36. The Final Contract With Mr. Phillips

Start from the beginning
                                    

Namumungay na ang mga mata ko nang makita kong mula paa paakyat, naging usok ang tinawag nilang Theo at umikot sa babaeng nakahandusay sa sahig. Nauubusan na ako ng hangin. Gusto ko nang makahinga nang maayos.

Umangat sa ere ang babaeng wala na yatang buhay saka lumampas sa amin palabas ng pintuan.

"You can take humans for our daily consumption, Van." Napalingon ako sa direksyon ng dining area habang pabagsak-bagsak ang ulo. Boses ng lalaki pero hindi ko maaninag nang maayos kung sino na sa kanila ang nagsasalita.

Namamanhid ang buong ulo ko kaya hindi na nagiging malinaw ang rehistro sa akin ng mga tunog sa paligid. Nararamdaman ko nang umaangat ang mga litid ko sa leeg.

"You can take humans daily, Van. You can take more than you can eat, and here you are, taking this trash?"

Nagulat ako sa biglang sumabog sa harapan ko kaya nagbalik ako sa pawala na sanang ulirat nang makitang pinasabog ng lalaking bampira ang carton ng Red Water. Kumalat sa hangin ang malansang amoy ng dugo.

"You drink artifical blood, and keep mortals as pet? What is wrong with you?" dagdag pa n'ong may gintong buhok.

"Father, if that mortal doesn't want to kill herself, why didn't we let Donovan do the honor?" narinig kong alok ni Morticia kaya naniningkit ang mata ko nang balingan siya ng tingin sa kaliwa. "We can't control her, but we can with Donovan."

"Ah! My daughter. Clever as expected." Naaninag ko pang nagtaas ng kamay ang isa sa kanilang nasa direksyon ng living room. "Thortos, hand him his dinner."

"Agh—" Para akong manikang ibinato sa sahig ng bampirang ikinulong ako sa braso niya.

Tumihaya ako habang mahimatay-himatay na ako kahahabol ng hangin. Hindi ko na nga halos maramdaman ang braso ko.

Gusto ko na lang matulog. Napapagod na ang katawan ko. Pagod na rin ang isip ko pati ang kaluluwa ko.

Gusto ko lang namang magkatrabaho. Hindi ko naman alam na ganito pala ang aabutin ko rito.

Ang bigat ng ulo ko nang pumaling ako ng tingin sa kaliwa. Binitiwan na nila si Mr. Phillips, at nakita ko pa kung paano siya palibutan ng itim na usok sa buong katawan.

"Mr. Phillips . . ."

Napalunok na lang ako habang nakikitang parang inaangat siya ng itim na usok patayo.

Tahimik lang siya. Hindi ko naririnig na pinagagalitan niya ako kasi bumalik pa ako. Hindi siya umiimik.

"Let the show begin."

Naglakad papalapit sa akin si Mr. Phillips, at pagkilos ng kanang braso ko para abutin siya, doon ko lang napansing naliligo na pala ako sa dugong galing sa carton kanina.

"Mr. Phillips . . . agh—" Hindi ako agad napalunok matapos niya akong sakalin para iangat sa sahig. "Huwag . . . huwag . . ."

Naramdaman ko na lang ang pagbangga ko sa matigas na bagay at pagbagsak ko sa sahig.

Ang haba ng matinis na tunog. Wala na akong ibang naririnig kundi ang tunog na lang na iyon.

Parang hinampas ng malaking bagay ang mga braso ko. Nagagalaw ko pero kumirot nang itukod ko sa sahig para makatayo ako.

"Ah—" Napahugot ako ng hangin habang pinandidilatan si Mr. Phillips na biglang pumatong sa katawan kong hapong-hapo na gawa ng lahat ng natamo ko mula pa kaninang dumating sila. "Huwag . . . tama na . . . tama na . . ."

Nakatitig lang ako sa pulang mga mata ni Mr. Phillips habang naririnig ko ang pagpunit ng tela sa mismong katawan ko.

Naramdaman ko ang paggapang ng mainit na luha sa gilid ng mata ko pababa sa may tainga habang nakikita ang tingin na iyon—walang buhay ang tingin niya. Nakatingin siya sa akin pero parang hindi niya ako nakikita. Para siyang nakatulala.

Prios 1: Contract with Mr. PhillipsWhere stories live. Discover now