Chapter 15

6 2 0
                                    

𝐒𝐞𝐥𝐞𝐧𝐞'𝐬 𝐏𝐎𝐕



"Gising.."  Dahan-dahan ko namang dinilat ang mata ko ng maramdaman kong may yumuyugyug sa braso ko. Malabo ang nakikita ko. Asan ako ?



"A-almatheo.." usal ko.



"Gising.." yugyug sakin nung lalaki. Dali-dali akong napabangon ng mapagtanto kong hindi si Almatheo ang lalaking to !



Ang sakit ng katawan ko. Napatingin ako sa lugar. Nasa baba kami ng bangin. Tumayo siya at pinuntahan ang kabayo ko. My horse seems fine , para bang hindi kami nahulog sa mataas na bangin.




Speaking of nahulog---ngayon ko lang din napansin na may kunting pasa ako sa dalawang siko ko. Napatingin ako sa lalake , may sugat din siya sa siko.



"Akin na siko mo." usal niya at tsaka umupo sa tabi ko para gamutin ito.



"You're G-ganymede.." nauutal na sabi ko sa pangalan niya.





"Hmm." tango niya lang habang ginagamot ito.





"H-how long have we been here ?" tanong ko. May nakita kasi akong campfire.




"Kanina pa tayo dito , nakatulog ka lang." sagot niya kaya napahiya naman akong nag iwas ng tingin. Asan na kaya sila Almatheo , I hope they're fine.



"Hawakan mo , may kukunin lang ako." sabi niya. Hinawakan ko naman yung mainit na dahon na nilagay niya sa siko ko. Sunundan ko siya ng tingin habang may kinukuha siyang parang tela.



"Akin na." sabi niya at tinali ang dahon sa siko ko. After it , yung kabila ko namang siko ang ginamot niya.



Pagkatapos niya akong gamutin ay ginamot niya rin ang sarili niya. Magkatabi kami pero we're 3 feet away from each other. Umusog kasi siya. I think he felt that I am still uncomfortable with him , ngayon ko lang kasi siya nakilala.





Sa tingin ko sakanya , he's cold and mean but mabait naman at the same time. He's attitude is kinda similar to Almatheo but no , there's a big difference. Mas cold and mean si Almatheo. He's kinda serious , I mean he looks like he's a serious type like Callisto. Tahimik din siya like Deimos. But a big NO sa attitude ni Uriel. Wala silang similarities maliban sa badboy nilang dating.





"Wag kang mag-alala , darating din yung mga kasama mo." biglang sabi niya ng matapos na niyang gamutin ang sarili niya.




Hindi ako sumagot.





"Hintayin nalang natin sila , kesa naman mag ligawan pa ng daan. Mas mabuting sila nalang ang pumunta dito." dagdag niya.



"A-alam ba nila ang daan papunta dito sa baba ?" mahinang tanong ko.





Hindi siya sumagot. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Pinitik niya naman yung kamay niya dahilan para mapatingin ako !



Yung pitik na yun ! Yan din yung narinig namin ni Deimos nung maligaw kami !





"You.."




"Parating na sila." sagot niya.




"So ikaw yung pumipitik ?! Why ?" tanong ko.






Tinignan naman niya ako. Nag flashback bigla sakin yung moment na nakita ko ang moon mark sa kamay niya ! He's a moon guardian ! Ganymede , the liz eyed guardian !







You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 18, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Guardians of Moon (𝐻𝑒𝑎𝑡ℎ𝑒𝑟 𝑆𝑒𝑟𝑖𝑒𝑠 # 2) Where stories live. Discover now