Chapter 5

4 1 0
                                    

Chapter 5: Rigel 


Cyan's POV

Ang tagal naman bumaba ng babaeng yon. Tatlong oras na akong naghihintay dito. Mga 30 Tao na rin ang lumabas mula sa pinto ng company na 'to.

Naka 30 missed call na rin ako sa kanya. Ano na ba nangyayare sa babaeng yon. Tapos itong si Kuya guard ayaw akong papasukin, badtrip din tong boss ni Asul ibinigay ang picture ko sa guard na nakadikit ngayon sa table nya para hindi ako makapasok.

"Colorpeps kanina kapa?"

"Hindi naman, mga 3 hours lang naman ako naghintay" sarkastiko kong sagot.

Nagroll eyes ito bago sumagot. Sya na nga late sya pa ang magtataray aba aba

"Bakit ba ang tagal mo?"

"Wala" walang gana nitong sagot saka sumakay sa kotse.

I know this girl, I know something's bothering her.

"Sakin kapa talaga maglilihim? Tell me what's bothering you" saad ko bago ko in-start ang kotse.

Rinig ang malalim na paghinga nya bago ito nagsalita

"Sir Rigel said he's also dreaming about me. He's telling me that he's the man in my dream but I doubt it. Sobrang iba nila"

"Edi sabihin mo yon sa kanya na hindi sya yung lalaki sa panaginip mo kahit na magkamukha sila. Sabihin mo yung lalaki sa panaginip mo ay hindi dragon."

"He's even telling me na papatunayan nya raw na sya yung lalaki sa panaginip ko."

"ah" matipid kong sagot bago pinaharurot ang sasakyan

"Alam mo gusto ko pang mabuhay, sabihin mo lang kung sawa kana sa buhay mo at bababa na ako. Atsaka kilala mo pala sya? You're the one who gave my information to him, isn't?"

Napaapak ako sa break at saglit na itinabi ang kotse. "I don't know him, he just asked me your information and promise me to take care of you. Ayaw mo naman magtrabaho sa company namin kaya ibinigay ko na lang since kilala sya ni Dad. " Paliwanag ko at nag nod lang ito.

Sky's POV

"May bago kana palang driver at kotse di mo man lang ako sinabihan edi sana di na ako pumunta dito para ihatid ka sa trabaho mo" Bungad ni Colorpeps sakin pagkababa ko ng hagdan.

Kasalukuyan sya ngayon nakaupo sa sofa habang nanonood ng movie at kumakain ng popcorn.

"Anong pinagsasabi mo dyan, nangangarap kana naman ba?" inosente kong tanong.

Ngumisi ito bago kumuha ng popcorn "So sino yung lalaking nasa labas na kanina pang naghihintay sayo?" Pagkasabi nya nito ay agad akong tumungo sa bintana upang tingnan ang lalaking nasa labas.

"Dragon?" mahina kong sabi

"I knew it" napatalon ako nang biglang magsalita sa likod ko si colorpeps habang nakatingin din sa labas. Chismoso hmp

"Anong ginagawa nya rito?" saad ko

Nagkibitbalikat lang ito bago bumalik sa sofa.

Bumalik ako sa aking kwarto para tingnan kung may text o missed call si dragon pero kahit isa wala. Anong trip nito? Hindi pa naman ako late.

"Alis na ako" paalam ko kay Colorpeps habang busy parin sa panonood ng movie "Ikaw na bahala sa bahay" dagdag ko bago tuluyan isara ang pinto.

"Good morning Sir, ano pong ginagawa nyo dito?"

"Sinusundo ang future girlfriend ko" wika nito sabay bukas ng pinto ng kotse at sumenyas na sumakay na ako. Di agad ako nakakibo dahil na awkwardan ako. "Let's go" wika ulit nito kaya naman sumakay na ako.

The Missing Star In The SkyWhere stories live. Discover now