1

47.2K 496 39
                                    

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.







CHAPTER ONE






TINAPON ni Seidon ang sigarilyo sa basurahan at tumayo mula sa pagkakaupo sa hagdanan. It's almost time for his shift to start.

Poseidon is an intern at Midnight hospital na pagmamay-ari din ng university na pinapasukan niya, konting buwan nalang ay pwede na siyang maka take ng board exam para sa licence niya.

Sinukbit niya sa balikat ang doctor's coat bago umakyat sa taas, kumunot ang noo niya ng maabutan ang isang lasing na lalaki na nagwawala sa E.R habang may hawak na isang babae.

"Wag niyo akong lalapitan kundi gigilitan ko ng leeg ang babaeng to!" wala sa sariling sigaw nito at mas inilapit ang scalpel sa leeg ng dalaga.

Natatarantang lumayo ang mga tao sa paligid ng lalaki at ni isa ay walang lumapit, may ilang doctor ang nagpapa kalma sa lalaki pero hindi ito nakinig.

Napakamot sa noo ang binata bago humarap sa lalaki,"Ano bang problema mo?" kalmado niyang tanong dito.

"Sinabi ko na nga na ayaw kong magpa gamot!" sigaw nito at mas lalong hinigpitan ang hawak sa babae.

"Okay, bitawan mo na yang babae at umalis ka." nakapamulsa niyang wika.

"Pero doc! May sugat po siya sa tagiliran." singit ng naka duty na nurse na may hawak pang chart.

"Ano bang pake mo? Is he your dad? Your relative?"

Yumuko ang nurse at umiling, hinarap niya ulit ang lalaki. Binitawan nito ang scalpel at bumagsak yun sa sahig, kasunod nito ay tinulak nito ng malakas ang babae. Mabilis na nahawakan niya ang babae bago tumakbo na parang nababaliw ang lalaki.

Hinarap niya ang babae at nakitang dumudugo ang leeg nito, "Doc, nahihilo po ako."

Mabilis na nasalo niya ang babae at pinangko bago inihiga sa hospital bed. Ginamot niya ang sugat nito at nilagyan ng bandage, sakto namang pagkatapos niya ay dumating ang kasamahan niyang intern.

"Are you nuts! It's our duty to save peoples lives! Pero pina alis mo yung nasaksak na lalaki." galit na bungad nito.

"Una, hindi ako mani. It's our duty to save those people who wants to be save." naka cross arm na wika niya dito. "At isa pa, I saved her life." naglakad siya palapit dito at tinapik ang balikat nito bago umalis.

Hindi na niya binalikan ang babae, her wounds are not that deep at nahimatay lang ito dahil sa nerbiyos. After his shift ay dumeritso siya sa school para tapusin kailangan gawin, bumaba siya sa motor bike at binulsa ang susi bago naglakad papasok sa school.

Everyone wondered why he's living life like a rich kid kahit na isa siyang orphan. There are many rumors circling around the university that he had a sugar mommy or even a gay boyfriend that's supporting him.

MEN IN SUIT 1: Posiedon Gullen (Completed)Where stories live. Discover now