Nagtagal pa kami ng ilang minuto sa school field bago tuluyang mag-umpisa ang unang klase namin. Sabay kaming pumunta ni Kale sa unang klase namin at nang makarating na kami doon ay napansin ko na hindi pala pumasok si Ash.

Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ang mga sinabi sa akin ni Tita Asra. Sana ay nasa maayos lang na lagay si Ash dahil kapag may mangyari talagang masama sa kanya nang dahil sa akin ay talagang sisisihin ko ang sarili ko doon.

Pagkatapos ng apat kong klase ay sabay na kaming pumunta ni Kale sa Cafeteria para kumain. Hindi ko nalang pinansin ang mga tingin sa amin ng mga estudyanteng nakakakilala sa amin.

Nagpaalam muna ako kay Kale na pupunta lang sa restroom. Ngumiti siya sa akin at sinabi niyang bumalik kaagad ako sa table namin.

Nang makaalis na ako sa Cafeteria at naglalakad papunta sa may restroom ay nakita ko na naman si Lucas saka siya lumapit sa akin at hinarangan niya ang dinadaanan ko.

"What is it, Lucas?" seryoso kong tanong. Medyo naiirita na sa presensya niya.

"I heard on what happened to you." Seryoso naman niyang sabi.

So, he knew.

"Then what about it? Isipin mo nalang na nakaganti ka na sa ginawa ko sa'yo noon dahil sa ginawa sa akin ni Kuya Argel kaya 'wag ka nang mag-alala." Sabi ko at akmang aalis na sana nang hinarangan niya ulit ako.

"Why are you thinking that?" Tanong niya na ikinakunot naman ng noo ko.

"Eh, ano pa ba ang iisipin ko? Gusto mo naman talaga akong gantihan sa ginawa ko sa'yo noong pagtanggi bilang girlfriend mo, hindi ba?" naiinis kong sabi.

Umiling naman si Lucas saka niya ginulo ang buhok niya at pagkatapos ay muli siyang bumaling sa akin at nagulat nalang ako nang hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.

"Okay ka na ba? Wala na bang masakit sa'yo?" Nag-aalalang tanong niya na ikinagulat ko. Kaagad naman akong lumayo sa kanya.

Lumapit ulit siya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko.

"I'm sorry on what happened to you. Kahit ako hindi ko alam na magagawa 'yon ni Kuya Argel sa'yo." He said in his worried tone.

Gulat na gulat ako dahil sa mga sinasabi sa akin ni Lucas. It looks like he's concerned about me.

"Lucas?"

Napabitaw ako sa pagkakahawak sa akin ni Lucas nang biglang dumating si Yesha na nagtatakang nakatingin sa amin. Nakita pa niyang nakahawak si Lucas sa isang kamay ko.

"A-ah, Yesha ikaw pala." Ngumiti ako ng pilit kay Yesha saka ko sinulyapan si Lucas na may pag-aalala pa rin ang mga tingin sa akin.

"Anong pinag-uusapan niyo?" Nagdududang tanong sa amin ni Yesha at kaagad niyang pinulupot ang braso niya sa bewang ni Lucas.

"Nothing, babe. Tinanong ko lang si Bliss kung okay lang ba siya because of her break-up with Ash." Sabi ni Lucas na ikinahinga ko ng maluwag.

Napalitan naman ng ngiti ang nagdududang mukha ni Yesha saka niya hinalikan ng mabilis sa labi si Lucas.

"Ang akala ko naman kung ano na, boyfie. Huwag kang masyadong nagtatanong regarding sa break-up nila ni Ash dahil alam kong mahal na mahal pa rin ni Ash si Bliss." Sabi naman ni Yesha at pasimple niya akong inirapan.

"S-sige, aalis na ako." Sagot ko nalang at iniwan na silang dalawa.

Nakita ni Yesha ang ginawa ni Lucas at alam kong galit siya dahil doon. Alam ko kung gaano niya kamahal si Lucas at baka kung ano na ang isipin niya sa aming dalawa. Napailing nalang ako at pumikit.

Pagkatapos kong gumamit ng restroom ay kaagad na akong bumalik sa Cafeteria. Nagtaka naman ako dahil wala si Kale sa table namin.

Nakita ko namang tumatakbo papalapit sa akin si Jessa na isa sa mga kaklase ko sa English class namin.

"Bliss, 'di ba kaibigan mo si Kale Marco? May kaaway siya doon sa field! May binubugbog siyang estudyante!" Natataranta niyang sabi sa akin na ikinagulat ko.

Hinatak ako ni Jessa papaalis hanggang sa makarating na kami sa school field. Nakita ko naman kung paano suntukin ni Kale ng paulit-ulit iyong lalakeng estudyante na nakahandusay na sa sahig. Ang mga nanonood naman sa kanila na mga estudyante rin ng Southern Academy ay parang natatakot lapitan si Kale.

I've never seen Kale being so mad like this. Kahit ako ay natatakot ring lapitan siya but I need to stop him from what he's doing.

"You moron! I will kill you!" Sigaw ni Kale at sinuntok pa niya sa tyan iyong estudyanteng lalake na napaubo na ng dugo.

Nanginginig naman ako sa takot nang nilapitan ko si Kale at pilit inilalayo doon sa lalake.

"Kale, stop it..." Naiiyak ko nang sabi.

"He deserves this for sexualizing you!" Galit na saad ni Kale at muling nagpakawala ng malakas na suntok sa lalake.

Natatakot ako dahil baka mapatay na niya iyong lalake. Doble pa ang takot ko ngayon kaysa sa nagawa noon ni Ash sa kanya.

Mas nakakatakot palang magalit si Kale.

Niyakap ko bigla si Kale dahilan para huminto siya sa pambubugbog sa lalakeng estudyante.

"Kale, tama na, please..." Pakiusap ko sa kanya.

Unti-unti naman siyang kumalma doon at niyakap rin niya ako pabalik.

"I'm sorry if I scared you, Bliss." Nagsisisi niyang sabi at sinapo niya ang buong mukha ko.

Tumango naman ako saka ko tinignan iyong lalake na binugbog niya. Duguan na ito pero mabuti nalang at may malay pa rin siya. Nilapitan ito ng dalawang estudyanteng lalake at inalalayan siyang makatayo.

Humarap ako kay Kale at dinala siya sa lugar na walang masyadong tao. Kanina pa kami pinagtitinginan at alam kong ako na naman ang headline sa newspaper ng Southern Academy.

"Why did you do that?" Tanong ko kay Kale.

Kumuyom naman ang kamao niya. "I heard he's talking about you."

"At ano naman ang sinabi niya tungkol sa akin?" I asked.

"He said that you really look good in bed. I heard they were talking about you kanina sa Cafeteria habang wala ka. Ayoko nang may ibang lalakeng bumabastos sa'yo, Bliss. I will kill them if they will do that again." Madiin niyang sabi.

Hinawakan ko ang isang kamay ni Kale.

"Pero hindi mo na sana ginawa 'yon, Kale. Hindi mo na kailangang manakit pa. Baka ma-expell ka pa dito sa school dahil sa ginawa mo doon sa lalake." Sabi ko.

Hindi solusyon na manakit ng isang tao nang dahil lang sa galit. I understand Kale why he did that pero hindi pa rin tama iyon. That's why I'm very mad at Ash before dahil sinaktan niya si Kale. I don't like it when someone is hurting a person physically.

"Tsk! He deserves that and they can't expelled me in this school. They can't do that." He shook his head and smiled at me again.

I rolled my eyes. "You're really a hard headed guy, huh? and tell me, bakit hindi ka pwedeng ma-expell sa school na 'to?" Nakataas-kilay kong tanong sa kanya.

"My Mom was one of shareholders in this school kaya dito niya ako naisipang i-transfer. If they'll expelled me, they will regret that."

Kale snake his arm around my waist saka niya ipinatong ang ulo niya sa balikat ko.

"So, koneksyon na lang pala ni Tita Josephine sa school natin ang dahilan para hindi ka ma-expell?"

"Yeah, and I will never allow that if you're not with me." Sabi niya na ikinangiti ko.

Siguro ay kailangan ko na ring intindihin ang ganitong behavior ni Kale. Nakakatakot siyang magalit kaya kailangan na iiwas ko siya sa gulo hangga't maaari.

"I'm dangerous, Bliss. If someone wants to steal you away from me, I can do everything to make their life miserable."

---
x

Obsessed KaleWhere stories live. Discover now