Nahuli ko ang sariling napangiti. Gosh, nagiging mature na ba ako?

"Hurry up, 'va. Pauwi na si Papa!"

"Oo, gosh, teka. I just can't decide.. which one.. ugh. Ok, both na nga." sabi niya bago bumaling sa staff na nag-aasikaso sa kaniya. Tumango naman ang babae 'tsaka kinuha ang dalawang damit na hawak niya.

"Ba't parang oversized naman yata 'yung pinamili mong mga damit? Nahirapan ka pang mamili sa dalawa, huh." biro ko sa bruha nang makalapit sa akin, nakaupo ako sa couch nang maisipan ko kaninang tumigil na sa kakabuntot sa kaniya.

"Gaga, para 'yung kay mommy!" nanghampas sa isang binti ko ang loka-loka.

Hindi muna ako nakasagot at kalaunan nang mapagtanto ko kung anong mayroon. "Hala, malapit na nga pala ang birthday ni tita!"

"Yeah and how dare you for not helping me decide which clothes are better," pag-taray niya 'tsaka irap. I knew she was joking me but I still hugged her on her waist.

"Gaga, sorry na! Tagal mo naman kasi," sabi kong natatawa samantalang siya naman nanatiling matigas sa pagmamataray.

Tita Ayve was like my second mother. Pag nagpupunta ako sa kanila, parati niyang pinupuri ang maalon kong buhok, na pahabain ko raw lalo kasi malakas maka-babae. Parati niya ring niloloko sa akin iyong kuya ni Ava. Paliligawan niya raw ako pag tuntong namin ng senior highschool kung wala pa ring nagiging girlfriend. Siempre, kinikilig ako kahit kunwari ayoko, lalo na pag nakikisakay sa biro niya si Kuya Evo. He was my crush but that was a very long time ago.

Iba na ang lalaking tinitibok ng puso ko ngunit ayaw kong aminin sa sarili. Wala kasi siya sa kalingkingan ng mga binatang nakilala ko pero may kung ano sa kaniya ang nag-uudyok pa rin sa akin na magpahulog. Napansin ko na ito rati kaso pilit kong tinatanggi sa sarili. Ngayon nararamdaman ko na ang pag-usbong ng damdamin ko, at natatakot ako pag dumating ang araw na 'di ko na kayang ikubli ito sa kaniya.

The image of his gentle face was enough to make my heart race. I tried to divert my attention towards something else. "Sige, sa akin na 'yung isa. Gift ko kay tita."

"Oh, finally. I was actually waiting for you to say that, 'no. Mauubos na kasi 'yung allowance ko for that pair of clothes," sagot ng kasama na ngayon nakausbong na ang malokong ngisi sa labi.

"Nangbubudol ka na, huh!" I teased. We both laughed. Hindi namin inintidi ang ibang customers na napapagawi ng tingin sa aming dalawa.

Nakasindi na ang mga ilaw sa poste ng village nang makapasok ang kotse namin. Nakatingala ako sa bintana ng back habang isa-isang lumalagpas sa paningin ko ang mga kahel na liwanag. Nakauwi na kanina si Papa. Hindi niya lang ako hinanap kasi nag-text ako sa kaniya kanina na magpupunta nga kami ng mall pagkatapos ng escuela.

Huminto ang sasakyan sa tapat ng gate namin at napatigil tuloy ako sa pagtipa ng reply nang mag-message si Renzo. Bumaba ang bintana sa gilid ng driver's seat. Dumungaw si Ben sa labas.

"Sir Gino, ba't nakatambay ka pa rin sa labas?"

Napahawak ako ng mahigpit sa sariling cellphone. Narinig ko pa lang palayaw niya pero tumambol na ang aking puso.

"Nagpapahangin ho, Mang Ben."

"Nakaalis at nakabalik na ko lahat nandyan ka pa rin. Sino bang inaabangan mo? May natitipuhan kang dalaga rito, 'no!"

Napabaling ako sa rearview mirror. Hindi ko maintindihan kung ba't gusto kong gumawi ang paningin ni Ben sa salamin. Wala naman siyang maaabutan kundi ang paninindak ng mga mata ko.

"Mayroon nga, ho." sagot niya at nanikip ang dibdib ko sa pagiging maaligasgas ng tawa niya, o sa sagot niya, o baka parehas.

"Naku, sinasabi ko na nga ba! Napakaraming magaganda pa naman dito sa village. Napansin mo pala." Tumawa lalo ang matandang nasa manibela.

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTWhere stories live. Discover now