad akong nahiga sa higaan ako dala dala ang malaki kong moby. Napatingin ako sa phone ko nang tumunog ito. Agad ko itong kinuha at napangiti nang bumungad ang pangalan ni Jacob na tumatawag.

”I miss you,” bungad niya pagkasagot ko, napangiti ako pero agad napawi ang ngiti ko nang maalala ang lahat ng nangyari kanina. Nakokonsensya ako na nagawa kong maattract sa iba, pero pinapaniwala ko naman ang sarili ko na it's just an admiration

Pinaniniwalaan ko na ang nararamdaman kong mabilis na pagtibok ng puso ay marahil nanggagaling sa takot ko kay Prof kasi nakaka intimidate naman talaga siya? Pero why may kirot?

”I-i miss you too..” hindi ko mapigilang mautal na kinatawa lang ni Jacob.

“I can't wait to be with you again, I miss you already.” May tonong malungkot na sabi ni Jacob na kinatawa ko.

Ito dapat ang kailangan kong atupagin. Me and Jacob at wag na wag ko nang bibigyang pansin ang kung ano man 'tong weird na nararamdaman ko towards my professor. I don't know what is this but this is not right. Kanina lang kami nagkita and this is weird.

“How's your day, love?” Malambing na tanong ni Jacob.

”Maayos naman, love.” Sagot ko at tumingin sakanya. ”How about you? Did you had an enough sleep?” I asked him.

Tumawa ako nang humikab siya na sumakto pa sa tanong ko. “Gumising ako para tawagan ka,” Nakangiting sabi nito na kinindatan pa ako.

Nanlaki ang mata ko kung nandito siya baka nahampas ko na siya.

”Hoy, you need to sleep!”

“Love, it's okay. Mahaba naman ang gabi pwede pa ako matulog mamaya.” Wala na akong nagawa kasi makulit talaga siya.

Hindi naman masyadong nagtagal ang usapan namin ni Jacob, while talking to him minsan pumapasok parin sa isip ko si Prof na pilit kong tinatanggal. Hindi ko rin maiwasang maisip yung nakita ko kanina na may fiance na siya.

It's midnight already pero lumabas parin ako kasi naubusan ako ng stock. Malakas rin ang ulan pero may dala naman akong payong kaya okay lang. Huminto ako sa may gilid at pinatulo ang payong ko. Nang marinig ko ang dalawang teenagers na nag uusap sa tabi ko.

“Weny, naniniwala ka ba sa love at first sight?”

”Yes, naniniwala ako.”

“Posible ba 'yon?”

”Oo, possible 'yon!”

“Bakit? Naranasan mo na?”

Mula sa pag tingin sa dalawang nag uusap ay inilipat ko ang tingin ko sa harapan at tiningnan ang ilang pumapatak sa kalsada habang pinakikinggan sila.

“Hindi, pero may mga nababasa ako sa tungkol jan tapos yung kakaibang tibok ng puso.”

“What do you mean?”

“Ang weird ng tibok ng puso ganun, yung sa iisang tao mo lang naramdaman tapos hindi siya maalis sa isip mo.”

”Then, is that love at first sight?”

“Yes, an—” Hindi ko na tinapos pakinggan ang pinag uusapan nila at kahit hindi pa masyadong tumitila ang ulan ay umalis nako.

Habang naglalakad pabalik nang apartment hindi ko maiwasang maisip ang pinag usapan nila. Possible kaya 'yon?

Avoiding Mr. Professor (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now