Chapter 8

8 2 0
                                    

𝐒𝐞𝐥𝐞𝐧𝐞'𝐬 𝐏𝐎𝐕







"Paano ka nakatakas sa mga kasama mo ?" tanong ko. Naglalakbay parin kami nina Almatheo pero sa ngayon ay maghahanap muna kami ng lugar na matututulugan dahil malapit na ring dumilim.







"Sekreto lang." pagbibiro niya kaya tumawa ako. Si Almatheo naman ay parang wala sa mood , kanina pa siya hindi nagsasalita. I wonder what gotten into him.








"Wuy , Almatheo.." usal ni Uriel kay Almatheo







Napangiti ako.I like the way how Uriel is being friendly to Almatheo. He's trying to get along with him. Kanina pa niya ginagawa ito pero ang sungit ni Almatheo kaya hindi nalang namin pinansin kanina.









"Oh.." tipid na sagot neto. Naglalakad kasi si Almatheo habang ako ay nanatiling nakasakay sa kabayo ko. Mahina lang naman ang pagpapalakad namin ni Uriel sa mga kabayo namin para makasabay si Almatheo.








"Haha. Ang tahimik mo." usal ni Uriel.







"Bakit ba." sagot naman ni Almatheo.








"Wala lang , magsalita ka naman diyan. Parang ayaw mo sakin eh."







"Ano bang gusto mong pag-usapan ?" tanong ni Almatheo.






Nagtinginan kami ni Uriel. Pati ako nahihirapan narin paano kausapin si Almatheo.







"Hayaan mo muna siya." usal ko kay Uriel.











TAHIMIK ulit kaming naglakad hanggang sa nakakita kami ng puno na pagsisilungan namin kung umulan man. Naghahanap si Almatheo ng kahoy habang tinutulungan ko naman si Uriel na gumawa ng campfire.







"Kaming dalawa pa lang ba ni Almatheo ang nahanap mo ?" tanong niya. Huminto muna ako sa paglalagay ng munting sanga sa apoy dahil baka maubos. Tsaka umaapoy na rin naman ito kaya okay na.





"Obviously , yes." sagot ko. Huminto narin siya at umupo na ng maayos. Magkatabi kami at tanaw namin si Almatheo na kumukuha ng mga kahoy.





"Ah ganon ba.." mahinang sagot niya.







Tumingin ako sakanya. He's really a good looking. He got this bad boy aura while Almatheo got this king in a white horse presence.






Pumasok sa isip ko yung tito niya. Uriel must be an Uncle's boy. Siguro namimiss niya na si Uriel ngayon.







But , I wonder where's his mom.








"Asan nanay mo ?" tanong ko.







Tumingin muna siya sakin ng ilang segundo at tsaka muling ibinalik ang tingin sa apoy.






"Limang taong gulang ako ng namatay ang ama ko at ilang buwan lang ang lumipas ay pinatay rin yung ina ko." sagot niya.






"Pinatay ?" tanong ko.






"Oo. Pinatay rin siya ni Haring Amiro. Pitong buwang' buntis ang ina ko nun sa bunso kong kapatid. Siguro natakot ang hari na baka maging isang taga pangalaga din ang dinadala ni ina. Hindi niya alam na tinago na nila ako nung una pa lang." sagot niya.








The Guardians of Moon (𝐻𝑒𝑎𝑡ℎ𝑒𝑟 𝑆𝑒𝑟𝑖𝑒𝑠 # 2) Where stories live. Discover now