Chapter 3

9 1 0
                                    


Chapter 3: Coffee 


Sky's POV


Pagbukas ko ng pinto isang tingin mula ulo hanggang paa ang ibinungad nya sa akin. Napataas ang kanyang kilay at ang mga tingin nya ay para bang may malaking kaasalanan akong nagawa.

"Were you absent minded yesterday?" napakunot ang noo ko sa tanong nyang iyon. Ano bang sinasabi nito. Pinapunta nya ba ako dito para tanungin kung absent minded ako kahapon?

"Pardon?" saad ko

"Or are you deaf?"

"Of course not" mabilis kong sagot

"Then, why are you wearing a skirt?" seryoso nyang tanong. "I told you to wear slacks and long sleeves not skirt." Dagdag pa nito.

Naistatwa ako sa kinatatayuan ko dahil napahiya na naman ako. Nasaan ba kasi ang isip ko kahapon. Kelan ba ako lalamunin ng lupa, ngayon naa please.

"S-sorry Sir" tugon ko

"Pag nagsorry kaba magiging slacks na yang skirt mo?" Sarkastiko nitong sabi

Ano bang trip ng lalaking 'to? Bakit sobrang init ng dugo sakin? Sa panaginip naman ang bait-bait mo. Tsk, baka hindi ikaw yung hinahanap ko. Baka ibang tao ka, kamukha ka lang siguro dahil sa ugali sobrang layo nyo! Duh kalamo naman kinagwapo nya yung pagsusungit nya. Syempre.

"Umuwi kana"

Napaangat ako ng tingin sa kanya dahil sa gulat.

"P-po? Am I fired?" mahina kong tanong

"No, just change your skirt and come back as soon as possible"

"O-okay Sir t-thank you"

"what are you waiting for? Gusto mo ipahubad ko sayo yang skirt mo?" Nanlaki ang mata ko nang sabihin nya iyon kaya dali-dali akong lumabas sa office.

Pagkaalis ko sa office ay agad kong tinawagan si Cyan, buti na lang one call away itong bestfriend ko na 'to. Ilang minuto lang ay dumating na rin ito. Buti pa 'to walang ginagawa or madami rin pero tinatamad syang gawin? May company rin sila at malapit na rin nyang paltan si Tito. Minsan nga nagpapatulonng pa 'to sakin sa mga pinapagawa sa kanya. Sinabi nya sakin mag apply ako sa company nila at sya na ang bahala pero umayaw ako dahil sobra na ang ginagawa nya para sakin.

"Ano na naman ginawa mo?" natatawa nyang tanong

Nakahalukipkip ako habang magkasalubong ang dalawa kong kilay habang ang mga mata ko ay diretso ang tingin sa unahan.

"Ewan ko ba doon sa lalaking 'yon, napakalakas ng tama. Nagsuot lang naman ako ng skirt, syempre secretary ako buti nga di ako nag two piece eh" Napatawa ito nang marinig ang sagot ko

"ano raw ba dapat?" natatawa pa rin nyang tanong. Napakababaw ng kaligayahan wala naman nakakatawa sa sinabi ko

"Slacks and long sleeve daw" naiinis kong sabi "pero buti na lang di ako tinanggal" dagdag ko pa

" Ang babaw naman ng dahilan pag dahil lang don tatanggalin ka" tumango naman ako bilang pagsang –ayon kahit hindi nya kita dahil nasa unahan din ang tingin nya

Pagkatapos kong magpalit agad naman akong bumalik dahil baka umuusok na naman ang ilong ng boss ko. Pinaglihi ata yon sa dragon.

"I thought you're not coming back"

See? Highblood na naman ang lolo nyo.

"Sorry Sir traffic po kasi" palusot ko

"Kasalanan ko?"

The Missing Star In The SkyWhere stories live. Discover now