Chapter 2

22 1 0
                                    

Chapter 2: Secretary

Sky's POV

Kasalukuyan ako ngayong nakaupo sa sofa habang nanonood ng tv. Habang buhay na lang siguro akong ganto. Wala pa rin akong natatanggap na mails galing sa mga company na pinagpasahan ko ng resume.



Kinuha ko ang remote saka ako naghanap ng movie na panonoorin ko.



"Gotcha" wika ko pagkakita ko sa Now you see me 2.



Halos kalahating oras na rin akong nanonood at paubos na rin ang popcorn na kinuha ko kanina sa kusina pero ito ang isip ko tamang lipad lang. Ni wala nga akong naintindihan dito sa pinapanood ko.


"Nagsasayang ka lang ng kuryente"


"Aray!" reklamo ko ng tumama sa ulo ko ang junksfoods na dala ni Colorpeps. "Ano na naman problema mo colorpeps?" tanong ko habang hinihimas ang ulo ko natamaan ng ibinato nya.


"Ang ganda ganda ng pangalan ko, "Cyan"tapos colorpeps lang itatawag mo sakin?" reklamo nya saka ibinagsak ang sarili sa sofa.


"Ikaw nga Asul ang tawag mo sakin atsaka ngayon ka pa ba magrereklamo simula bata yan na ang tawag ko sayo" paliwanag ko bago ko ibinalik ang atensyon ko sa movie na pinapanood ko.


"lagyan mo naman ng sweetness"


"edi sugar colorpeps oh sweet na yan baka nga magkadiabetes kapa" saad ko habang nakatingin sa unahan. Hindi man ako nakatingin ay alam kong magkasalubong na naman ang dalawang kilay nito. Natatawa na lang ako pag naiisip ko ang itsura nya.


Kahit naman lagi kong inaaway ang lalaking ito ay nagpapasalamat pa rin ako dahil lagi syang nandiyan para sakin. Lahat ng favor ko ay ginagawa nya. Can't imagine my life without this man. Thank you Lord.


"Ano ba yang pinapanood mo?" Saad nya sabay agaw ng pagkain na hawak ko dahilan para mapatingin ako sa kanya.


Kitang-kita ko ang nakakaasar nyang mga ngiti habang nanliliksik ang aking mga mata.


"Oh ito na, galit agad" wika nya sabay abot ng pagkain na kinuha nya bago humalaklak.


Agad ko naman itong kinuha sabay balik ng tingin ko sa tv.


"AYAN TAPOS NA!" Reklamo ko nang pangalan na ng mga cast ang naka flash sa screen.


"Mag uno na lang tayo" suhestiyon nito habang nakangisi.


"Ayoko" mabilis kong sagot. Alam na alam ko na ang mga binabalak mo


"Ano bang ginagawa mo"


"Wala! ano ba ang chismoso mo" wika ko sabay layo ng laptop nang akmang titingnan ito ni Colorpeps.

The Missing Star In The SkyWhere stories live. Discover now